thiry two

543 29 6
                                    

"Guys paano na gagawin natin? Paano natin makakausap si Maine?" Tanong ni Alden na halata mong nagsisisi na sa ginawa nila.

"Alden bro sa totoo lang hindi rin namin alam ang sagot. Sa ngayon siguro hayaan muna natin, malay mo kapag handa na si Maine na kausapin tayo baka doon mapatawad na niya tayo." Paliwanga na sagot ni Jerald..

"Pero mahal ko si Maine. Mahal na mahal." Pahayag niyang umiiyak pa.

"Wala na tayong magagawa. Nandiyan na iyan, ang bukod tangi na lang natin magagawa ay ang maghintay kung kailan tayo kakausapin ni Maine. Kagaya mo nagsisisi din kami. Tama si Sheena, sana naisip muna natin ang mangyayari bago natin ito ginawa." Malungkot na wika ni Valerie..

"Deserve natin ang galit nila dahil kasalanan natin. Sana lang balang araw mapatawad din nila tayo." Tugon pa ni Sam...

Samantalang sa Canada...

Pagdating nila sa bansang Canada wala na silang sinayang pang oras at panahon. Agad sinalang sa open heart surgery si Charmaine. Tumagal ang operation ng almost 8 hrs dahil masyadong mahina ang pasyente. Pero sa kabilang banda naging successful ang operation niya. Sa ngayon hinihintay na lang na magising siya para malaman na okay na talaga ito. Tulad ng sinabi ni Paulo lumipat nga siya ng Canada upang alagaan ang bunsong kapatid na si Maine, at si Victor naman na kanilang ama ay bumalik na nang Pilpinas para asikasuhin ang ilang negosyo niya doon na naiwan. Makikibalita na lang siya kung okay ang anak, beside kasama naman nito si Paulo at Sheena kaya kampante siya na maayos ang Prinsesa nila. Almost 6 months nang tulog si Maine pero hindi sila nawawalan ng pag-asa dahil alam nila na isang araw ay gigsing din ito...

"Bunso kailan ka ba gigising?" Tanong niya sa kapatid na tulog pa din.

Magsasalita pa sana siya nang maramdaman niya na gumalaw ang daliri ng kapatid at unti-unting dumilat ang mga mata nito...

"A-asan a-ako?" Tanong niyang nanghihina.

"Sa wakas gising ka na. Tinakot mo kami, akala namin hindi ka na gigising pa." Masayang sabi ni Paulo na naluluha pa. "Wait here, I will call your doctor." Wika pa nito sa kapatid na nakatingin lang sa kaniya...

"How's my beautiful patient?" Tanong nito.

Pilipino din ang doctor na humawak sa case ng sakit ni Maine..

"I'm fine." Tipid niyang sagot.

"Well nakikita ko na mukhang okay ka na, at handa nang lumbas dito.$ Nakangiti nito saad..

"Doc salamat." Singit ni Paulo para magpasalamat.

Pagkatapos sila kausapin ng doctor lumabas na din ito. Tapos hinarap na niya ang kapatid niya. Sinabi na din ni Paulo sa pamilya nila na gising na si Maine kaya naman ang saya nila. Si Sheena naman ay agad nagtungo sa hospital nang malaman na gising na ang kaibigan. Pero habang wala pa ito kinakausap siya ng kaniyang Kuya..

"Bunso, may naaalala ka ba noong birthday mo?" Tanong niya sa kapatid na hindi naimik..

Nag-isip si Maine, at naalala niya ang lahat kung paano siya pagpustahan ng mga kaibigan at maging ni Alden na pinagkatiwalaan niya. Kaya lang hindi pa siya handa na harapin ang mga ito. Tulala siya ng mga oras na iyon nang muling magsalita si Paulo..

"Bunso ano? May naalala ka ba?" Ulit niya sa tanong niya..

Umiling si Maine bilang sagot. Kahit na malinaw sa utak niya ang lahat...

"Charm kamusta kana!? Sigaw ni Sheena sabay yakap sa kaibigan niya.

Tiningnan lang siya ni Maine na wala kahit anong emotion sa mukha nito, hindi rin ito tumugon sa yakap niya kagaya dati.

"Kuya gusto ko na po magpahinga." Cold nitong wika...

"Sige ikaw bahala." Nag-aalala nitong tugon sa kapatid.

"Kuya bakit parang may iba sa pinakikitang ugali ni Charm?"  Bulong niya sa kapatid ng kaibigan niya..

"I don't know Sheena. Tinanong ko siya kung naalala ba niya ang nangyari last birthday niya pero umiling siya sa tanong ko."  Malungkot din nitong tugon...

"Pwede kung magbubulungan kayo 'yong hindi ko naririnig. Saka pwede iwan ninyo muna ako ang iingay ninyo kasi."  Wika nito na para bang galit..

"Sorry. Sige maiwan ka muna namin." Sagot nila na agad lumabas sa silid ng dalaga kung saan siya naka-confine...

Sa Pilipinas ganito naman ang sitwasyon...

Masaya ang Mama at ate ni Maine maging ang Papa nila ay masaya dahil gising na si Maine. Hindi na rin na punta ang mga kaibigan ni Maine sa mansion nila mula nang ipagtabuyan nila ito at sabihin sa guard na huwag silang papasukin. Sa school naman nabalitaan na nila na lumipat na ng school sina Sheena at Maine, masakit sa kanila iyon dahil hindi man lang sila nakahingei ng tawad sa dalaga. Napansin pa nila ang magpinsan na Jake at Louise na masyang nag-uusap...

"Louise pwede ka ba namin makausap?" Tanong ni China..

"About what?" Mataray nitong tugon..

"Bakit mo ginawa iyon?" Tanong naman ni Kate..

"Ginawa? Ano ba ang ginawa ko? Meron ba?"  Maang-maangan nitong tanong...

"Huwag kana magpatay malisya diyan, alam mo ang tinutukoy namin." Sabat pa ni Valerie..

"Ah, iyon bang tungkol sa nangyari noong birthday ni Nico Charmaine?" Nakangiti nito tanong sa kanila..

"Oo." Sagot nila.

"Hindi ba galit ka kay Maine? Pero bakit mo siya biglang tinulungan? Siguro may pinaplano ka na naman na hindi maganda." Sabat naman ni Barbie..

"Kung may plano ako sana noon ko pa ginawa hindi ba?" Sarcastic niyang tugon habang nakangiti..

"Alam namin na pinagplanuhan ninyo din si Maine noong camping natin." Sabat pa ni Kate..

"Oh, iyon ba? Hindi ko na tinuloy kasi kahit paano may konsensya pa ako, compared sa inyo na pinagkatiwalaan niya tapos bandang huli pagpupustahan lang pala. And I think tama ang desisyon ni Maine na umalis na dito para lumayo sa mga walang kwentang gaya ninyo." Pahayag pa niya. "Oh, by the way si Nico Charmaine ay malayo naming kamag-anak, o baka nga pinsan ko pa the worst is baka pamangkin ko pa. Hehehe." Natatawa nitong wika...

"What do you mean?" Tanong nila..

"Bakit close ba tayo para iditalye ko pa kung paano? Kung wala na kayo itatanong aalis na kami at may bibisitahin pa kami. Bye bye everyone." Pang-iinis pa niya..

Nang makalayo sila agad siyang inusisa niJake.

"Louise is that true na pwedeng kamag-anak natin ang mga Mendoza?" Gulat na tanong ni Jake..

"Oo pinsan." Tipid niyang sagot. "Pero sa pagkakatanda ko sabi ni mommy kapatid niya si tita Pauleen sa ama so may possibility na pinsan nga natin sila. Sa totoo lang Jake natuwa ako pero sa kabilang banda natatakot ako dahil baka galit din siya sa akin." Malungkot niyang paliwanag.

"Bakit magagalit?" Nagtataka pa ding tanong ni Jake.

"Did you remember iyong babae na binugbog namin at 1 week na nasa hospital?" Tanong pa niya..

"Oo pero hindi mo sinabi kung ano ang pangalan." Sagot pa niya na mukhang naka-recover na sa pagkakagulat..

"Jake si Nico Charmaine ang babae na sinaktan namin noon. Kaya nang malaman ko na pinagpupustahan nila si Maine agad akong gumawa ng plano, kawawa naman siya. Jake sa totoo lang sabi ni mommy, Maine was suffering an RHD or rheumatic heart disease. Mommy also told me na she need an open heart surgery. You know what nag-aalala ako sa kaniya nang husto." Mahabang paliwanag ni Louise na mas ikabigla ni Jake..

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon