Pia
Andito kami ni Papa sa business trip nang maisipan kong tawagan at kamustahin ang bunso kong kapatid. Kahit naman masungit iyon ay mahal na mahal ko pa din iyon. Binuksan ko ang laptop ko, tiningnan ko kung online ang bunso namin. Pasalamat ako dahil online siya. Agad ko siyang tinawagan agad din niyang sinagot.
"Hello bunso, kamusta kana?" Tanong ko sa kapatid ko na tila mugto ang mata...
"A-ate." Iyak niya...
"May problema ba ang bunso ko? Tell me baka matulungan kita." Tugon ko pa..
"Ate kailan ka uuwi?" Tanong niya..
"Baka next week pa. Bakit?" Balik kong tanong, pero hindi na siya sumagot, umiling lang ito sa akin..
"Sige po. Papahinga na po ako." Wika niya na tila ba may dinaramdam..
Hindi na niya ako hinintay pang magpaalam basta na lang siya na-log out. Kaya naman parang gusto ko nang umuwi at alamin kung ano bang nangyayari...
Alden
Dahil hindi ako makatulog naisipan ko puntahan si Maine. Gusto ko siya makausap, gusto ko humingi ng tawad ng paulit-ulit nang sa ganoon mapatawad na niya ako. Kung kinakailangan kong lumuhod at magmakaawa ay gagawin ko. Mahal ko siya kaya talagang nagsisisi na ako sa mga ginawa ko. Totoo nga ang kasabihan na "kapag wala na, saka lang maiisip na may halaga pala ito." Kakatok na dapat ako sa pinto ni Maine nang makita ako ni kuya Paulo...
"Ano ginagawa mo diyan?" Tanong nya sa akin na napakalamig..
"Gusto ko sana makausap muli si Maine." Tugon ko na nahihiya..
"Hini ba nakausap ninyo na? Pinalayas pa nga kayo eh." Nakatawa niyang sabi..
"Gusto ko humingi ng tawad." Wika pa niya..
"Alden mahirap bang intindihin? Hindi pa kayo kayang patawarin ng kapatid ko. Alam mo para mas maunawaan mo ang kapatid ko, ganito na lang isipin mo. Kung ikaw ang nasa sitwasyon niya, ano ba mararamdaman mo?" Tanong ni Paulo sa binata.
Pero nanatili itong walang imik.
"See? Wala kang maisagot hindi ba? So kapag alam mo na ang sagot at kaya mo nang ipaliwanag saka ka humarap muli sa kapatid ko. Pero sa ngayon hayaan mo muna siya." Sabay talikod ni Paulo....
Tama si kuya Paulo, kaya hindi na ako kumatok pa umalis na lang ako at bumalik kung saan kami matutulog kasama ng mga kaibigan ko..
Kinaumagahan
Sinubukan ni Paulo na kamustahin at ayaing kumain ang kapatid. Dahil hindi naman ito naghapunan ka kagabi. Hindi na din siya nag-abala pang kumatok dahil hindi naman ito naka-lock. Pagpasok niya sa silid ng kapatid makikita mo ang mga basag na gamit at mga notebook at ilang pictures na punit-punit pa. Pagkita niya sa kama nito wala ang kapatid niya, kung hindi isang sulat lamang ang nakalagay doon. Dahil sa takot niya agad niyang sinilip ang cabinet nito. Tama ang hinala niya lumayas ang kapatid niya, ang tanong san pupunta iyon?
"Mamu!!!! Papu!!! Mama!!!" Sigaw na tawag ni Paulo dahilan para puntahan siya ng mga ito maging ang mga bisita nila ay umakyat na din..
"Makatawag ka para kang nasaktan ha? Dinaig mo pa si Charmaine." Reklamo ng Lola niya..
"Mamu si bunso po wala na." Umiiyak niyang sabi...
BINABASA MO ANG
Goodbye
أدب الهواةTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...