Habang nagtatalo ang magkapatid na Paulo at Pia si Charmaine naman ay unti-unti nang nagkakamalay.
"Ku....ya....." Tawag niya sa kaniyang kuya naikalingon nito..
"Buti at gising kana." Sagot niya na may bahid na pag-aalala sa tinig nito.
Pagkatapos dahan-dahan niya itong inilapag sa sahig...
"Bunso ano bang nangyari sa iyo?" Tanong naman ng ate Pia niya..
Pero ngiti lang ang naisagot niya..
"Maine gusto mo dalhin kana namin sa hospital?" Tanong ng Kuya niya.
Umiling lamang ito bilang sagot. Bukod sa nanghihina pa ito ay sumasakit pa ang ulo niya.
"Maine tutulungan ka ng ate na magpalit ng damit ha." May lambing na pahayag ni Pia.
"Ako naman kukuha ng gamot para diyan sa sugat mo." Dugtong naman ni Paulo.
Bukod tanging tango lang ang kaniyang naisasagot sa mga kapatid niya. 2 hours ang nakalipas.. Nalinis ni Paulo ang sugat ni Charmaine sa ulo. Nabihisan na rin siya ng kaniyang Ate at pagkatapos ay tinulungan nila itong makahiga sa kaniyang higaan. Palabas na dapat ang dalawa sa silid ni Charm ng muli silang tawagin nito.
"Ku...ya, a...te..." Tawag niya na ikalingon ng dalawa..
"Why? May kailangan ka pa ba?" Malambing na tanong ng kuya niya.
"Sor....ry...." Nahihiya nitong wika...
"No, don't say sorry dahil wala kang kasalanan. Ang mahalaga ayos kana... Sige na pahinga kana." Tugon ng kuya niya sabay halik sa noo nito..
Pagkatapos ay sabay na silang umalis sa kaniyang silid.
"Hindi pa ito ang tamang panahon na malaman nila ang lagay ko. Ayoko muna sabihin, dahil hindi pa ako handa." Wika niya sa kaniyang sarili bago matulog...
Kinaumagahan
Maagang nagising si Charmaine kahit masakit ang ulo niya pinilit pa din niyang bumangon dahil ito ang araw na babalik na siya sa school. Pagbaba niya una niyang nakita ang kaniyang ina na busy sa pagluluto..
"Hi, Mama good morning po." Magiliw nitong wika..
"Ang aga mo ha? Excited lang pumasok o excited makita ang gustong makita?" Natatawa nitong wika na hindi pa napapansin ang sugat sa ulo ng anak..
"Ma, sina ate po?"
"Si ate mo tulog pa, si kuya mo maagang umalis. Bakit?"
"Wala lang po. Eh si Papa po?"
"Si Papa mo andoon pa sa kwarto at umaga na natulog gawa ng mga paper works."
" Ahh. Eh sina Papu at Mamu po?"
"Andoon sa garden. Teka nga lang? Nakakahalata na ako sa iyo ha? Bakit mo ba sila hinahanap?"
"Mama talaga oh. Hinahanap lang po eh. Nagtataka lang po kasi ako bakit po wala sila dito."
"Hoy! Nico Charmaine Mendoza kilala kita, may hihilingin kana naman sa kanila noh?" Kung wari nitong inis at sa wakas napansin din ang sugat ng dalaga. "Teka napaano iyang noo mo?bakit may sugat iyan?" Nag-aalala nitong tanong..
"Nadulas po ako kagabi sa banyo eh." Nakayuko nitong wika..
"Next time mag-iingat kana. Uminom ka ng gamot para mabawasan ang kirot ng sugat diyan sa ulo mo. Kaso sugat at kirot sa puso wala akong alam na gamot." Natatawa niyang wika sa anak na ngayon ay nakasimangot na..
BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...