sulat para sa lahat

831 30 24
                                    

Para sa lahat;

"Una sa lahat, nagpapasalamat ako. Dahil naging bahagi kayo nang aking buhay. Buhay na kahit kailan ay hindi ko malilimutan. Marami akong hiniling sa Panginoon, na lahat naman ay natupad. Maliban sa isa at iyon ang aking buhay. Maikli man ang naging samahan, pero naging masaya at masasabing sapat na para iparamdam sa inyo kung gaano ko kayo kamahal.

Para sa mahal kong asawa na si Alden. Maraming salamat sa lahat-lahat. Lalo na sa masayang samahan. Sa pagmamahal na binigay mo. At pang-uunawa. Alam ko minsan naiinis ka din sa akin. Dahil sa tigas nang aking ulo. But I always thankful. Because you came into my life. Mahal sana kahit wala na ako, ipagpatuloy mo pa din ang buhay mo. Na may ngiti sa labi kasama nang ating mga anak, ang triplets. Please always tell them na mahal na mahal ko sila. Mawala man ako alam ko na hindi mo pababayaan ang ating mga munting anghel. I love you and I missed you so much.

To my triplets, please always listen to your daddy. And also your grandma and grandpa. Hindi man ako nakasama sa inyong paglaki. Pangako lagi akong nakabantay sa inyo. Sana lumaki kayong mababait at mapagmahal. I love you mga anak ko. Huwag kayong mag-alala dahil lagi lang akong nasa puso ninyo.

Para naman po sa inyo Mama and Papa. Sana mapatawad ninyo po ako. Dahil sa naging matigas ang ulo ko. Kung sana tinuloy ko ang aking gamot eh 'di sana magkakasama pa po tayo. Alam ko po at ramdam ko na hindi na ako magtatagal pa. Pero bago po ako mawala, I will make sure na mananatili ako sa inyong mga puso. Ma, Pa, maraming salamat sa pagmamahal at pag-aaruga. Hiling ko lang po na bantayan ninyo ang aking pamilya.

Ate, kuya, salamat. Dahil noong iniwan tayo ni Papa hindi ninyo po ako pinabayaan. Bagkus, ini-spoiled ninyo naman po ako lalo na sa pagmamahal. Kailanman ay hindi ninyo ako pinabayaan. Kung hindi minahal pa nanghusto. Maligaya ako dahil kayo ang aking naging ate at kuya. Kung bibigyan pa ako nang isa pang buhay at papiliin kung kanino ko gusto. Kayo ang pipiliin ko. Mahal na mahal ko kayo ate ko at kuya ko.

Guys, tropa ko salamat din. Dahil para sa akin hindi lang kayo basta kaibigan. Kung hindi pamilya na. Hindi ko din akalain na magkakaroon ako nang mga kaibigan na kagaya ninyo. Kayo ang naging tagapagtanggol ko noong ako ay binu-bully pa. Pero minsan din kayong naging bully nang buhay ko. But forget it. Dahil matagal ko na kayong pinatawad.

Louise and Jake Salamat, dahil kayo ang naging pinsan ko. Actually hindi pa ako naniniwala noon na kamag-anak namin kayo. Pero pinatunayan ninyo na pamilya nga tayo. Anyway, salamat. Kayo na ang bahala kina Mama at Papa ganoon din sa mga anak ko.

Sheena best friend ko. Since kindergarten until now kasama pa din kita. Sana sa mga panahon na iyon ay hindi ka nagsawa at lalong hindi naboring sa kagaya ko. Thankful ako dahil ikaw ang naging sandigan ko, noong halos malubog na ako sa lungkot at sakit. Ikaw madalas makinig sa mga boring kong story at sa buhay ko na minsan nang naging magulo. I love best friend ko. For me ikaw ang pinaka the best friend na binigay nang Diyos sa akin.

Sa inyong lahat maraming salamat.

Love,
Charmaine

Matapos mabasa ni Alden ang sulat ni Maine lahat sila umiiyak maging ang triplets...

******

"Hmm! Dito ka lang! Please!" Ungol ni Alden habang natutulog hanggang sa gisingin siya nang isang babae...

"Hoy, Mahal gising. Binabangongot ka. Saka tanghali na." Gising nang babae sa kaniya na ikamulat niya..

Nang magising siya, agad niyang niyakap ang babae sa kaniyang harapan...

"Mahal ko, salamat buhay ka." Wika ni Alden habang nakayakap sa asawa niya..

"Ano ka ba? Syempre buhay ako. Ano ba palagay mo sa akin patay na?" Nakasimangot na wika ni Maine..

"Diyos ko, akala ko talaga totoo na eh. Para kasing totoo ang mga nangyari." Wika niya tapos kinuwento niya kay Maine ang kaniyang masamang panaginip..

"Hay, mahal ko. Malabo mangyari iyon. Hindi ba nga sabi ni doctor Manalo, magaling na ako at nai-survive ko ang tumor ko. Beside kasama ka noong sinabi iyon ni doc Manalo, remember?" Mahabang wika ni Maine sa kaniyang asawa...

"Pero kasi parang totoo." Pagpo-protesta pa ni Alden...

"Hay!" Buntong hininga ni Maine habang nakatingin sa kaniyang asawa.

Tapos hinalikan niya ito sa labi na may pagmamahal. At tinugon naman iyon ni Alden. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi may binulong si Maine...

"Kung patay na ba ako, mahahalikan ba kita nang ganiyan? Kaya pwede ba kalimutan mo na ang panaginip mo dahil naghihintay na ang triplets. Baka mainip pa ang mga iyon."  Bulong niya na nagpangiti kay Alden..

Kaya agad silang lumabas nang kanilang silid at nandoon na ang triplets mukhang sila na lang ang hinihintay...

"That's a bad dream ever. Next time hindi na ako manonood pa nang kung anu-ano."  Wika ni Alden sa kaniyang isipan habang masayang nakatingin sa kaniyang mag-iina....

"Daddy tara na, let's eat together with Mommy!"  Sabay-sabay na sigaw nang triplets na ikatawa niya...

"Mahal kakain na. Sige ka uubusan ka namin!"  Sigaw naman ni Maine na may ngiti...

Para kay Alden ang sigaw nang kaniyang mag-iina ay musika sa kaniyang tenga....

*** The End ***

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon