@the Philippines
Montenegro twinsHabang nanonood ang kambal bigla na lang nilang naalala ang kaibigan na minsan nilang nasaktan...
"Kambal sa tingin mo ba mapapatawad pa tayo ni Maine? Tanong ni Valeen sa kakamba niya.
"I think so, kasi kung sina Kate nga napatawad niya noon what more tayo na kahit paano ay kilala niya." Sagot naman nito..
"Pero kambal iba naman ang kina Kate compared sa ginawa natin." Malungkot din niyang katwiran..
"Okay sige andoon na tayo. Pero naniniwala ako na patatawarin niya din tayo. Bakit? Kasi kahit paano naging kaibigan natin siya. Siguro naman pagbumalik na siya from nowhere napatawad na niya tayo. Think positive lang kambal." Paliwanag pa niya sabay yakap dito..
Samantalang kina Patricua ganito ang usapan....
"Pat may balita kana ba kina sheena at Maine?" Tanong ni Barbie habang nakain ng pop corn..
"Wala pa din." Tipid nitong sagot sa pinsan niya. "How about you Sanya?" Tanong naman niya...
"Ang sabi nasa ibang bansa na raw sila pero hindi sinabi kung saang bansa." Tugon ni Sanya.
"Sana bumalik na siya at kapag nangyari iyon lahat gaawin ko matanggap lang niya ang sorry ko." Wika ni Barbie..
"Tama ka diyan Barb's, sana nga bumalik na siya." Tugon ni Patricia...
Kate&China
"Chin, I think malabo nang pakinggan ni Nico ang ating explanation." Wika ni Kate..
"Alam mo Kate just think positive, pasasaan ba at mapapatawad niya din tayo." Sagot niya..
"Pero malaki ang kasalanan natin sa kaniya, imagine pati family niya galit sa atin." Malungkot na wika ni Kate.
Tahimik lang si China dahil tama ang kaibigan niya.
"Kung sana pinigilan lang namin ang pustahan nila siguro wala kami sa ganitong sitwasyon." Bulong niya sa kaniyang sarili.
Alden
"Bro I really miss her so much. Gusto ko na siyang makita pero paano?" Tanong niya kina Sam at Jerald na dakilang tambay sa kanilang bahay.
"Bro don't ask us dahil kahit kami hindi namin alam ang sagot. Nakita mo naman hindi lang sa iyo galit ang pamilya niya kung hindi sa buong tropa." Sagot ni Sam habang naglalaro..
"Pero alam mo bro kung ako sa iyo kakalimutan ko na siya." Sabat ni Jerald dahilan para batukan siya ni Alden..
"Siraulo ka ba? Kasasabi ko lang hindi ba? Mahal ko si Maine and beside we're not officially break kaya may pag-asa pa akong mapatawad niya kung susuwertehen pa baka bumalik pa siya sa akin." Wika ni Alden..
"Bro huwag kang pakasisiguro dahil baka mamaya umasa ka sa wala ikaw din baka masaktan ka." Payo ni Sam sa kaibigan..
@Mendoza mansion
"Anak Pia nakausap mo na ba ang kuya mo?" Tanong ni Pauleen sa anak nakauuwi lang.
"Opo Ma." Tugon niya sabay mano rito. "Sabi ni kuya okay naman raw sila baka daw mag-home study muna si bunso para daw hindi mapagod." Paliwanag pa niya...
"Kailan daw sila babalik dito? Sabik na akong mayakap ang mga kapatid mo lalo na si bunso." Nakangiti niyang sabi...
"Paano ko ba sasabihin sa iyo Ma na hindi na siya ang dating Charmaine na kilala natin." Wika ni Pia sa kaniyang isipan habang nakatingin sa kaniya ina na busy sa paghahain. "Hmm Ma asan po sina Mamu at Papu?" Tanong ni Pia..

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...