Nang makarating sila sa hospital saktong si Doctor Manolo ang naka-duty doon. Habang ang pamilya ni Charmaine ay nasa labas lamang ng e.r kung saan ipinasok ang dalaga...
"Kanina lang kausap kita ngayon sinugod kana dito." Bulong niya Dr. Manalo sa kaniyang sarili...
Maya-maya nagkamalay na ang pasyenteng si Charmaine..
"N-na s-saan ako?" Tanong niyang nanghihina...
"Andito ka sa hospital ngayon. Ano bang nangyari sa iyo?"
Pero hindi sumagot si Charmaine kung hindi nakiusap pa ito..
"Doc please don't tell them. Hindi pa ako handa na malaman nila." Iyak niya habang nakikiusap..
"Kailan ka magiging handa? Kapag malapit kanang mawala? That's a selfish idea Nico Charmaine." Inis na wika ng Doctor sa kaniya.
"Ayoko silang masaktan Doc." Humihibi niyang wika.
"Sa ginagawa mong paglilihim sa kanila sinasaktan mo na din sila. Alam ko natatakot ka, pero iha ngayon mo sila mas kailangan, ang pamilya at mga kaibigan mo. Isipin mo din sila." Paliwanag nito..
Pero umiyak lang ito ng umiyak at nakikiusap na huwag sasabihin ang totoong sakit niya. Dahil sa awa ginawa ni Dr. Manalo binigyan ito ng pampakalma para makapagpahinga na. Bago pa siya lumabas bumulong pa siya.
"Patawad, pero sa tingin ko karapatan nilang malaman ang lagay mo. Sana mapatawad mo ako."
Paglabas niya agad niyang kinausap ang pamilya ng dalaga. Sinabi niya ang katotohanan na may sakit ito na pwede nitong ikawala. Nagulat silang lahat. Hindi sila makapaniwala na meron itong brain tumor at 1 year na lang ang pwede nitong itagal.. Maagapan naman raw iyon kung mapipilit nila itong magpaopera at mag-undergo ng chemotherapy. Sa ganoong paraan pwede pang madagdagan ang buhay ng dalaga...
3 months ago.....
Oo lumipas ang tatlong buwan mula ng malaman nila ang totoong lagay nito. Nakauwi na din sila pero wala pa silang lakas ng loob na tanungin ito dahil takot din sila na magalit at maglayas muli ang dalaga. Around 2 pm dumalaw si Alden sa Mansion ng mga Mendoza..
"Magandang araw po." Bati ng binata mula sa labas ng gate..
"Aba iho, napadalaw ka?" Masayang bati ng hardinero ng mga Mendoza..
"Andiyan po ba si Charmaine?"
"Ay opo. Nandoon sa garden." Tugon niya habang pinapapasok ang binata..
Nang makapasok ito, nakita siya nila Pia at Paulo..
"Oh Alden himala ata at wala ang mga alagad mo?" Natatawang wika ni Paulo..
"Ay busy po sila."
"Ganoon ba? Kung si Charmaine hanap mo nasa garden iyon." Singit ni Pia..
"Pwede ko po bang puntahan?" Pagpapaalam pa niya..
"Oo naman, tiyak matutuwa iyon." Sagot pa niya sa binata, sabay aya sa kaniyang kuya Paulo. "Kuya tara na baka mainip na ang client natin." Wika pa nito kaya agad silang umalis..
Samantalang si Alden naman ay agad nagtungo sa garden kung na saan si Charmaine. Napansin niya itong nakatingin sa langit na tila ba ang lalim ng iniisip. Kaya agad niya itong nilapitan at tinawag...
BINABASA MO ANG
Goodbye
FanficTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...