eleven

661 30 2
                                    

Hindi sila na tuloy mag-mall dahil pinatawag silang lahat sa gymnasium. Dahil merong announcement na kailangan nilang malaman. Kaya agad silang nagtungo doon. Pagdating nila agad silang nakipagsiksikan para doon sila sa unahan makapwesto.. Magkakatabi sila nila Valeen at Sheena habang ang iba naman nilang kasama sa likod pumuwesto. Hindi naman nagtagal may dumating na isang lalake na kung titingnan mo ay nasa late 30's ang edad nito. Matipuno pa din ito at mukhang desente pa. Hindi nagtagal nagsalita na ito para sa isang mahalagang announcement.

"Good afternoon to all of students here." Bati niya sa mga kabataang nasa loob ng gym. "Ako nga pala si Kristopher Cruz ang kanang kamay ng may-ari ng school na ito." Pagpapakilala niya. "Siguro nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag lahat?" Tanong niya sa lahat na tao roon. "Magkakaroon kasi tayo ng camping this coming August 28 at sa Tagaytay City ito gaganapin." Pag-aannounce niya..

Biglang may nagtaas ng kamay na isang lalake..

"Yes?" Tanong niya sa lalake.

"Sir tanong lang po, saan po ba sa Tagaytay? Ilang araw po tayo doon at magkano po ang bayad?" Tanong niyang sunod-sunod..

"Okay. Sa Taal Vista tayo mismo magka-camping. Almost 7 days tayo doon. Ang bayad ay 1500php per head. Kasama na ang service at food ninyo doon. Ilang damit, kumot at unan lang ang dadalhin ninyo at ilang personal things ninyo." Sagot niya sa isang estudyante na nagtanong sa kaniya. "May tanong pa ba?" Tanong pa niya sa lahat kaya may isang babae na nagtanong..

"Sir, paano po kung hindi po payagan ang iba sa amin?" Tanong niya..

"Well may special project iyan. Dahil after ng camping ninyo magkakaroon pa kayo ng acquaintance party bago ang inyong exam. At sa mga hindi sasama sila ang mag-aasikaso nang nasabing party." Paliwanag niya..

Pagkatapos ng announcement ay nagkaniya-kaniya na ang lahat ng student. Sila naman ay bumalik sa kanilang classroom para kuhain ang kanilang mga gamit dahil half day lang sila...

"Sheena sasabay ka ba sa akin?" Tanong niya sa kaibigan niya.

"Charm, sorry baka hindi kasi may pasok pa ako." Tugon nito..

"Ganoon ba?" Malungkot niyang sabi. "Sige sasabihin ko na lang kina Mama na hindi ka makakauwi." Tugon niya pa sa malungkot na tinig.

"Salamat Charm." Wika ni Sheena nakangiti. "Huwag ka nang malungkot. Promise bibilhan kita ng vanilla ice cream pag-uwi ko." Pag-aalo niya pa sa kaniyang kaibigan.

Ayaw niya kasi itong makitang nalulungkot..

"Promise mo iyan huh?" Paninigurado pa nito..

"Oo nga." Nakatawa nitong wika. Tapos nagpaalam na siya sa kaniyang kaibigan dahil baka mahuli pa siya..

"Salamat." Wika ni Maine sa kaibigan..

Samantala sina Valeen naman may practice uli sa volleyball, sila Alden naman sa basketball. Kaya sila Sanya ang kasabay ni Maine umuwi.. Pero hanggang gate lang kasi sabi nila may pupuntahan pa daw sila..

"Bye Maine, ingat ka sa pag-uwi." Pagpapaalam nila..

"Salamat." Sagot niya na may ngiti..

Pag-alis nila sumakay na siya ng jeep pauwi sa kanilang bahay.. Doon niya na lang hihintayin ang ina at mga kapatid niya. Saka pagagalitan lang siya ng Mama niya kapag doon siya dumeretso sa karendirya.

Jake;

Mula ng makilala ko si Maine ay naging crush ko na siya dahil sa angkin niyang kagandahan. Kaya lang wala akong lakas ng loob umamin dahil napangungunahan ako ng pagiging torpe ko. Pero naiinggit ako kina Faulkerson, Gogna at Napoles. Bakit? Kasi buti pa sila close na ni Maine eh ako??

Nabalitaan ko din na may gusto si Louise kay Faulkerson, ano kaya makipagtulungan ako sa kaniya para makuha ang siya? Kaya lang naiinis ako kapag naaalala ko na siya ang nanakit sa mahal ko.. Pero kasi siya lang ang pwedeng tumulong sa akin.. Ano ba magandang gawin para mapansin din ako ni Maine gaya ng kina Alden?

Louise;

Bwesit na Nico Charmaine na iyon dahil sa kaniya maglilinis tuloy kami nila Kate ng buong university and take note 3 months namin itong gagawin.. Tapos ang gusto pa ng may-ari ng pesteng school na ito ay mag-sorry kami sa babaeng iyon. Kaanu-ano ba niya ang babaeng iyon at ganoon na lang kung pagmalasakitan niya.. Ang nakakainis pa pinamukha pa sa akin ni Alden na hindi kami at hindi magiging kami. Hindi hamak naman na mas maganda ako sa Maine na iyon.. Kainis talaga.. Makakaganti din ako sa iyo..

Kate & China;

Habang naglilinis kami ni Kate hindi ko naiwasan na tanungin siya dahil nakabusangot ang pagmumukha niya..

"Kate bakit pang Friday 13th ang mukha mo?" Pabiro kong tanong..

"Naiinis ako, taga linis nga tayo grounded pa ako ng 2 months. And take note nabawasan pa ang allowance ko. Sino hindi maba-bad trip?" Inis niyang wika..

"Kung sabagay tama ka, dapat si Louise lang ang may parusa eh, nadamay pa tayo." Sagot ko..

"China alam mo ba plano ko sana kapag natapos ang parusa natin ay makikipag kaibigan ako kay Mendoza." Serious niyang sabi..

"Seriously makikipagkaibigan ka pa? Sa palagay mo ba kakaibiganin ka noon matapos ng nagawa natin sa kaniya?" Natatawa kong tanong, pero siya mukhang serious talaga sa sinabi niya..

"Sa totoo lang China mula ng makasama natin iyang si Louise hindi na naging maganda ang image natin sa mga tao rito. Maging sa ating mga guro idagdag mo pa ang parents natin na mukhang na disappointed sa atin." Paliwanag niya. "I will try my best na maging kaibigan sila lalo na si Nico Charmaine and sa tingin ko mabait siya malay mo kapag nag-sorry tayo mapatawad niya tayo." Dagdag pa niya..

Napaisip ako sa sinabi niya, kung sabagay tama siya dahil kay Louise naparusahan kami at bakit nga ba hindi namin subukan wala naman mawawala..

Paulo;

Maaga akong nag out sa aking trabaho, dahil gusto kong bumawi kay bunso. Sa karinderya na ako ni Mama dederetso baka andoon si bunso. Hindi naman nagtagal nakarating ako sa karinderya kaso naabutan ko si Mama na magsasara na.

"Bakit kaya ang aga magsara ni Mama?" Wika ko sa aking utak. "Ma kamusta po?" Bati ko kay Mama habang nagmamano. "Tulungan ko na po kayo." Wika ko kay Mama..

"Salamat anak, pero bakit andito ka? Akala ko ba may over time ka?" Takang tanong ni Mama sa akin..

"Hini na po Ma, kasi naman naalala ko nagtatampo si bunso sa akin." Sagot ko habang sinasara ko ang pinto ng karinderya..

"Nagtatampo? Pero bakit?" Tanong uli ni Mama..

"Hay! Naku Ma alam ninyo naman po iyang si bunso kapag hindi kinausap iniisip agad galit sa kaniya." Paliwanag ko..

Pinasakay ko na sa kotse si Mama tahimik lang kami hanggang sa makarating ng bahay. Naabutan pa namin si Pia doon na kumakain..

"Pia hindi ba may pasok ka ngayon?" Takang tanong ni Mama sa kaniya..

"Opo Ma. Kaso lumiban po muna ako. Nagpaalam na din naman po ako sa amo ko." Paliwanag ko..

"Eh si Menggay ba nakauwi na?" Tanong ni Paulo sa kapatid..

"Oo kaso nakatulog na kahihintay sa inyo lalo na sa iyo kuya Paulo." Sagot ko habang nililigpit ang kinainan ko..

"Anak kumain ba ang kapatid mo?" Tanong ni Mama..

"Hindi po, at ayaw kumain." Sagot ko habang naghuhugas ng plato..

Paakyat na dapat sila Paulo nang mapansin si Maine na sa upuan natutulog..

"Bakit dito iyan natulog?" Tanong kong bigla kay Mama..

"At bakit sa akin mo tinatanong? Eh hindi ba magkasama tayo?" Sagot ng Mama niya sa kaniya..

"Oo nga pala." Kaya ginawa ko binuhat ko na lang ang kapatid kong bunso para maihatid na sa higaan niya baka mamaya sumakit pa ang katawan nito.. Pagdating sa silid niya agad ko siyang nilapag at kinumutan.. Tapos hinalikan ko pa siya sa kaniyang noo. Paalis na dapat ako ng magsalita siya ng tulog..

"Papa.." Tawag niya sa aming ama.. Umiling na lang ako saka ko siya iniwan para makapagpahinga na din ako..

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon