forty

599 27 7
                                    

Monday

Maagang nagising si Charmaine para sa pagpasok sa school. Ginawa niya ang kaniyang morning routine bago lumabas ng kaniyang silid. Napansin pa niya na may sulat sa kaniyang study table, pagtingin niya letter galing kay Louise. Dahil hindi naman siya interisado hindi niya na ito pinagkaabalahan pang basahin.. Pagdating sa baba agad siyang binati ng kanilang mga kasambahay..

"Good morning po Ms. Charmaine." Masayang bati ng katulong nila..

"Kailan pa nagkaroon ng good sa morning." Mataray niyang sabi sabay talikod para pumasok na.

Kaya lang bago pa siya makalabas tinanong siyang muli ng kanilang katulong..

"Ms. Charmaine hindi po ba kayo kakain muna bago pumasok?" Tanong pa nito na tila ba natatakot, thankful na lang dahil hindi ito nautal..

"Hindi na." Tipid niyang sabi.

Bago pa magtanong uli ang kanilang katulong mabilis na siyang umalis. Hindi na rin siya nag-abala pang magpahatid. Sa school kung saan siya napasok agad niyang napansin si Alden sa tapat ng gate. Hindi tuloy niya maiwasan ang hindi bumulong...

"Sa totoo lang mahal pa din kita. Pero ang galit ko sa inyo lalo na sa iyo ay hindi mawala."  Bulong niya habang nakatingin sa binata na tila ba may hinihintay. "Papasok na nga ako baka makita pa niya na tinititigan ko siya, nakakahiya."  Bulong pa niya..

Kaya naman dumeretso siya ng lakad na kunwari hindi niya napansin ang binata. Iyon nga lang binati siya nito at may dala pang bulaklak..

"Hi Maine." Bati niya rito sabay abot ng bulaklak na hindi man lang kinukuha ng dalaga. "Maine pwede ba tayong mag-usap?" Tanong pa niya dito na hindi siya iniimik. "Please." Pakiusap pa niya..

Kaso tiningnan lang siya ni Maine mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri siya. Sabay wika nang..

"Ayoko.Malamig nitong tugon.

"Sige okay lang. Pero sana tanggapin mo ang flowers at chocolate na ito. Hindi ba favorite mo ito?" Nakangiti pa niyang wika..

"Hanggang ngayon alam pa din niya kung ano ang favorite ko."  Wika niya sa isipan niya.

Pero dahil galit siya sinagot niya ito..

"At bakit ko kukuhain iyan? Tayo pa ba?"  Tanong niya dito..

Yumuko na lang ang binata na para bang napahiya...

"Kung wala kanang sasabihin, papasok na ako, kaya pwede tumabi ka diyan dahil ang laki mong harang." Mataray pa niyang sabi sabay bangga sa binata na ikahulog ng bulaklak at chocolate na dala nito..

Sam

Pagpasok ko nakita ko si Alden sa gate, nakayuko ito habang tinitingnan ang bulaklak at chocolate na nasa lupa..

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon