"Halatang galit sa atin si Maine. Kung sabagay tayo man ang lumagay sa sitwasyon niya, malamang magagalit din ako." Pahayag ni China habang nainom ng tubig.
Hanggang ngayon kasi nasa school pa din sila..
"Tama ka diyan China, pero alam ninyo tayo ang dapat sisihin kung bakit siya nagbago ng ganiyan." Tugon pa ni Valeen..
"Alam ko na. Puntahan uli natin siya doon sa kanila, malay ninyo this time makinig na siya sa atin." Sabat ni Sam..
"Hoy! Bumbay, nakita mo ba kung paano sampalin ni Maine si Alden? Baka gusto mo matikman." Wika ni Patricia..
"Oo. Eh ano naman ang connection noon?" Masungit din niyang saad..
"Sam ang ibig lang sabihin ni Patricia kung pupunta tayo doon baka hindi lang sampal ang ibigay sa atin ni Maine." Paliwanag ni Sanya..
"Baka nga hindi pa tayo nalapit eh may nalipad na patungo sa atin." Takot nasabi ni Jerald..
"Kahit ano pa iyan tatanggapin ko mapatawad niya lang tayo.. At kung pwede pa, liligawan ko pa siya ng paulit-ulit." Biglang sabat ni Alden...
"Bro matindi talaga tama mo kay Maine noh?" Nakangising sabi ni Sam..
"Tama na iyan. Siguro mas maganda sa monday try natin uli siyang kausapin. Malay ninyo this time makinig na iyon sa atin." Sagot ni Kate..
"Sana nga." Wika nilang sabay-sabay...
Nico Charm Restaurant
Iyan ang restaurant ni Pauleen na ipinangalan niya pa sa bunso nilang anak ni Victor. Naala pa niya noong may karinderya pa sila kung gaano kakulit noon si Maine. Madalas pa itong makipagtalo sa mga ate at kuya niya para lang payagan siyang tumambay sa kanilang tindahan...
Flashback
"Mama?" Tawag ko sa aking ina..
"Bakit anak may kailangan ka ba?" Tanong niya..
"Ma, pwede po ako dumeretso sa karendirya after ng classes ko?" Paglalambing ko sa aking mama.
Sa totoo lang kasi ayaw niya talaga na tumatambay ako doon, ewan ko ba kung bakit.
"Hay, mangungilit ka lang kay mama." Saway ni ate sa akin..
"Hayaan mo nga siya kung gusto niya puntahan si mama. And beside maganda nga iyon para matulungan niya si mama doon." Pagtatanggol ni kuya sa akin..
Kaya super love ko si kuya eh kasi lagi niya akong kinakampihan..
"Tama na iyan." Saway ni mama sa kanila. "Basta Menggay anak, huwag kang magpapakapagod, alam mo naman na bawal ka mapagod." Bilin ni mama..
"Pero payag na po kayo?" Excited kong tanong..
Tumango si mama bilang sagot kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit..
"Ma, sigurado po ba kayo diyan?" Sabat ni ate..
"Pwede ba Pia pumayag na si mama kaya huwag kanang magprotesta." Sagot ni kuya.. "Beside nag-promise si bunso na hindi siya manggugulo at magpapakapagod doon." Paliwanag pa niya.
BINABASA MO ANG
Goodbye
FanficTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...