forty eight

503 30 3
                                    

Nagising si Charmaine sa isang bahay na hindi familiar sa kaniyang paningin. Narinig pa niyang sumigaw ang isang lalake at kung hindi siya nagkakamali si Kenneth Ito, ang apo ni Aling Irene na kung tawagin niya ay Nay Irene..

"Lola, gising na po si Ate Charm!"  Sigaw niya na ikalapit ni Nay Irene...

Paglapit ni Irene agad niya itong niyakap sabay wika na..

"Hay bata ka! Pinag-alala mo kami. Ano? Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa iyo?" Mga tanong niya sa dalaga na halata ang pag-aalala..

"Okay na po ako nay. Maraming salamat po." Tugon ni Charm na nahihiya pa..

"Kenneth, kuhaan mo nga ng makakain itong si Charm." Utos nito sa apong binata na busy sa pagte-text..

"Naku! Nay huwag na po. Uuwi na po ako. Masyado na po akong nakakaabala sa inyo." Tatayo na dapat siya ng maramdaman niya na medyo nahihilo pa siya..

"Ate huwag kana po muna tumayo at mukhang nanghihina ka pa. Dito kana po matulog kasama namin ni Lola." Wika ni Kenneth.

"Siya nga naman Charm, mahirap na kung ikaw lang mag-isa sa bahay mo." Sabat pa ni Irene..

Wala na siyang nagawa kung hindi ang sumang ayon, sa kabilang banda tama naman sila. Habang tulog na sila siya naman ay hindi makatulog. Kaya naisipan niya tumambay muna sa labas ng bahay nila Aling Irene. Habang nakatingin sa mga bituin nag-iisip siya kung ito na ba ang tamang panahon na bumalik siya sa kanila. Nang biglang may magsalita sa likod niya..

"Bakit gising ka pa? At ano ginagawa mo dito sa labas?" Tanong ni Nanay Irene na ngayon ay nasa tabi na niya Charm..

"Nay, tinakot ninyo naman po ako." Wika nito na nanginginig pa..

"Ay, pasensya kana. Hindi ko sinasadya. Bakit nga ba kasi gising ka pa?" Tanong niyang muli..

"Eh kayo po, bakit gising pa kayo?" Balik niya tanong sa matanda.

"Bumangon ako para sana mag c.r, kaso napansin ko wala ka sa higaan mo at nakita ko bukas ang pinto kaya naisip ko na silipin ka. So hindi ako nagkamali andito ka nga. Eh ikaw bakit gising ka pa? May problema ba?"

"May iniisip lang po nay. Hindi rin po ako makatulog eh." Tugon nito sa malungkot na tinig.

"Alam mo Charm parang apo na din kita, kaya nag-aalala ako sa iyo ng husto."

"Salamat po nay."

"Charm matanong nga kita? Bakit ba ayaw mo bumalik sa inyo?"

"Wala lang po."

"Anong wala lang? Alam ko may malalim pang dahilan. May bisita ka noong isang araw hindi ba?"

"Opo. Ang isa po doon ay kapatid ko at ang isa naman po ay matalik kong kaibigan. Gusto na po nila akong bumalik sa amin."

"Oh iyon naman pala. Bakit hindi ka pa sumama sa kanila? Sa aking palagay mukha namang mayaman kayo at mahal ka nila."

Natawa siya sa sinabi ni Aling Irene...

"Bakit ka natatawa? May mali ba sa sinabi ko?"

"Wala po Nay. Ang totoo po anak ako ng isang mayamang business man si Victor Mendoza."

"Uy, nadidinig ko sa mga balita ang pangalan na iyan. Sikat siya lalo na sa larangan ng negosyo. Madalas ini-interview ng mga news caster Ang taong iyon."

"Tama po kayo diyan."

"Oh, eh anak mayaman ka naman pala. Bakit ayaw mo bumalik sa kanila? Ano ang problema? Nagpapakahirap ka pa magtrabaho gayong kaya ka naman pala nilang suportahan."

"Nay, feeling ko po kasi hindi ko na kaya pang maniwala o magtiwala sa kanila. Natatakot po ako na magtiwalang muli."

"Bakit naman?"

Kaya kinuwento lahat ni Charmaine ang lahat upang maunwaan ng matanda ang ibig niyang sabihin..

"Nakakalungkot naman pala. Pero dalawa lang ang maipapayo ko sa I anak."

"At ano naman po iyon?"

"Ang magpatawad at humingi ng tawad."

"Po? Hndi ko po kayo naunawaan."

"Alam mo Charm, lahat ng bagay may dahilan. Kung pinaglaruan ka ng mga kaibigan mo natural na magalit ka. Dahil tiwala mo ang sinira nila. Pero hindi iyon ang dahilan para magalit ka sa lahat. Oo, may pagkakamali ang Lola mo para magtampo ka sa kanila dahil sa pinilit ka nilang pakinggan ang explanation ng mga barkada mo, nasa kabilang banda ay tama sila. Charm hindi lahat ng tao ay katulad ng nasa isip mo, na pwede kang lokohin at paglaruan."

"What do you mean po Nay?"

"Hindi ba sabi mo takot ka nang magtiwala pang muli?"

"Opo."

"Pero bakit mo ako pinagkatiwalaan? Kinuwento mo sa akin kung sino at ano ka."

"Pero iba po kayo sa kanila."

"Charm tandaan mo itong mabuti. Mawala man ang lahat sa iyo, pero ang pamilya mo hinding-hindi ka iiwan. Magalit ka man ng paulit-ulit sa kanila at lumayas ng paulit-ulit isang bagay lang ang sigurado ako."

"Ano naman po iyon?"

Ngumiti ang matanda bago sumagot.

"Ang hanapin ka nila at mag-aalala sila sa iyo ng paulit-ulit."

Kaya napaisip siya sa sinabi ni Aling Irene. Tapos bigla itong nagkwento..

"Alam mo ba? Kagaya mo, naglayas din ako sa amin. Pero huli na nang ma-realize ko na mali ang aking ginawa. Paano at bakit? Dahil gaya mo hinanap din nila ako, nang magkita kami at pilitin umuwi ay hindi ko sumama.

"Tapos po?"

"Tapos nang maisipan kong bumalik ay wala na ang pamilya ko. Namatay ang nanay ko dahil sa sobrang pag-iisip sa akin. Hindi siya kumakain o nalabas man lang. Ang tatay ko naman ay namatay sa isang aksidente kung saan pilit akong hinahanap sa kung saan-saang lugar."

"Nakakalungkot naman po."

"Oo, pero sabi nga magsisi man ako ay huli na. Kaya ikaw habang andiyan pa sila, ipakita at iparamdam mo na mahal mo sila at mahalaga sila sa iyo."

"Paano po? Paano po kung hindi na po ako mahalaga sa kanila?"

"Charm, hindi ka nila hahanapin kung wala kang halaga. At kung hindi ka nila mahal. Hayop nga hinahanap, ikaw pa kayang tao hindi hanapin? Lahat ng bagay may halaga. Tandaan mo mahirap mamuhay na puno ng galit ang puso at puno ng pag-aalinlangan ang utak. Walang magulang na gustong mapahamak ang anak nila. Sabi nga ng iba *ang anak kayang tiisin ang magulang, pero ang magulang hindi kayang tiisin ang anak. Kung baga isusubo na lang ibibigay pa sa iyo.*  Sana magsilbing aral sa iyo ang kwento ko."

"Salamat po Nay Irene." Wika niya habang nakayakap sa tinuring na ina...

"Wala iyon, sige na magpahinga ka na at baka mahilo ka na naman at bumagsak ka pa."

Kaya agad siyang tumayo at nagtungo sa kaniyang higaan baon ang mga sinabi ni Nay Irene sa kaniya.

"Siguro nga tama si Nay Irene, ito na siguro ang tamang panahon para bumalik sa kanila bago pa mahuli ang lahat. Isa pa nami-miss ko na din sila lalo na si Mama at Papa. Uuwi na ako Mama, sana hindi kayo galit sa akin."   Bulong niya sa kaniyang isipan hanggang sa makatulog na siya.

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon