Isang linggo mula nang magkausap sina Charmaine at Aling Irene at payuhan ito ng matanda. Napagpasyahan na rin ng dalaga na bumalik na sa kanila. Na isip niya na tama si Aling Irene na tinuring niyang Nanay. Kaya agad siyang nagpasa ng resignation letter kung saan siya nagtatrabaho. Tapos ang ibang gamit niya na pinundar niya sa loob ng 2 years ay binigay niya kay aling Irene.. Bukod tanging damit lang ang dala niya. Nagsabi siya sa matanda na babalik na siya sa kaniyang pamilya hindi na niya binigay pa ang ibang detalye...
Sa mansion naman mula nang malaman ni Paulo kung asan ang kapatid ay agad niya itong pinuntahan. Kaya lang hindi niya ito matiyempuhan. Hindi niya naman ito mapuntahan sa tinutuluyan nito, dahil hindi niya alam ang address nito. Sapagkat ayaw sabihin ni Pia o maging ni Sheena. Nang araw na mag-resign si Charmaine sa trabaho iyon din ang araw na bumalik siya sa nasabing mall. Nalaman din niya na nag-resign na din ito sa trabaho pero walang nakakaalam ng dahilan..
Si Victor naman ay natutuwa dahil nasabi na sa kaniya ni Ryan kung asan si Charmaine, kaya lang wala na ito sa dati nito pinagtatrabahuan at wala na din sa dati nitong tinitirhan...
Pauleen
"Pia anak, may balita na ba sa kapatid mo?"
"Wala pa po Ma." Pagsisinungaling niya..
"Na saan na kaya ang kapatid mo? Almost two years na since nang umalis siya dito sa atin." Malungkot niyang wika..
"Hayaan mo Ma hahanapin pa rin po namin siya." Tugon ni Paulo pero ang mata ay na kay Pia..
Nasa ganoon silang pag-uusap ng biglang may mag-doorbell sa kanilang mansion..
"Anak may inaasahan ba kayong bisita?" Tanong ng kanilang ina..
"Wala po." Sabay nilang sagot..
Nang biglang sumigaw ang katulong nila na tila ba ang saya saya niya..
"Ma'am!!! Si Ms. Charmaine po bumalik na!" Palahaw niyang Tawag na halatang tuwang-tuwa.
Dahil sa sinabi ng katulong nila agad silang lumapit at ganoon na lang ang pagkagulat nila ng umuwi na ito..
"Ma sorry po." Umiiyak na sabi ni Charmaine sa kaniyang ina..
"No, don't say sorry ako dapat iyon. Saka hindi na importante iyon ang mahalaga nakauwi kana." Wika niya sabay yakap sa anak..
"Paulo, Pia tawagin ninyo ang Papa, Papu at Mamu ninyo." Utos niya na agad nilang sinunod..
Hindi nagtagal bumababa na din sila at hindi rin sila makapaniwala na bumalik na ang kanilang Prinsesa..
"Pa, Papu, Mamu sorry po." Umiiyak niyang sabi habang yakap siya ng mga ito..
"Apo kalimutan mo na iyon. Ang mahalaga andito kana." Wika ng kaniyang Papu..
"Huwag mo na uli uulitin ang maglayas ha?" Pakiusap pa ng Mamu niya..
"Anak don't do that again. Mamatay ako, kami sa pag-aalala sa iyo. Nang malaman kong lumayas ka halos mabaliw kami sa kahahanap sa iyo. Anak huwag kana muling aalis ha." Pakiusap pa ng kaniyang ama habang yakap siya at umiiyak pa..
"Promise never ko na pong uulitin ang umalis mag-isa. Sorry po talaga." Iyak din niya..
"Tara kumain kana, baka nagugutom kana at nang makapagpahinga ka pa."
"Pwede po bang sabay-sabay tayong kumain?" Pakiusap niya sa kanila..
"Oo naman. Tara kakain tayong lahat ng sabay-sabay gaya ng dati."
Sa harap ng hapag kainan ay puno ng kwentuhan, tawanan at talagang masaya sila..
"Sana hindi ito panaginip." Bulong ni Pauleen sa kaniyang sarili..
"Masaya akong nakabalik na ang kapatid ko." Bulong naman ni Pia..
"Ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko, ang muling makita ang anak ko." Masayang wika ni Victor sa kaniyang isipan...
"Apo kumain ka ng madami." Masayang sabi ng kaniyang Mamu..
"Apo pwede ba akong magtanong sa iyo?" Tanong ng Papu niya..
"Tungkol po saan Papu?"
"Handa kana ba na makita silang muli?" Tanong niya sa apo na dahilan ng paghinto nito sa pagkain.
Sasagot na sana si Charmaine ng magsalita bigla ang kaniyang ama.
"Daddy ano ba? Kauuwi lang ng anak ko. Huwag ninyo naman guluhin pa ang isip niya." Singit ng kaniyang ama..
"Don't worry Pa, sasagutin ko po ang tanong ni Papu."
"Are you sure little sis?" Wika pa ng ate niya..
Tumango si Charmaine bilang sagot bago humarap sa kaniyang Papu..
"Papu, handa na po akong makita silang muli at kausapin. Sa totoo lang po napatawad ko naman na po sila pero mukhang mahihirapan po sila na maibalik ang tiwala ko." Pahayag niya..
"So? Ano plano mo ngayon?" Tanong naman ni Paulo..
"Babalik ako ng school, mag-aaral akong muli gaya ng dati. Pero pwede po bang makiusap sa inyo?"
"Sure ano ba iyon?"
"Huwag ninyo po muna ipaalam na bumalik na ako gusto ko po i-surprise sila."
"Sige kung iyan ang gusto mo."
"Pa, pakipaayos naman po kay kuya Kristopher ang papers ko para makabalik na po ako ng school."
"Sige ako na ang bahala doon."
"Ate Pia tabi tayo matulog huh."
"Iyan ang na miss ko sa bunso namin. Sige tabi tayong matutulog mamaya."
Masayang natapos ang kanilang hapunan. Hindi pa din sila makapaniwala na umuwi na si Charmaine sa kanila. At gaya ng sinabi ni Maine sa silid nga ng kaniyang ate Pia siya natulog..
12 midnight nang maramdaman ni Maine na muling sumakit ang kaniyang ulo kaya agad niya itong hinawakan.
"Ang sakit." Bulong niya sa kaniyang sarili.
Sobrang sakit ang nararamdaman niya. Na tila ba nabibiyak ang kaniyang ulo na para bang kaysarap ihampas sa pader. Pinilit niyang tumayo para hanapin ang kaniyang maliit na bag para makuha ang gamot na nireseta sa kaniya ng doctor. Nang makuha iyon ay agad niyang ininom. Mabuti na lamang at may isang basong tubig doon. Pawis na pawis siya na kala mo ay nakipagtakbuhan sa kung kanino. Dahil nainom na niya ang gamot niya ay unti-unti nang nawala ang sakit kaya lang hindi siya makatayo sa kaniyang kinauupuan kaya doon na siya nakatulog...
6am nang magising si Pia nang makapa niya na wala sa tabi ang kapatid. Inisip niya na baka naligo na ito o hindi kaya ay nasa baba na para kumain. Pero pagtayo niya nakita niya si Maine na nakaupong natutulog sa sahig habang hawak ang isang basong may laman pang tubig.
"Bakit dito ito natulog? Ano ba ang nangyari?" Tanong niya sa kaniyang isipan.
Kaya naman ginising na niya ito..
"Bunso gising, bakit diyan ka natutulog?" Tanong ko sa kapatid ko..
"Ate sorry." Iyon lang ang naisagot niya..
"Sige doon muna sa higaan ituloy ang tulog mo." Wika ko habang inaalalayan ko siyang tumayo...
"Salamat po."
Nang makahiga si Charmaine napansin ni Pia na parang maputla ang kapatud niya.
"Siguro naman hindi na bumalik sakit niya sa puso. Dahil naoperahan na ito noon. Pero bakit parang nanghihina siya?" Nagtataka niyang wika sa kaniyang utak..
Pero kahit nagtataka iniwan niya na ito at hinayaang magpahinga dahil baka iyon lang ang kulang sa kapatid niya...

BINABASA MO ANG
Goodbye
Fiksyen PeminatTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...