sixty two

427 22 1
                                    

Isang umaga nagpunta muli si Alden sa mansion ng mga Mendoza. Para sana yayain ang dalaga na mamasyal. Hindi naman siya nabigo dahil sumama ito. Beside may tiwala sa kaniya ang pamilya ni Charmaine..

"Saan mo gusto mamasyal?" Tanong niya sa dalaga..

"Gusto ko sa tabing sa dagat."

"Dagat? Bakit naman doon?"

"Payapa kasi doon eh."

"Okay sige doon kita dadalhin." Kaya agad silang nagtungo sa isang resort sa subic...

Nang makarating sila doon. Makikita sa mukha ni Maine ang saya at ngiting priceless. Nilagyan ni Alden ng sapin ang buhangin kung saan sila uupo at tanaw nilang dalawa ni Maine ang dagat..

"Alden salamat sa pagdala mo sa akin dito."

"Wala iyon. Ikaw pa ba? Eh mahal kita kaya lahat gagawin ko for you."

"Alam mo Alden sa totoo lang naalala ko na lahat."

"What do you mean?"

"Alden, ang utak ko pwede makalimot pero hindi ang puso ko. Alam ng puso ko na matagal na kitang minahal at mamahalin pa."

"Maine masaya ako dahil alam ko na mahal mo ako. Mahal na mahal din kita."

Inabot sila doon ng maghapon, buti na lang dala ni Alden ang balabal ni Maine. Habang pinagmamasdan ang palubog na araw iyon din ang oras na sinagot ni Maine si Alden. Hinagkan ito ng binata at sinabi pang..

"Gusto mo pakasal na tayo?"

Natawa pa si Maine.

"Kakasagot ko lang sa iyo kasal agad?"

"Oo para ako na ang mag-aalaga sa iyo. Pagsisilbihan kita bilang reyna at Prinsesa ko." Nakangiti nitong wika..

"Magpaalam ka muna kina Mama at Papa. Idamay mo na sila ate at kuya. Kasama ng buong tropa."

"Iyon lang pala eh. Sige uuwi na tayo para makapagpaalam na ako sa kanila."

Na iiling na lang si Maine sa inasta ng binata buy deep inside masayang-masaya siya, she feel better pagkasama ang binata. Gabi na sila nakauwi nakatulog na din sa loob ng sasakyan si Maine dahil na din sa pagod sa biyahe nila.

"Iho bakit ngayon lang kayo?"

"Tito sorry po. Dinala ko po kasi siya sa tabing dagat. Iyon po kasi request niya."

"Ganoon ba? Eh na saan na siya?"

"Nandoon po Tita sa kotse kaya lang tulog na po eh."

"Sige ako na bubuhat sa kapatid ko." Pagpiprisinta ni Paulo..

Nang umalis si Paulo para kuhain si Charmaine sa kotse ni Alden ang binata naman ay kinausap ang mga magulang ng dalaga. Pero bago iyon hinintay muna nila sina Pia at Paulo bilang respeto. Nang maikyat ang kapatid bumalik si Paulo kasama na si Pia.

"Tito, Tita, Kuya Paulo at ate Pia. Gusto ko pong malaman ninyo na sinagot na po ako ni Charmaine."

"Wow congrats." Wika ni Paulo..

"Mahalin mo ang anak namin at huwag mo na uli sasaktan." Paalala pa ni Victor..

"Opo." Pero meron pa po akong isang reason kung bakit gusto ko po kayo makausap."

"Sige tungkol ba saan iyan Alden?" Seryosong tanong ni Pauleen..

"Gusto ko na po sana pakasalan si Maine. Para ako na po ang mag-alaga sa kaniya. Mahal na mahal ko po talaga si Charmaine."

"Wow huh. Ngayon ka lang sinagot, hinihingi muna agad ang kamay ng bunso namin." Natatawang wika ni Pia..

"Bro baka naman gusto mo paabutin muna ng 1 month ang pagiging magkasintahan ninyo." Sabat pa ni Paulo..

"Pero mahal ko po talaga si Charmaine. Lahat po gagawin ko para pumayag po kayo." Pakiusap pa niya..

"Well kung ako tatanungin mo iho, tama sila Paulo at Pia. Masyadong mabilis ang pangyayari. Pero kung disidido ka na sige pumapayag kami. But in one condition."

"Salamat po Tito, kahit ano pa pong condition iyan tatanggapin ko po."

"Iho, ang gusto namin mag-propose ka ng tama kay Maine. Pero pwede next month muna iyan gawin kasi tulad ng sabi nila kasasagot lang niya sa iyo."

"Okay po. Maraming salamat po."

Pagkatapos mag-usap ay umuwi si Alden sa kanila na may ngiting tagumpay.

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon