Still in the hospital;
"Magandang araw po!!!" Bati nilang sabay-sabay..
"Paano ninyo nalaman na nandito kami?" Gulat na tanong ni Pauleen sa mga bisita ng anak..
"Tita nagpunta po kami sa inyo para po sana yayain si Maine na mag-mall dahil bibili po kami nang ilang gamit para po sa camping namin." Paliwanag ni Valeen..
"Ganoon ba? Sige ayon siya try ninyo kausapin baka sakali sa inyo magsalita na siya." Malungkot na pahayag niya.. "Oh nga pala sila nga pala ang Lolo at Lola ni Charmaine." Pagpapakilala niya sa dalawang matanda na nakaupo sa tabi ng higaan ni Maine. "Tapos siya naman ang Papa nila." Turo naman kay Victor na nakatingin lang sa mga bagong dating..
"Magandang araw po." Bati nilang muli. "Kami nga po pala ang mga kaibigan ni Maine. Ako po si Valeen." Pagpapakilala niya.. "Ito naman po si Valerie ang kambal ko, tapos sila naman po sina Alden, Jerald, Sam, Patricia, Barbie at Sanya."
"Hi po!!!" Sabay kaway..
"Sige na puntahan ninyo na siya." Wika ni Pauleen.
Tapos sila naman ang lumabas ng silid para mabigyan ng pagkakataon na makausap nila si Maine. Nang makalabas na sila Pauleen kasama sina Victor at ang mga magulang nito, ang mga kaibigan naman ni Maine ay agad tumabi sa kaniya..
"Maine kamusta kana?" Tanong ni Alden..
Ngumiti lang si Maine na halata mong pilit...
"Alam mo magka-group tayo sa camping." Wika pa ni Patricia na halata mong masaya..
"Maine baka gusto mo magsalita?" Natatawang biro ni Sam..
Pero imbes na magsalita umiyak si Maine na para bang bata na inagawan ng candy, kaya natakot si Sam..
"Ano ba ginawa mo? Bakit mo pinaiyak?" Galit na tanong ni Alden..
"Sorry." Hingi niyang paumanhin, sabay baling sa dalagang naiyak.. "Maine sorry huwag ka na umiyak, sige okay na kung ayaw mo magsalita huwag ka lang umiyak please." Natatarantang sabi ni Sam sa dalaga..
"Ikaw kasi pinipilit mo pa, ayan tuloy umiyak." Inis na sabi ni Patricia..
"Alam mo sa ganiyan nagkatuluyan ang lolo at lola ko." Pagbibiro ni Valeen..
"No way!!!" Sabay nilang sigaw na lalong ikaiyak ni Maine.
Napansin pa nila na nakatakip ang kamay nito sa dalawang tenga niya..
"Ayan sumigaw pa kasi kayo natakot tuloy." Inis na sabi ni Barbie sabay irap..
"May problema ba? Tell us Maine baka matulungan ka namin." Wika ni Valerie na halatang nag-aalala sa kaibigan..
Tumingin lang si Maine sa kanila sabay sabi na..
"Iwan ninyo muna ako, please." Wika niya na halatang hindi pa handang makipag-usap..
"Sige aalis na kami pero promise mo sasama ka sa camping natin ha?" Pahabol pang sabi ni Sanya..
Tumango si Maine bilang sagot, pero bago umalis ang mga kaibigan niya may sinabi pa siya.
"Salamat sa pagdalaw."..
"Wala iyon kaibigan ka namin eh, natural lang na dalawin ka." Tugon nila..
"Pwede ba ako makiusap?"
"Sure. Ano ba iyon?" Tanong nila..
"Huwag ninyo sanang sabihin kay Sheena.. Please.." Pakiusap niya.
"Sure para sa iyo. Pero sa camping kwento mo sa amin ha." Nakangiting sabi ni Alden...
Ngumiti at tumango si Maine bilang sagot bago umalis ang mga kaibigan. Paglipas ng oras pumasok naman si Paulo..
"Bunso ko, kamusta kana?" Bati niya sa kapatid na nakaupo lang. "Galit ka pa din ba sa akin?" Tanong pa niya.. "Sorry na kung nasigawan ka ng kuya. Hindi ko naman iyon sinasadya." Hingi niyang paumanhin.
Pero ayaw pa din magsalita ni Maine, nakatingin lang ito sa malayo na halatang nagtatampo sa kuya niya..
"Bunso ano ba ang gusto mong gawin ng kuya para mapatawad mo na ako?" Tanong niya..
"Gusto ko nang umuwi." Matipid ngunit cold na pagkakasabi..
"Bunso hindi ka pa pwede umuwi kasi sabi ng doctor." Hindi niya natuloy ang sasabihin ng humiga at tumalikod ang kapatid niya.
Kaya ginawa niya umalis na lang para kausapin ang kaniyang ina..
Sa labas ng silid ni Charmaine
"Victor, anak ano ang plano mo ngayon?" Biglang tanong ni Doña Consuelo sa anak, habang nagkikinig lang si Pauleen..
"Hindi ko pa po alam Mommy." Sagot niyang naguguluhan..
"Paanong hindi mo alam?" Naguguluhang tanong ni Don Joey sa anak..
"Dad gusto ko sana na makasama na sila kaya lang paano?"
"Anong paano? Kausapin mo sila, ninyo ni Pauleen." Suggestion ng ama niya..
"Pasensya na po kung makikisali ako sa inyo." Sabat ni Pauleen. "Pero pwede po ba na ako muna kakausap sa mga anak ko lalo na po kay Charmaine." Paghingi niya ng pahintulot sa mga ito.
Dahil alam niya na sa kaniya lang makikinig ang mga anak lalong-lalo na ang kanilang bunso na si Nico Charmaine...
"Sige ikaw ang bahala iha pero sana makumbinsi mo sila na lumipat na kayo ng bahay kasama ng anak ko na ama nila." Wika pa ni Doña Consuelo..
Nasa ganoon silang pag-uusap ng dumating si Paulo kasama na si Pia..
"Ma pwede ka po bang makausap?" Tanong ni Paulo.
"Oo naman, tungkol ba saan?" Tanong pa niya..
"Ma kasi gusto na po lumabas ni bunso ng hospital." Malungkot niyang sabi..
"Pero Paulo sana pinaliwanag mo." Sagot niya ..
"Ma explain it, but she did not listen to me. Mukhang galit pa din siya sa akin." Tugon niya na halatang nahihirapan na.
Ayaw niya kasi na may sama ng loob ang kanilang bunso. Alam nila ugali nito lalo na kapag nagtatampo. Madaling amuhin but not this time...
"Sige kakausapin ko ang Papa mo baka pwede niya kausapin ang doctor na palabasin na si Menggay." Sagot ng mama niya..
"Salamat ma. Sorry din kasi da.." Wika niya na hindi na tuloy ang sasabihin..
"Don't say sorry. It's okay. Andiyan na iyan siguro mas maganda pang kausapin mo na lang uli kapag okay na ang lahat." Sagot ng ina..
Kaya niyakap niya ng mahigpit ang anak. Si Pia naman tahimik lang hanggang lumapit na ang kanilang mga lolo at lola..
"Apo, kamusta ang kapatid ninyo?" Tanong nila..
"Okay lang." Cold nitong sagot..
"Anak pwede ka bang makausap." Sabat ni Victor..
"Nope, busy ako. Maybe next time or next year." Sagot niya sabay talikod..
"Anak alam ko marami na akong pagkukulang. Gusto ko sana na maayos na ito." Pakiusap niya sa kaniyang anak..
Hindi na sumagot si Pia kaya bagkus ay umalis na lang siya agad dahil baka may masabi pa siyang hindi maganda. Pagkaalis niya agad siyang nagtungo sa silid ng kapatid na ngayon ay tulog na.. Ginawa niya naupo muna siya habang pinagmamasdan ang kapatid na nagpapahinga, and then hinawakan niya ang kamay nito at doon na siya natulog... Hindi niya namalayan na gising pala si Maine at lihim siyang pinakikiramdaman...
"Ate bakit kailangan sapitin natin ang ganitong buhay? Bakit ba tayo iniwan ni Papa? Ano ba talaga ang mga dahilan niya?" Mga tanong ni Maine sa kaniyang ate na hindi niya masabi dahil nahihiya siya o natatakot sa maaaring isagot nito. Kaya nasa utak lang niya ang mga tanong na gusto niyang makuhaan ng sagot...

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...