forty one

512 30 5
                                    

Sa bahay nila Alden ganito ang ganap..

"Anak kanina ko pa napapansin, parang ang lalim ata ng iniisip mo? May problema ba?" Tanong ng mommy niya na may halong pag-aalala..

"May iniisip lang po." Tipid niyang sagot..

"Anak kung ano man iyan andito ako makikinig sa iyo."

"Ma kasi galit sa akin ang babaeng mahal ko." Malungkot nitong wika sa ina na nakikinig lang..

"Baka naman may nagawa ka na hindi niya nagustuhan." Sagot sa anak..

"Ang totoo po ma, malaki talaga kasalanan ko at ng mga kaibigan ko." Tugon niya..

"Okay. Sige ikuwento mo mula umpisa at makikinig ako."

Kaya kinuwento niya ang buong pangyayari maging ang pustahan na naganap. Napabuntong hininga ang kaniyang ina bago nagsalita..

"Anak, sa totoo lang nagagalit ako sa iyo dahil babae din ako gaya ng babaeng pinagpustahan ninyo."

"Alam ko po Mom, pero nagsisisi na po kami." Malungkot niya wika..

"Sige kung talagang nagsisisi kayo sa ginawa ninyo patunayan ninyo sa kaniya." Payo niya sa anak..

"Paano po? Ni ayaw niya po kaming kausapin o pansinin man lang. Kapag lumalapit kami lumalayo siya na para bang napakasama namin." Wika niya..

"Gusto mo bang sagutin ko iyang sinasabi mo?" Tanong nang ina niya..

"Okay sige po Mom, masama nga ang ginawa namin pero tulad nga po ng sabi ko nagsisisi na kami." Naiiyak niyang paliwanag..

"Well patunayan ninyo sa kaniya, kung paano? Iyan ang hindi ko alam." Nakangiti niyang sabi bago umalis..

"Salamat po sa advice at pakikinig." Ngiti niyang tugon na halata ang lungkot sa tinig niya..

Mendoza mansion

Dumating na ang Lolo at Lola nila Maine from Cebu. Sinalubong ito nang lahat maliban sa mag-amang Victor at Pia na nasa business trip pa din. Hindi rin sila sinalubong ng bunso nilang apo...

"Welcome home po Mamu and Papu." Masayang bati ni Paulo sa dalawang matanda na bagong dating...

"Salamat." Masaya nilang sabi. "Ang Mama mo asan?" Tanong ng kaniyang Mamu..

"Nasa kusina po baka po naghahanda ng pagkain." Sagot niya na may ngiti..

"How about Nico Charmaine? Where is she?" Tanong naman ng kaniyang Papu..

"Baka po nasa kwarto niya." Tipid niyang sagot...

"Hindi niya ba alam na ngayon ang balik namin?" Tanong niyang tila ba nagtatampo..

"Naku Mamu baka nakalimutan po niya. Medyo busy po kasi iyon sa school." Pagtatakip niya sa kapatid..

"Paulo iho, alam na namin ang nangyayari diyan sa kapatid mo. Kaya huwag mo nang pagtakpan pa." Sagot ng kaniyang Lolo..

"Kahit kami lumagay sa sitwasyon niya malamang mawawalan din ako ng tiwala sa paligid ko." Wika pa ng kaniyang Lola..

Kaya naman agad humingi ng paumanhin si Paulo sa kanilang Lolo at Lola. Habang patungo sila sa kusina upang kumain na isa sa mga katulong nila ang humahangos na patakbong lumapit sa kanila na tila ba natataranta pa...

"Mam, Sir, si Ms. Charmaine po." Takot niya wika na nanginginig pa..

"Bakit? Anong nangyari sa kapatid ko?" Tanong ni Paulo..

"Hoy! Magsalita ka!"  Sigaw ng Don sa katulong..

"Nakita ko po si Ms. Charmaine andoon po sa garden na iyak at mukhang lasing pa." Sagot niya na may kaba...

"Lasing? Siraulo ka ba? Kahit kailan hindi nainom ng alak ang anak ko." Biglang sabat ni Pauleen nang marinig na nagkakagulo sila dahil sa anak niyang bunso..

"Pero totoo po ang sinasabi ko." Naiiyak nitong wika. "Gusto ninyo po puntahan ninyo po doon sa garden." Wika pa nito na tila ba naghahamon pa..

"Sige, pero kapag ikaw nagsisinungaling yari ka sa akin." Banta pa ni Paulo..

Kaya agad silang nagtungo sa nasabing garden. Ganoon na lang ang gulat nila, dahil nagsasabi nga ng totoo ang kanilang katulong. Nakita kasi nila si Charmaine na hawak pa ang bote ng alak, dahil hindi naman ito sanay uminom kaya madali itong nalasing..

"Bunso ano ba ang ginagawa mo sa sarili mo?" Umiiyak na sabi ni Paulo dito..

"Huwag ka ngang lumapit sa akin."   Wika nito sa tonong lasing na..

"Anak tama na iyan. Lasing kana oh." Sagot pa ni Pauleen habang kinukuha ang bote ng alak na hawak nito..

"Apo just listen to Mamu, kung ano man ang dinaramdam mo andito ang Mamu handang makinig sa iyo." Malambing ngunit halata ang pag-aalala nito..

Sa puntong iyon hindi na napigilan pang umiyak ni Charmaine..

"Mamu."   Iyak niya habang yakap ang Lola niya.

Kaya sumenyas siya kina Pauleen, Paulo at maging sa asawa niya na iwan muna sila. Na agad namang sinunod. Nang makaalis na ang ina at kapatid maging ang Lolo nito ay agad niya itong hinarap..

"Apo ano bang problema at nagkakaganiyan ka?" Tanong niya habang yakap ang apo na walang tigil sa pag-iyak..

"Wala na pong nagmamahal sa akin, Mamu." Tugon niyang naiyak..

"Maraming nagmamahal sa iyo apo. Andiyan ang Mama at Papa mo, ang kuya at ate mo. Syempre andiyan din ang Lolo mo at ako na nagmamahal sa iyo. Kaya huwag na huwag mong sasabihin na walang nagmamahal sa iyo." Paliwanag niya rito..

"Mamu, wala po ba akong karapatang magkaroon ng kaibigan?" Tanong pa niya..

"Syempre meron apo. Hindi ba si Sheena best friend mo? Si Louise na pinsan mo pwede mong maging kaibigan, kahit pa ang mga katulong o hardinero natin o kaya ang driver natin pwede mo silang maging kaibigan." Sagot niya ng muli..

"Mamu sorry, kasi salbahe na ako. Hindi na po ako good girl." Para siyang bata na akala mo ay 3 years old..

"Hay! apo, ganito na lang, gusto mo bang sumama sa amin ng Papu mo?" Tanong niya..

"Saan po tayo pupunta?" Tanong din niya rito..

"Kahit saan mo gusto." Sagot nito..

"Talaga po?" Paninigurado pa niya..

"Oo. Basta ba makikita uli namin ang mga ngiti mo. Alam mo ba apo miss na miss kana namin? Masaya kami kapag masaya ka. Nasasaktan kami kapag nasasaktan ka. Kung ano man ang kasalanan nila sa iyo patawarin mo. Dahil lahat ng tao nagkakamali. Oo nasira ang tiwala mo dahil sa ginawa nila, pero hindi iyon ang katapusan ng mundo para magbago ka nang ganiyan. Siguro nga matatagalan bago mo sila tuluyang mapatawad pero alam mo subukan mong makinig sa explanation nila. Malay mo may dahilan sila kung bakit nila iyon nagawa. Tandaan mo lahat ng bagay may explanation matuto lang tayong makinig sa kanila." Mahaba nitong paliwanag sa apo na humihibi pa din..

"Salamat po Mamu." Tugon niya habang nakayakap sa Lola niya.

Hanggang sa may maramdaman siyang sakit sa kaniyang  kaliwang dibdib.

"M..ma..mu himdi po a...a....ko ma....ka...hi....nga."  Wika niyang nahihirapan habang hawak ang dibdib niya... Kaya nagsisisigaw na ang matanda...

"PAULO, PAULEEN, JOEY TULUNGAN NINYO AKO. SI CHARMAINE  HINDI MAKAHINGA..."   Sigaw niyang napakalakas habang kinakabahan na ikataranta naman ng lahat sa loob ng mansion...

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon