Charmaine
Nagising ako sa isang tawag mula sa labas ng aking silid..
"Bunso gising na may mga bisita ka sa baba." Tawag ni Ate Pia.
"Sige po susunod na po ako. Magpapalit lang po ako!" Sagot ni Maine sa kaniyang ate mula sa loob ng silid nito..
Matapos magbihis agad na akong bumaba para malaman kung sino ang bisita ko. Pababa palang ako dinig ko na ang kwentuhan nila at kilala ko ang mga boses ng mga iyon walang iba kung hindi ang mga barkada ko..
"Ano kayang meron at andito sila?" Bulong ko nang bigla kong maalala ang sinabi ni Alden sa akin last night in subic nang sagutin ko siya..
Flashback
"Gusto mo pakasal na tayo?"
"Kakasagot ko lang sa iyo, kasal agad?"
"Oo para ako na ang mag-aalaga sa iyo. Pagsisilbihan kita bilang reyna at Prinsesa ko."
"Magpaalam ka muna kina Mama at Papa. Idamay mo na sila ate at kuya.. Kasama ng buong tropa."
"Iyon lang pala eh. Sige uuwi na tayo para makapagpaalam na ako sa kanila."
End of flashback"Hala! Baka tinutoo niya. Hindi pa ako handa." Kabado nitong wika sa kaniyang isipan.
Hanggang sa mapansin siya ni Paulo na kaniyang kuya...
"Bunso ano pangginagawa mo diyan?" Tanong niya sa kapatid na tila nawawala sa sarili..
"Kuya may sinabi po ba si Alden sa inyo?" Bigla niyang tanong rito..
"Wala naman. Bakit may dapat ba kaming malaman?" Nakangiti nitong nakakaloko..
Ngumiti rin si Charmaine sa kuya niya sabay yakap at wika na..
"Kami na po."
"Wow! Congrats." Masaya niyang wika..
Pero ang totoo kagabi pa nila alam. Dahil si Alden mismo ang nagsabi sa kanila. Sa paglipas ng mga araw, lahat naging maayos naman. Maging ang relationship nila Alden at Charmaine being lovers ay masaya din. Dahil sa kanilang lahat si Maine palang ang nakakatapos kaya kapag may time sila doon lang sila nakakadalaw. Unlike Alden na kulang na lang doon na tumira sa mga Mendoza..
Beside kapag nahihirapan sila sa mga home work nila si Maine ang tumutulong sa kanila. Tapos na din siya sa kaniyang chemotherapy meron lang siya 7 medicines maintenance na iniimon araw-araw...
One month later nag-propose si Alden kay Maine. Pero hindi ito tinanggap ni Maine. Katwiran niya masyado pang maaga at mabilis. Hiniling din niya kay Alden na bigyan pa siya ng panahon na mag-isip. Dahil mahal siya ng binata kaya agad itong pumayag..
Sa mga buwan na lumipas marami ang nagbago. May sarili nang pamilya si Pia at sa ibang bansa na ito naka-stay.. Unlike her kuya na mukhang walang balak magkapamilya...
One day biglang na lang naisip ni Maine na tawagan ang dati niyang doctor, si Dr. Manalo. Nakiusap siya dito kung pwede silang magkita sa isang exclusive na restaurant kung saan wala gaanong makakakilala sa kanila. Ang usapan nila ay around 7pm..
Sa Malabon sila nagkita nauna lang dumating ang doctor na si Manalo, late si Maine ng almost 10 minutes dahil sa traffic...
Dr. Manalo & Charmaine
"Hi doc kanina pa po ba kayo?" Bati ni Maine na may ngiti..
"Medyo lang." Nakangiti din nitong sagot..
"Doc may tatanong po sana ako sa inyo." Serious nitong wika..
"Sure, what is it?"
"Babalik pa ba ang dati kong sakit?"
"Kung lagi mo iniinom ang gamot na binigay ko may tendency na hindi na iyon bumalik. Pero kung hininto mo 100% sure babalik iyon at baka iyon na ang ikamatay mo. Bakit mo natanong?"
Hindi agad nakasagot si Maine dahil ang totoo matagal na niyang inihinto ang pag-take ng medicine niya...
"Kaya pala. Kaya pala dumadalas uli pagsakit ng ulo ko. Pain reliever lang ang iniinom ko para mawala ang kirot." Wika niya sa kaniyang isipan..
"Iha? Are you okay?" Tanong ng doctor..
"Y-yes I'm okay." Utal niyang sagot..
Tapos natahimik na uli sila..
"Doc sana huwag ninyo po ipaalam sa family ko na nakipagkita ako sa inyo." Pakiusap niya sa doctor..
"Sure iha. Makakaasa ka." Magiliw nitong sagot..
Bago sila maghiwalay kumain muna sila. Pagkatapos nauna nang umalis ang doctor. Si Maine nanatili pa doon nang ilang oras bago niya naisipang umuwi..
Habang nagmamaneho, sa isang park siya huminto. Pero hindi siya nababa ng kotse niya. Doon niya lang iniisip lahat ng sinabi ni doctor Manalo sa kaniya..
"I think tatanggapin ko na ang proposal ni Alden sa akin. Pero paano kapag nalaman niyang mamatay na ako? Paano na siya? Diyos ko please help me." Bulong niya sa loob ng sasakyan..
BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...