forty three

497 26 3
                                    

Sa silid ni Charmaine

Pumasok ang mga dating kaibigan ni Maine, kasama ang mga pinsan niya at best friend nito na si Sheena.

"Anong ginagawa ninyo dito?? Galit nitong tanong sa kanila habang matalim silang tinitingnan...

"Maine pwede bang pakinggan mo muna ang sasabihin namin sa iyo. Please." Pakiusap ni Valeen sa kaibigan na makikitaan ng galit..

"Ayoko. Kaya makakaalis na kayo." Sagot niya sabay talikod..

"Please naman Maine makinig ka naman kahit ngayon lang." Nakikiusap pang wika nila...

"Kapag sinabi kong ayoko so it means hindi ako interisado. Kaya makakaalis na kayo." Sagot niya na nakatalikod pa din.

Ayaw niya kasi makita ang mga ito, dahil parang bumabalik ang sakit noong birthday niya kung paano niya nalaman na pustahan lang ang lahat..

"Sige na Charm kahit ngayon lang pakinggan mo sila." Pakiusap naman ni Sheena dito...

"TANGA BA KAYO O SADYANG MAKIKITID ANG UTAK NINYO? HINDI BA MALINAW SA INYO NA AYOKO KAYONG MAKAUSAP. TAMA NA SA AKIN NA NALAMAN KO NA PUSTAHAN LANG ANG LAHAT! Sigaw niya na may galit...

"Kahit itaboy mo pa kami hindi kami aalis dito. Gusto ka namin makausap, Maine. Hindi mo ba nakikita, nagsisisi na kami. Please kahit ngayon lang pakinggan mo naman kami." Singit bigla ni Alden na ngayon ay umiiyak na...

"I SAID GET OUT!!!!!!" Sigaw niyang muli dahilan para mapaakyat na ang pamilya ni Charmaine sa kaniyang silid..

"Apo tama na iyan." Wika ng Lola niya habang nalapit sa kaniya..

"Mamu paalisin mo po sila dito." Wika niya sa kaniyang Lola na umiiyak na...

Nang makalapit ang matanda niyakap niya ito sabay wika na...

"Apo tama na iyan. Pakinggan mo sila, hindi ba sabi ko sa iyo matuto kang makinig sa mga taong nakapaligid sayo."

"Pero Mamu pinagkatiwalaan ko sila. Pero ano po ginawa nila? Pinaglaruan lang po nila ako." Umiiyak nitong sabi na ngayon ay mahinahon na...

"Apo ko pakinggan mo sila, hindi mo malalaman ang dahilan kung hindi ka makikinig. Gusto mo ba dumating ang araw na magising ka na wala nang gustong lumapit sa iyo dahil sa kasungitan mo?" Tanong niya sa kaniyang apo habang nakayakap ito..

Umiling si Maine bilang sagot..

"Ganito na lang, pagtapos nito bukas na bukas din lilipad tayo patungong Italy. Basta promise me na makikinig kana sa kanila at him mo sila itataboy pa." Wika pa nang matanda sa kaniyang apo na bukod tanging tango lang ang sagot...

Habang ang mga tao doon ay nakikinig lang sa kanila. Bigla naman sumingit ang dalawa na sina Sam at Jerald...

"Maine sorry." Umiiyak na wika nang dalawa.

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon