Katulad ng nakasanayan maagang pumapasok ang buong tropa na dating mga kaibigan ni Maine. Sa loob ng classroom tahimik silang nakikinig sa kanilang Professor, hanggang sa mag-bell at sa canteen sila tumambay. Habang nakatambay at tahimik na kumakain may mga narinig silang mga usap-usapan..
"Girl balita ko dito na daw mag-aaral ang anak ng may-ari ng school na ito."
"Talaga? Wow sana maging friend natin siya. Palagay mo mabait kaya iyon?"
"Hindi ko alam pero sabi ng iba may pagkamaldita daw iyon."
"Sayang. Pero tara na baka hanapin na tayo ng iba."
Pagkatapos ay umalis na sila samantala ang magkakaibigan ay tahimik lamang hanggang basagin ito ni Jerald..
"Palagay ninyo maganda kaya ang anak ng may-ari nitong school?" Tanong niya na ikatawa ni Louise..
"Bakit ka natawa? May mali ba sa sinabi ko?"
"Don't tell me may alam ka." Singit pa ni Valeen..
"Guys huwag ninyo din sabihin sa akin na hindi ninyo pa din alam ang meaning ng school na ito?" Nakangisi niyang wika..
Kaya nagkatinginan sila sabay wika na
"Hindi pa nga!"
"Hay! Sige sasabihin ko makinig kayo. PPNCM university means Paulo, Pia, Nico Charmaine Mendoza University. Ano alam ninyo na?"
"You mean sa mga pinsan mo ang school na ito?" Gulat na tanong ni Valeen..
"Oo. Kaya kung sinasabi nila na papasok dito ang anak ng may-ari ng school maaaring si Charmaine ang tinutukoy nila. Dahil impossible naman na si kuya Paulo o si ate Pia iyon, dahil parehong graduate na ang mga iyon." Paliwanag niya..
"Louise paano mangyayari iyon eh hindi ba nga two years na siyang hindidi nagpaparamdam." Sabat ni Alden..
"Alden, naglayas lang siya pero hindi siya patay para magparamdam." Inis na wika ni Sheena..
"Sheena is correct Alden, malay mo bumalik na siya." Sagot pa ni Patricia sa kanila...
Nasa ganoon silang pag-uusap na muling mag-bell hudyat na tapos na ang kanilang break time..
"Guys after class punta tayo kina Tita Pauleen makibalita tayo."
"Sige." Wika nila sabay tungo sa kanilang silid aralan..
Sa mansion ng mga Mendoza... Tanghali na bumangon si Charmaine sa higaan ng kaniyang ate. Naligo na siya tapos nagbihis at bumaba na para kumain. Pagbaba niya agad siyang sinalubong ng kaniyang Mamu na may ngiti sa labi...
"Apo napasarap ata tulog mo?" Wika niya..
"Mamu, sorry po tanghali na ako nagising." Sagot niya na may ngiti at nakayakap pa..
"Oh siya tara kain tayo sasabayan kita."
"Talaga Mamu?" Masaya niyang wika..
"Oo naman."

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...