Uwian
Late na nakauwi sina Sheena at Maine, dahil dumaan pa sila ng library. Naglalakad sila ng may maalala si Sheena.
"Charm baka hindi ako makasama sa camping natin sa August kasi may trabaho pa ako." Wika ni Sheena.
"Sayang naman." Panghihinayng niya. "Pero siguro naman sa acquaintance party aattend ka." Wika pa niya na tila ba nakikiusap sa kaibigan.
"Ay! Sure iyon, kasi baka doon ko mahanap ang forever ko." Kinikilig niyang sabi.
"Forever ka diyan. Ewan ko sa iyo.. Walang forever. Tara na nga at gutom na ako." Nangingiti niyang pagbibiro..
"Bitter mo best friend ko." Sabay tawa nila na parang walang bukas..
Bahay;
Pagdating nila sa bahay nila Maine agad silang sinalubong ng Mama nito.
"Anak, Sheena bakit ngayon lang kayo?" Nag-aalala niyang tanong sa dalawang bagong dating..
"Ma, sorry po may tinapos lang po kasi kami sa library." Sagot ni Maine na walang gana.
Nang biglang lumabas ang kaniyang kuya Paulo..
"Hi bunso? Musta ang araw mo?" Bati ng kaniyang kuya habang palapit sa kanila na may magandang ngiti..
"Okay lang." Cold niyang sagot. "Ma, nagugutom na po ako." Tugon niya para maiba ang usapan.
Sa harap ng hapag kainan ay tahimik lamang silang na kain hanggang sa basagin iyon ni Pia..
"Bunso bukas day off ako, gusto mo bang gumala tayo?" Tanong ng ate niya..
"May pasok po kami at may report pa pong dapat tapusin." Nakatungo niyang sagot..
"Ganoon ba, sayang naman." Nanghihinayang na wika ni Pia..
"Mama una na po akong magpahinga." Pagpapaalam niya..
"Tapos ka na ba kumain?" Gulat na tanong ni Sheena.
"Tatayo ba ako kung hindi pa ako tapos?" Pamimilosopo niya..
"Sige anak magpahinga ka na. Basta ang gamot mo inumin mo bago ka matulog." Paalala nito sa anak..
Tumango lang ito bilang sagot bago umalis. Nang makaalis na ito agad nilang inusisa si Sheena na busy sa pagkain..
"Sheena may nangyari ba at parang wala ata samod iyang si Menggay?" Tanong ni Pauleen dito na hindi na rin naman iba sa kanila..
"Naku! Tita okay naman po iyan kanina habang pauwi kami. Nagulat nga po ako at biglang nagbago ang mood niya." Tugon ni Sheena.
"Ma baka pagod lang po si bunso, alam ninyo naman po kapag college madami nang ginagawa." Singit ni Paulo sa usapan nila..
"Tita ako na po maghuhugas ng plato." Pagpipresinta ni Sheena.
"Are you sure?" Tanong pa nito.
"Opo." Tipid niyang sagot.
Mula nang umakyat sa taas si Maine ay tahimik na sila, ni isa ay walang gustong magsalita. Hanggang si Sheena na ang bumasag sa katahimikan..
"Tita, hindi po pala ako makakasama sa camping namin dahil may pasok po ako sa trabaho." Pagpapaalam niya.
"Pero paano si bunso?" Biglang tanong ni Pia.
"Huwag ka pong mag-alala ate kasi andoon naman po sina Alden para alagaan siya." Sagot niya.
"Alden? Iyon ba 'yonng binata na kung makatitig sa kapatid ko eh daig pa ang ice cream?" Sabat naman ni Paulo.

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...