Marami-rami na ding mga estudyanteng nagpapasukan. Hindi pa naman late si Charmaine kaya sa canteen muna siya tumambay. Pinagmamasdan niya ang lahat ng tao, nang may lumapit sa kaniyang dalawang babae. Walang iba kung hindi sila Kate at China..
"Hi Nico Charmaine." Bati ng isa..
Kaya lumingon siya dahil tinawag ang name niya..
"Nag-iisa ka ata?" Tanong pa ng isa..
Hindi siya makasagot sa dalawa dahil natatakot siya na baka saktan na naman siya ng mga ito. Kaya ginawa niya tumayo na lang siya at nagpaalam..
"Sige alis na ako." Kabadong pagpapaalam niya..
"Nico andito kami hindi para awayin o saktan ka. Kung hindi para humingi ng sorry." Malumanay na sabi nito..
"Sorry? Saan?" Takang tanong niya..
"Oh, sorry by the way I am China and this is Kate." Pagpapakilala nila kay Maine. "Pwede ka bang makausap kahit saglit lang?" Pakiusap pa niya..
Tumango si Maine bilang sagot at agad umupo..
"Sorry kasi dahil sa amin nasaktan ka at na hospital pa. Sa totoo lang ayaw talaga namin na saktan ka, kaya lang kapag hindi kami sumunod kay Louise kami naman ang sasaktan niya." Paliwanag ni China..
"Pwede bang Nico na lang itawag namin sa iyo? Gusto din sana namin na makipagkaibigan sa iyo." Wika pa ni Kate..
"Iyon lang ba? Okay lang tinatanggap ko ang sorry ninyo pero huwag na sana maulit pa lalo na sa iba." Sagot ni Maine..
"So mula ngayon friends na tayo?" Sabay nilang tanong..
Tumango si Maine bilang sagot.. Nasa ganoon silang pag-uusap ng makita sila nila Patricia at ng iba pa...
"Maine ginugulo ka ba nila?" Tanong ko sa kaibigan namin, mahirap na at halos ngayon palang siya nakaka recover sa pananakit na natamo niya..
"Naku hindi, humingi sila ng sorry sa akin at friends na kami." Nakangiti niyang paliwanag..
"Huwag ka ngang magpauto sa mga iyan." Biglang sabat ni Valeen nakararating lang..
"Baka mamaya isa iyan sa mga evil plan nila ang utuin ka tapos ikaw naman nagpapauto sa mga iyan." Inis na tugon ni Valerie..
"Kambal nga kayo, pareho ang nasa utak." Sabat ni Barbie..
"Hoy! Bansot bakit iniwan mo ako?" Inis na tanong ni Sanya sa kapatid..
"Huwag nga kayong mag-away." Saway naman ni Patricia.. "At kayong dalawa ano ba talaga plano ninyo?" Tanong pa nito kina Kate..
Pero bago sila makasagot nagsalita na si Maine..
"Kung ayaw ninyo tanggapin ang sorry nila at hindi ninyo sila matanggap na maging kaibigan pwes huwag ninyo akong kakausapin. Ang gugulo ninyo, hindi kayo marunong tumanggap ng sorry ng iba." Galit nasabi ni Maine sabay alis at iniwan silang nakanganga..
Sheena;
"Aba mukhang kompleto ang tropa ha?" Wika ko habang palapit sa kanila kaya lang narinig kong sumigaw ang best friend ko..

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanficTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...