fifteen

588 29 3
                                    

1 week before

Walang pasok sila Maine ngayon dahil may seminar ang kanilang mga professor kasama ang may-ari ng school. Balita kasing pag-uusapan ang tungkol sa camping, acquaintance party at ang kanilang sport fest na gaganapin sa susunod na buwan. Dahil walang pasok umuwi muna si Sheena sa bahay ng kaniyang tiyahin sa Bacoor Cavite at magtatagal daw siya doon ng 1 week. Dahil 2 weeks from now ay camping na nila hindi makakasama si Sheena dahil sa trabaho niya. Habang walang pasok naalala bigla ni Pauleen ang binulong ng kaniyang mother in-law noong nakaraang dumalaw ang mga ito may isang linggo na ang nakakalipas..

"Siguro ito na ang tamang panahon para makilala ni Maine ang partido ng Papa niya kahit ayaw nila Paulo." Bulong niya..

Sa sala naman seryosong nanonood ng t.v ang tatlo, nang tawagin sila ng kanilang ina para kumain...

"Mga anak kakain na." Tawag niya..

"Opo susunod na." Sigaw ni Paulo.

Pero si Maine agad itong tumayo. Pagdating sa harap ng pakain tahimik pa din sila hanggang basagin iyon ng isang katok mula sa kanilang pinto.

"Tok! Tok! Tok!" Katok ng isang tao sa labas.

"Ako na lang po Ma." Sagot ni Maine.

Pagdating sa harap ng pinto agad niya itong binuksan para malaman kung sino ang bisita nila. Pagbukas niya dalawang lalake ang kaniyang nakita. Ang isa mukhang bata at parang kaedad lang ng kaniyang kuya Paulo.. Samantalang ang isang lalake naman parang matanda lang ng kaunti sa kaniyang ina..

"Sino po kayo?" Magalang nyang tanong. "Sino po ang kailangan ninyo?" Tanong pa niya..

Pero bago pa makasagot ang taong kausap ni Maine narinig na niya ang boses ng kaniyang kuya Paulo...

"Bunso ang tagal mo naman? Sino ba ang bisita natin?" Tanong niya sa kaniyang kapatid. "Papasukin mo huwag kayo diyan mag-usap." Dugtong pa nito..

"Pasok po muna kayo. Nasa kusina po sila Mama, kuya at ate." Magalang niyang sabi sa kanilang bisita.

Pero nag-iisip siya kung saan ba niya nakita ang lalaking ito. Nang makapasok na sila agad niyang tinawag ang kaniyang ina..

"Ma, may bisita po tayo." Wika niya.

Pero ang kinagulat niya ay ang pag-iiba ng reaksyon ng mukha ng kaniyang ate at kuya..

"Bakit kaya?Bulong niya..

"Victor ano ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Mama doon sa lalake..

"Victor? Posible bang siya si Papa?" Bulong niya sa kaniyang sarili..

"Andito ako para imbitahan kayo sa birthday ni Daddy sa linggo na iyon." Paliwanag niya..

"Hindi kami pupunta." Cold nasabi ng kuya Paulo niya...

"Excuse me po." Wika ni Maine na ikalingon ng lalake..

"Yes iha?" Nakangiti niyang tugon..

"Hindi po ba kayo ang nagligtas sa akin noong binu-bully ako ng mga classmates ko?" Tanong niyang hindi inaalis ang tingin sa kausap..

"Ako nga." Tipid niyang sagot.. "Kamusta ka na? Binu-bully ka pa din ba nila?" Tanong pa nito..

"Hindi na po." Masaya niyang tugon..

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon