six

706 35 6
                                    

Alden;

Nakita ko ang ginawa nila Louise kay Ms. Simple Girl. Nagtataka ba kayo kung bakit ganiyan tawag ko sa kaniya? Kasi hindi ko alam ang name niya kahit pa na classmate ko siya. Beside simple lang siya manamit at mag-ayos. Well balik tayo doon sa nakita ko. Nagalit si Louise kay simple girl dahil sa pagkakabangga nito, pero kung tutuusin kasalanan naman niya, kasi siya itong hindi natingin sa daan. Gusto ko sanang pigilan si Louise ng mga oras na iyon kaya lang tinawag naman ako nila Sam at Jerald dahil may practice pa kami..

Buti nga andoon ang Montenegro twins kaya naipagtanggol siya ng mga ito. After ng practice namin ay uuwi na ko para makapagpahinga na, doon ako dumaan sa likod para short cut sa parking lot kaso hindi pa ako nakakalayo may nadidinig na ko na tila may binubugbog. Ang mas kinagulat ko ay 'yong nakita ko uli sila Louise kasama ang mga kaibigan niya na may pinagkakaisahan na naman at sa tingin ko ay si simple girl iyon. Nakakaawa siya dahil bugbog na ito. Lalapit na sana ako para pigilan sila nang biglang may dumating na isang lalake agad niyang inawat ang ginagawa ng tropa ni Louise sa classmate namin. Wala na itong malay at kita mong mahina na ito. Pero bago umalis 'yong lalake may sinabi pa siya kaya lang hindi ko gaanong nadinig.

Kaya ng umalis iyon ay agad akong lumapit kina Louise. Para tanungin kung ano bang nangyari.

"Girls, ano na naman ba ginawa ninyo?" Tanong ko na may pagkainis..

"Sis andito na pala ang boyfriend mo." Nakangiting sabi ni Kate..

"Excuse me hindi ko gf 8yan, ni hindi ko nga iyan niligawan." Sagot ko..

"Wow huh choosy ka pa sa ganda ko." Natatawang wika ni Louise..

"Oo maganda ka nga, panget naman ugali mo kaya balewala din 'yang ganda mo." Pang-iinis kong sabi..

"Ewan ko sa iyo." Inis niyang sagot.. "Tsaka ano bang ginagawa mo dito ha?" Tanong pa nito..

"Aawatin ko sana kayo dahil sa pananakit ninyo doon sa babae." Cold kong sagot..

"Wow super hero lang ang peg." Sabat naman ni China..

"Alam ninyo kayo abusado na kayo hindi porket hindi nalaban ang tao ay pagkakaisahan na ninyo." Sagot ko..

"Alam mo ikaw Alden gwapo ka sana pakelamero ka lang." Tugon ni Louise..

"Kayo maganda nga kaso panget ang ugali." Pagkasabi ko noon ay umalis na ako.

Kahit pa na tawagin nila ako hindi ko na sila nilingon pa. Dahil sa totoo lang nag-aalala ako sa classmate kong iyon.

"Saan kayang hospital siya dinala?" Bulong ko sa aking sarili habang nagmamaneho pauwi sa amin..

Victor;

Hindi ko sinasadya na mapadaan sa school na aking tinayo, kaso habang papalapit ako may nakita akong tatlong babae na tila ba may binubgbog. Paglapit ko laking gulat ko dahil anak ko ang binugbugbog nila. Nakita ko din na namumutla na ito at nahihirapan nang huminga kaya agad ko silang inawat at kinuha ang anak ko, para dalhin sa hospital. Bago kami umalis nagbanta pa ako sa kanila dahil hindi nila ako kilala.

Hospital

Pagdating doon agad siyang dinala sa E.R at nilagyan ng oxygen, sabi ng nakausap kong doctor na kung nahuli pa ako ng ilang minuto malamang wala na ang  anak ko. Nakita ko ang ID niya at ate Pia niya pala ang nasa in case  of emergency niya. Kaya agad kong sinabi sa nurse station na tawagan ang number na nasa ID ni Charmaine.. Buti at na contact agad at doon ko na sila hihintayin sa room ni Maine.. Wala pa din itong malay at naka oxygen pa din dahil sa hirap nito sa paghinga..

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon