thirty seven

552 30 6
                                    

Welcome back to the Philippines

1 year nawala sila Maine, Sheena at Paulo sa bansang pilipinas. Kaya lang si Louise ilang months palang masasabi na hindi siya tumagal sa ugaling ipinapakita ni Maine sa kanila. Sa isang private plane sila sumakay pabalik ng pinas para hindi na mahirapan pa si Maine lalo na at may lagnat pa ito. Tama si Louise dapat na nga nila ito iuwi baka sakali kina Pauleen at Victor ay makinig ito...

At Mendoza mansion

"Welcome home anak!!!"  Bati nila rito na may ngiti. "Maine kamusta kana? Okay kana ba talaga?" Iyan ang mga tanong nila sa dalaga na hindi man lang naimik sa kanila..

"Gusto ko na po magpahinga." Cold niyang wika...

"Ganoon ba? Sige tara hatid kana namin sa dati mong silid. Alam mo ba lagi namin iyon nililinis para pagbalik mo ay hindi ka manibago." Masaya pang sabi ni Pauleen sa anak.

But still no answer from her..

"Anak sabihin mo lang kung may kailangan ka ha. Andito lang kami ni Mama mo." Wika naman ng Papa niya.

Pero bukod tanging tango lang ang isinagot nito sa kanila na may kasamang ngiting pilit.

"Nga pala anak bukas ang uwi nila Mamu at Papu mo. Gusto mo ba sabihin ko na pasalubungan ka nila?" Tanong pa ni Pauleen dito..

Umiling ito bilang sagot sabay wika na..

"Gusto ko na po matulog." Cold niyang sabi.

Kaya iniwan na lang siya nang kaniyang mga magulang. Sa sala habang inaayos nila Paulo ang ibang gamit hindi naiwasan magtanong ni Pia..

"Kuya ano bang nangyari at nagbago ng ganoon si bunso?" Pag-uusisa niya..

Pero si Sheena ang sumagot sa tanong ni Pia.

"Ate baka hindi niya pa nakakalimutan ang nangyari noong birthday niya." Sagot nito..

Magtatanong pa sana siya ng mag-aya na kumain ang kanilang magulang. Hindi na din nila inistorbo pa si Maine dahil alam nila na pagod ito at nasabi na din nila Paulo ang dahilan ng pag-uwi nila. Ang tanong lang handa na ba siya na harapin ang dating mga kaibigan at si Alden na dahilan ng pagbabago niya?

Pauleen

Masaya ako kasi nakauwi na si Charmaine at mukhang okay na siya. The question is okay nga ba? Sa totoo lang ang laki ng pinagbago niya parang hindi na siya ang Charmaine na laging nakangiti. After namin kumain pinagpahinga ko na sina Sheena, Paulo at Louise dahil gaya ni bunso tiyak na pagod ito. Bukas ko na lang kakausapin si Maine kung gusto na ba niyang bumalik sa school o hindi pa. Pag-akyat ko para sana magtungo na sa aking silid nakarinig ako ng iyak mula sa silid ng anak kong bunso, kaya naman agad akong pumasok para silipin siya. Pagpasok ko nakita ko siyang nakaupo sa kama niya na yakap ang dalawang tuhod niya habang nakasandal sa head board nito. Umiiyak ito at masakit iyon sa akin bilang ina niya. Nilapitan ko siya para yakapin at iparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa. Iyak lang ito ng iyak na para bang bata na inagawan ng isang candy na favorite niya...

"Anak tahan na. Nandito na si Mama. Hindi ka iiwan ni Mama kaya huwag kanang umiyak."  Pag-aalo ko sa aking anak na ayaw tumahan..

"Mama bakit po ganoon? Bakit po nila ako pinaglaruan? Masama po ba akong kaibigan?Tanong niya sa pagitan ng kaniyang pag -iyak.

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon