Charmaine
Nang maging maayos na ang pakiramdam ko at mawala ang lagnat ko. Napansin ko sina Alden at ang iba pa..
"Ano kaya ginagawa nila dito?" Bulong ko kaya naman dahan-dahan akong umalis sa kama ko para sana magtungo sa cr.
Kaya lang nagulat ako nang magsalita si Alden...
"Mahal saan ka pupunta? Okay ka na ba?" Tanong niya sa akin na ikagulat ko..
"Oo. okay na ako. Mag-cr lang ako." Pagpapaalam ko na ikatango naman niya..
Pagtapos ko mag-cr nakita ko siya sa gilid ng pinto na tila hinihintay ang paglabas ko.
"Bakit andiyan ka?" Tanong kong may pagtataka..
"Hinihintay ka. Baka kasi mamaya magtagal ka na naman diyan, katulad kagabi." Sagot niya na may ngiting nakakaloko..
"Ako? Nagtagal sa loob? Bakit?" Tanong kong may pagtataka..
"Well I guest tama si Sheena. Hindi mo nga natatandaan mga ginawa mo."
"Hala! Ano ginawa ko? May sinaktan ba ako? Hala! Sorry." Nahihiya kong sabi..
Pero siya natatawa lang dahilan para pati sina Louise at Sheena ay magising..
"Okay ka na ba pinsan? Wala ka na bang lagnat?"
"Wala na. Okay na ako. Sorry pinag-alala ko kayo. Sorry din kung may nagawa akong mali."
"Hahaha, pinsan kay Valeen ka humingi ng sorry. Kasi siya ang nasigawan mo."
"Sige mamaya hihingi ako ng sorry sa kaniya."
Pagkatapos namin mag-usap napagpasyahan namin na magtungo sa kusina para kumain dahil nagugutom na ako..
Louise
"Ako magluluto. Ano gusto ninyo?" Tanong ko..
"Louise pwede bang si Alden na lang magluto? Baka kasi mamaya imbes na maluto ang kakainin natin eh masunog pa." Wika ng pinsan kong si Maine..
"Alam mo pinsan, minsan harassment ka din, at judge mental pa." Nakapout kong wika na ikatawa niya...
"Hahaha.. Sorry."
Habang natawa si Maine biglang nagtanong si Sheena..
"Bakit Charm, may problema ba kapag si Louise ang nagluto?"
"Oo." Nakangiti nitong sabi..
"Paano?" Tanong pa ni Alden..
"Pinsan huwag mong sasabihin." Pigil sa akin ni Louise..
"Hahahaha. Don't worry hindi kita ilalaglag. Pinsan kita eh." Nakatawa nitong wika..
"Salamat." Sagot ko.
Kaso mali pala ako dahil may karugtong pala iyon...
"Pinsan hindi pa tapos ang sinasabi ko. Hindi kita ilalaglag kasi ihuhulog kita. Hahahaha.. Ano ready ka na ba?" Nakangisi nitong wika na ikatawa rin nila Alden at Sheena sa kalokohan ni Maine...
"Ikaw talaga.. Hahahaha." Natatawa kong sabi..
Sheena
Kaysarap nilang pagmasdan magpinsan. Samantalang noon kung i-bully iyan ni Louise ay todo-todo.. Pero ngayon ang saya na nila para tuloy silang magkapatid. Sana lagi na lang silang ganiyan. Masaya at parang hindi dumaan sa mga pagsubok. Nabalik ako sa reality ko nang sumigaw si Charm..
"SHEENA SALO!!!" Sigaw niya sabay bato ng isang kamatis...
Kaso hindi ko nasalo. Kaya ayon sa mukha ko tumama. Kaya ang tema lalo siyang tumawa na parang walang bukas. Ilang saglit pa tumahamik siyang bigla at nag-excuse pa. Sa sala siya nagtungo at nahiga siya doon. Habang hawak ang ulo niya. Dahil busy si Alden sa pagluluto nang pagkain namin at busy rin si Louise sa pagdampot ng kalat nila, kaya ako na ang lumapit sa kaniya..
"Are you okay?" Tanong ko.
"Yeah. Sumakit lang ulo ko."
"Hay, baka nabinat ka. Napaka hyper mo kasi."
"He he he huwag ka na manermon... Sorry na." Malambing niyang wika..
"Gusto mo ba tubig?" Tanong ko pa.
Pero iba ang sagot niya...
"Sheena, salamat sa lahat. Imagine since kinder until now andiyan ka sa tabi ko. Hmm paano na lang kapag wala na ako? Paano ka na? Kayo?" Tanong niyang nakatitig sa akin..
"Charm, hindi ka mawawala okay. Saka hindi ba okay ka na? So huwag ka na mag-isip pa ng mga bagay na kahit kailan ay hindi mangyayari. Sige na pahinga ka na at ikukuha lang kita ng inumin mo." Wika ko bago tumalikod. "Ano ba ibig niyang sabihin doon?" Bulong ko habang naglalakad patungong kusina...
BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...