The big revelation
Lahat ng bisita kasama ang pamilya at ilang malapit na kaibigan ni Maine maging ang kasintahan nito na si Alden na mas malamig pa sa yelo ay mariing pinakinggan ang lahat ng sinasabi nila Louise at Jake. Sa totoo lang, masama na ang kutob nila pero lahat sila nanalangin na sana mali ang tinutukoy ni Louise. Dahil hindi pa sila handa na aminin ang totoo na ang kaibigan nila na buo ang tiwala sa kanila ay pinagpustahan lamang nila...
"Charmaine tulad ng sinabi ni Jake just listen carefully." Wika ni Louise sabay play ng recorded pen..
Usapan ng barkada ni Maine
"Alden balita ko sasagutin ka na daw ni Maine." Lasing na sabi ni Sanya..
"Oo, at mukhang mananalo na ako sa pustahan namin nila Sam." Sagot ni Alden na halatang lasing na..
"Ibig sabihin niligawan mo si Maine dahil sa pustahan? So hindi mo siya minahal?" Tanong pa ni Valeen..
"Fuck you! Ako magseseryoso? Damn you! Hindi ko gagawin iyon noh." Sagot ni Alden na nakangiti pa..
"Iyan si Alden malupit sa chicks." Sabat pa ni Valerie na kambal ni Valeen..
"Ang daya ninyo. Dapat isali ninyo kami sa pustahan." Sagot pa ni Barbie sa mga boys..
"Sige para masaya, pustahan tayo kung hanggang kailan sila tatagal." Sigaw pa ni Patricia..
"Oo nga noh." Sagot pa ni Jerald...
"Sige Alden 15 thousand ipupusta namin kailangan sa birthday mismo ni Maine i-break up mo siya. Pero bago mo siya iwan dapat 'yong hulog na hulog na siya." Sabat pa ni Valerie..
"Sure." Kampante nitong sagot.. "Ihanda ninyo ang 15k ninyo at mapapasa akin iyan." Sagot niya..
"Uy, sali din kami." Sabat nila Kate at China...
"At magkano naman ang pusta ninyo aber?" Sabat ni Alden..
"30k ang ipupusta namin." Wika nilang sabi sabay apir..
End nang usapan nila..Lahat na shock sa kanilang narinig. Pero mas nagulat sila ng biglang bumagsak si Maine na halatang nagulat sa kaniyang mga nalaman. Kaya lumapit agad ang ama at mga kapatid nito para dalhin na sa malapit na hospital ang dalaga. Lalapit din sana si Alden para sana yakapin ito, pero palapit pa lang siya ng bigla siyang bigyan ng isang malakas na suntok ni Paulo. Galit na galit ito habang sinusuntok ang binata na hindi man lang lumalaban..
"Putang ina ninyo, lalong-lalo kana Alden. Ang kakapal ng mukha ninyo para pagpustahan ninyo ang kapatid ko. Akala ko pa naman ang babait ninyo, pwe mga hayop kayo mga wala kayong kwentang kaibigan." Galit niyang sabi..
BINABASA MO ANG
Goodbye
Fiksi PenggemarTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...