Victor
Napansin ko ang anak kong si Pia na parang ang lalim ng iniisip..
"Pia anak what's wrong?"
"Pa gusto kong umuwi ng pilipinas, kaya lang ikaw ang inaalala ko."
"Bakit mo naman naisipan umuwi?"
"Pa kasi nakausap ko si bunso sa Skype, actually hindi naman po kami nakapagkwentuhan, pero may napansin po ako sa kaniya."
"Like what?"
"Pa mugto po ang mata ng kapatid ko at tila ba naguguluhan pa. Saka nagtanong po siya kung kailan tayo uuwi. Alam mo Pa hindi po basta magtatanong ng ganoon si bunso kung walang problema."
"Ganoon ba? Sige, I will call your Mamu and I tell them na bukas din ay uuwi na tayo. Beside nami-miss ko na din naman sila."
"Thanks Pa." Sabay halik dito at akyat sa kaniyang silid para maiayos ang gamit nila. "Wait for me sis." Bulong niya...
Welcome home Victor & Pia
Hapon na nakarating ang mag-ama sa mansion. Hindi sila nagpasundo pa dahil gusto nila masurpresa ang mga tao doon. Pero sila pala ang na surprise..
"Mama, kamusta po kayo?" Wika ni Pia sa kaniyang ina...
"Welcome home anak." Tugon nito..
"Hi, musta na? Na miss ko kayo." Wika namam ni Victor. "Sina mom at dad asan sila?" Tanong niya pa..
"Pa, Pia kamusta na?" Wika ni Paulo sabay yakap. "Kung sina Mamu at Papu hanap ninyo nasa taas po sila."
"Kuya si bunso asan?" Masaya tanong ni Pia.
"Ha?" Sagot ni Paulo na halatang Hindi alam ang isasagot.
"Paulo tinatanong ka ng kapatid mo kung asan si bunso." Wika ni Victor..
"Ah? Ei? Pa pwede sina Mamu na lang tanungin ninyo." Malungkot nitong sabi sa ama...
Hindi nagtagal bumaba ang dalawang matanda...
"Iho anak kamusta?" Nakangiti ngunit kita sa mata na may problema...
Pagkababa agad nagmano ang mag-ama sa dalawang matanda bilang paggalang..
"Okay naman po pero asan po si Charmaine?" Tanong nito sa Ina..
"Anak, apo sa totoo lang may problema tayo, I mean may kasalanan ako sa inyo." Pahayag nito sa malungkot na tinig.
"What do you mean Mamu?"
Kaya pinaliwanag lahat ng Doña ang nangyari habang nakikinig lang sila ng tahimik. Hanggang sa hindi na makatiis si Pia...
"Mamu what's wrong with you ba? Alam ninyong galit si bunso sa mga kaibigan niya. Pero bakit pinilit ninyo pang ipakausap sa kaniya?" Singhal ni Pia sa matanda..
"Apo sorry. Hindi ko naman alam na maglalayas siya. Dahil usapan namin uuwi kami ng Italy kasama siya." Paliwanag naman ng Lolo niya..
Kaso hindi nakinig si Pia sa kanila, iniwan sila nito sabay sabi na.
"Hahanapin ko ang kapatid ko, dahil hindi ako papayag na mahirapan iyon." Sagot niya sabay alis...

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...