Habang pauwi na sila hindi maalis sa isipan ni Alden ang pangalan ng dalaga.
"Nico Charmaine ang cute bagay sa kaniya. Tapos ang amo pa ng mga mata niya. Mga labing mapupula na kay sarap halikan. Grabe ang ganda niya talaga ang problema lang mukhang ayaw niya kami maging kaibigan." Bulong niya sa kaniyang sarili.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng sumigaw si Sam..
"Bro, huwag mo masyadong isipin si Ms. Simple Girl dahil baka hindi makatulog!" Sigaw ni sa Sam sa akin..
"Makasigaw wagas parang walang bukas." Reklamo niya.
Paano ba naman sa mismong tenga niya talaga sumigaw para tuloy nabasag ang eardrums niya.
"Eh kasi naman bro, kanina pa kami nag-uusap tungkol sa gaganaping camping this coming August. Eh mukhang hindi ka naman interesado." Paliwanag ni Jerald..
"Sa August na ba iyon?" Takang tanong niya.
"Kitam. Sino ba kasi iyang iniisip mo at nakatulala ka pa diyan ang ganda pa ng ngiti mo para kang nanalo sa lotto." Nakangiting sabi Sam..
"Wala may naalala lang ako." Sagot niya..
"Hay! Naku kung mahal mo magtapat ka hindi iyong para kang tanga diyan na nakangiting mag-isa." Wika ng kaibigan niyang si Jerald..
"Bro pwede ba kami matulog sa inyo?" Pagpapaalam ng dalawa..
"Oo naman, walang problema." Pagsang-ayon niya..
Kina Paolo naman ganito ang ganap. Akala niya bumalik ang isa sa mga kaibigan ng kapatid niya. Kaso mali pala ang hinala niya. Dahil ang dumting pala ay ang magaling nilang ama..
"Anong ginagawa mo dito?" Cold niyang tanong..
"Anak andito ako para dalawin sana kayo at may dala akong mga prutas para kay Charmaine." Wika ng ama niyang magaling.
"Kuya sino iyan!?" Pasigaw na tanong ni Pia..
"Wala naligaw lang nagtatanong ng address." Sagot niya sa kapatid na hindi inaalis ang tingin sa ama..
"Paulo, pwede ko ba madalaw ang kapatid ninyo?" Tanong niya..
"What if I say no? May magagawa ka ba?" Cold niyang tanong. "Kung wala ka nang sasabihin pwede ka nang umalis gaya nang pang-iiwan mo sa amin sa loob ng 12 years ago. Saka dalhin mo iyang prutas mo dahil kaya namin bilhan ang kapatid ko ng ganiyan." Sumbat sa ama na may pagtataboy pang kasama.
Hindi naman nagsalita pa si Victor, kaya umalis na lang ito bit-bit pa din ang prutas na dala niya. Kinabukasan maayos na ang pakiramdam ni Maine. Maaga siyang nagising para maaga din siyang makapasok..
"Sheena, sasabay ka ba sa akin?" Tanong niya sa best friend niya panay ang pagpapaganda..
"Oo naman, sabay tayo." Sagot niya..
"Bilisan mo na diyan kasi baka mahuli pa tayo." Reklamo pa ni Maine..
"Oo na ito na po." Wika niya..
Pagbaba nila, nakita agad silang dalawa ni Pauleen kaya tinawag sila ng ina ni Maine..
"Sheena at Menggay bilisan ninyo na at baka mahuli pa kayo." Wika ni Pauleen sa dalawa.
"Ma, asan po si Kuya?" Tanong ni Maine.
"Andoon sa labas." Tipid niyang sagot..
"Ano pong ginagawa doon Tita?" Tanong naman ni Sheena..

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...