thirty six

519 27 2
                                    

Nang makarinig sila ng ingay mula sa silid ni Charmaine agad silang nagtungo doon, ang problema hindi nila mabuksan ang pinto nito dahil naka-lock ito mula sa loob..

"Bwiset, bakit kasi laging naka-lock ang silid niya."  Inis nitong bulong na tama lang na marinig nila Sheena..

"Kuya sirain na lang uli natin ang pinto niya." Wika ni Sheena..

"Uli?" Nagtatakang tanong ni Louise..

"Oo. Kasi noong minsan nagwala si Charm napilitan din kami na sirain ito. Kaya baka maulit ngayon." Maikli niyang paliwanag na ikatango ni Louise.

Nasa ganoon silang pag-uusap ng makitang bukas na ang pinto at sira na ito..

"Bunso anong nangyari sa iyo?" Sigaw ni Paulo habang palapit sa kapatid na walang malay.

Kaya pati sila Louise at Sheena ay lumapit na din..

"Shit ang init ni Charmaine!" Nabiglang sigaw ni Louise..

"Kuya dalhin na natin siya sa hospital."  Wika ni Sheena, pero nagulat sila nang magsalita si Maine kahit nanghihina..

"A-ayo-ko s-sa hos-pi-tal."  Wika nitong hinanghina then everything is black out...

Wala na silang nagawa kaya nilagay nila dalaga sa higaan nito. Sila Louise at Sheena na ang nagbihis sa walang malay na si Maine. Naririnig pa nila itong umuungol at tila ba may tinatawag kaya naman pinakinggan nila ng husto..

"Alden.. Ma-hal ko.."  Tawag niya sa pangalan ng binata na umiiyak pa..

Paulit-ulit niya iyon sinasabi hanggang sa makatulog ito na may luha sa mata..

"Grabe ka pinsan, pinaglaruan kana pero mahal mo pa din." Wika ni Louise na may kunting inis..

Habang si Paulo naman iniutos na ipagluto ang kapatid ng soup at tatawag lang siya ng doctor na pwedeng pumunta at tingnan ang kapatid. Hindi naman nagtagal dumating ang doctor at agad tiningnan ang dalaga na walang malay..

"Ang taas po ng lagnat niya. Alagaan ninyo po sa punas nang bimpo na may malamig na tubig, at sa nakikita ko mukhang stress ang kapatid mo Mr. Mendoza." Wika ng doctor..

"Paulo na lang po." Wika niya sa doctor. "Kamusta po ang lagay ng kapatid ko?" Nag-aalala niyang tanong..

"Paulo iho masyadong stress ang kapatid mo at hindi maganda iyon lalo na at bago palang ang puso niya. Sa ngayon need niya ang pahinga hanggang maaari huwag ninyong hahayaan na malipasan siya ng gutom, dahil sa nakikita ko mukhang hindi siya nakain ng tama ang masama pa pati ang maintenance nito sa puso ay hindi rin ata iniinom." Mahaba nitong paliwanag bago magpaalam at iwan sila..

Tamang tama naman at luto na ang pagkain nito kaya naisip nilang gisingin ito.

"Bunso kain ka muna para makainom ka ng gamot mo." Malambing nasabi ni Paulo sa kapatid..

"Hindi ako nagugutom.Tugon nitong nanghihina pero nasa tono ang inis..

"Pero Charm ilang araw kanang hindi nakain ng ayos." Singit pa ni Sheena..

"Sinabi ko nang ayoko ngang kumain."  Sagot uli niya..

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon