forty six

472 27 2
                                    

Sa paglipas ng panahon walang ibang ginawa si Pia kung hindi ang hanapin ang kapatid na naglayas. Kahit paano napatawad na niya ang kaniyang Mamu at maging ang mga kaibigan ng kapatid. Katwiran niya.

"Magalit man ako ano pa magagawa ko? Eh andiyan na iyan. So, hanapin na lang.."

Maging si Victor lagi niyang tinatanong ang imbestigador na kaniyang kinuha para mahanap ang dalaga. Kaso still negative ang result. Minsan nga nawawalan na din siya ng pag-asa na makita ang kaniyang Prinsesa.

Samantala si Alden hindi napapagod maghanap ang babaeng mahal niya.. Buong Metro Manila ata inikot na nila mahanap lang ang dalaga. Si Louise at Jake natulong din sa paghahanap sa pinsan na hindi malaman kung asan na. Pati ang mga magulang nila ay tumutulong na din na mahanap siya..

Si Sheena na best friend ni Charmaine ay naisipang umuwi muna ng Cavite para sa tyahin na may sakit. Taga Bacoor Cavite siya, wala siyang alam na nasa Cavite lamang napadpad ang kaibigan...

Hanggang isang araw....

"Tiyang punta po muna ako ng SM Dasma, may bibilhin lang po ako sa national bookstore." Pagpapaalam niya..

"Mag-iingat ka at huwag magpapagabi." Sagot nito sa pamangkin niya.

"Opo." Kaya agad siyang umalis para magtungo doon at bumili ng libro....

Nang makarating sa nasabing mall at makabili ng librong pakay niya, naglakad-lakad muna siya hanggang maisipan niya na kumain sa McDonald...

"Hi welcome po sa McDonald, what is your order ma'am?" Tanong nang kahera..

"Hmm Mcfloat na lang and isang large fries." Sagot niya..

"Dine in po ba? O take out?" Tanong pa nito..

"Dine in po."

"Okay." Nakangiting wika ng cashier..

Nang makapagbayad siya at makuha ang order niya agad siyang nagtungo sa bandang dulo upang maupo doon. Habang nakain napansin niya ang isang babae na malapit lang sa kaniyang pwesto. Hindi siya pwedeng magkamali kilala niya ang babae at agad siyang lumapit dito..

"Cha-charm?" Nag-aalangan niyang tawag..

Paglingon ng babae ganoon na lang ang gulat niya..

"Yes? W-wait? She-sheena?" Tanong niyang halata ang pagkakagulat...

Hindi na niya napigilan pang yakapin at kamustahin ito...

"Charmaine, what are you doing here? Alam mo bang kung saan-saan kana namin hinahanap. Pati pamilya mo nag-aalala na sa iyo." Wika niya na naiiyak pa..

"Sheena sana huwag mong ipaalam sa kanila na nakita mo ako." Pakiusap nito sa matalik niyang kaibigan...

"Pero bakit? Alam mo bang ang tagal kana nilang hinahanap. Hello Charm almost 2 years kana nilang hinahanap, tapos ngayon na nakita na kita ayaw mo naman ipaalam sa kanila? What's wrong with you ba?" Mahaba nitong wika sa kaibigan...

"Alam mo wala na patutunguhan ang usapan na ito, at kahit kailan hindi ko sasagutin ang mga tanong mo. Aalis na ako. Masaya akong nagkita tayong muli." Sagot ni Charmaine...

Pag-alis ni Charmaine agad tinawagan ni Sheena si Pia..

Pia

Nagulat ako dahil biglang tumawag si Sheena sa akin..

"Hello Sheena. Bakit napatawag ka? Totoo? Saan? Sige magkita tayo.. Okay.. Wait mo ako diyan."

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon