Nagkita nga ang magpinsan sa isang mall. Hindi nag-aksaya ng oras si Pia kinausap at pinaliwanag niya ang lahat sa dalaga na sa tingin naman ay nauunawaan nito..
"Ate Pia kung pupunta po ako doon, paano po si mommy?" Tanong nito..
"Ako na bahala kay tita, basta tulungan mo lang kami alam mo kung gaano namin kamahal si Maine." Wika ni Pia na may lungkot ang mata..
"Sige ate gagawin ko ang makakaya ko, pero hindi ako sure huh. Alam mo naman po na kahit paano eh may kasalanan din ako sa kaniya." Pahayag din niya. "Pero sige gagawin ko, kailan ba ako aalis?" Tanong pa nito..
"Bukas ang flight mo papunta doon. I will tell to kuya na sunduin ka sa airport. Makakasama mo si Sheena doon ang best friend ni bunso." Tugon niya sa tanong ni Louise..
After nila mag-usap agad sinabi ni Pia sa kaniyang kuya ang pagpunta ni Louise doon, buti na lang at pumayag ito kahit na biglaan...
Canada airport
Agad sinundo ni Paulo si Louise sa nasabing airport. Habang nasa biyahe sila pauwi sa bahay kung saan sila natuloy, sinabi ni Paulo sa dalaga ang kanilang sitwasyon at nauunawaan naman iyon ni Louise. A few a hour nakarating din sila sa nasabing bahay, nakita nila si Charmaine nakaupo ito sa sopa habang nanonood ng tv..
"Buti andito ka." Masayang bati nito sa kapatid na hindi siya nililingon. "Bunso andito si Louise." Wika pa niya..
"And so?" Tanong niyang hindi pa din natingin..
"H-hi Ma-Maine." Utal niyang bati dito.
Pero sa pagkakataong iyon lumingon ito at tumayo hindi para i-welcome ang bisita kung hindi para iwan sila..
"Tabi aakyat na ako." Wika niya sabay bangga sa kaharap..
Malungkot na tiningnan ni Louise ang pinsan na mas bata sa kaniya..
"Kuya kailan pa siya naging ganiyan?" Tanong niya habang nakatingin sa dalagang paakyat na..
"Mula noong magising siya galing sa operation. Nag-iba na siya, kahit kami nahihirapan. Pilit namin siyang inuunawa pero siya mismo ang lumalayo." Malungkot niyang tugon..
"Si Sheena po pala asan?" Tanong niyang muli..
"Ah baka nasa kusina iyon, tara at puntahan natin." Pag-aaya niya..
Sa kusina nakita nila si Sheena na umiiyak..
"Sheen bakit ka naiyak?" Tanong ni Paulo..
"Kuya nami-miss ko lang po ang dating Charm." Tugon niyang hindi natingin..
"Sorry kung dahil sa ginawa ko kaya siya nagkaganiyan." Singit naman ni Louise naikagulat ni Sheena..
"Bakit andito ka?" Tanong niya rito.. Saka huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan. Ang dapat nating sisihin ay sina Alden at ang mga kaibigan niya." Galit nitong sabi kapag naaalala ang nangyari noong birthday ni Charm..
"Louise tara hatid muna kita sa silid mo." Wika ni Paulo para makapagpahinga na ito..
Tinuro pa ni Paulo kung saan ang silid ng kapatid niya na si Maine pero binilin niya na huwag basta papasok sa silid nito kung ayaw niya makakita nang lumilipad na vase. Kinagabihan kakain na sila....
"Kuya hindi ba sasabay si Charmaine sa atin?" Tanong ni Louise na may pagtataka..
"Naku, hindi nasabay si Charm sa amin kahit noon pa.. Sabat ni Sheena..

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...