Sa paglipasa ng araw, unti-unti nang nagiging okay si Charmaine kaya any moment pwede na siya mag-start sa kaniyang chemotherapy. Si Victor muna ang nakabantay sa dalaga, dahil umuwi muna si Pauleen kasama si Pia para sila naman ang makapagpahinga..
"Anak, may gusto ka bang kainin o ipabili?" Nakangiti nitong tanong sa anak na si Charmaine..
"Wala po." Nakayuko niyang sagot na tila nahihiya pa. "Pero pwede ho ba akong magtanong sa inyo?" Nag-aalangan niyang wika sa kausap.
"Sure, ano ba iyon?"
"Kayo po ba talaga ang ama ko?"
Natawa si Victor sa tanong nang anak, but deep inside nasasaktan siya dahil siya mismong ama hindi siya makilala ng anak niya..
"Oo. Papa's girl ka nga eh."
"Pero bakit hindi ko po kayo maalala? Kahit man lang po ang pangalan ko hindi ko maalala?"
"Don't worry iha, Doctor Manalo said that's a temporarily. Meaning babalik pa alaala mo paunti-unti huwag mong madaliin. Okay?"
"Okay po. Pero ano po ba ang full name ko?"
"You're name is Nico Charmaine Mendoza, pinakabunso at para sa amin ikaw ang aming Prinsesa." Maikli niyang paliwanag na may ngiti..
Biglang hinawakan ni Maine ang kaniyang ulo..
"Okay sige na pahinga ka na, dahil bukas sisimulan na ang chemotherapy mo."
Tumango ang dalaga bilang sagot. Ilang minuto pa ay dumating naman sina Kate, China, Patricia at Valeen, naabutan pa nila na natutulog na ito kaya ginawa naman nila sila na ang nagbantay. Habang nagbabantay nagkukuwentuhan pa sila..
"Nakakatuwang isipin na kahit paano may pag-asa tayo na makasama si Nico." Panimula ni Kate..
"That's true, pero mahirap din kasi kahit isa sa atin hindi niya kilala. Kahit ang pamilya at sarili niya." Tugon naman ni Patricia..
"Alam ninyo ok's lang iyan ang mahalaga buhay at nalaban siya." Masiglang wika ni Valeen..
"Hyper kana naman, nakita mo nang todo emote kami dito tapos ikaw masaya ka pa?" Pikon na wika ni Kate..
"Tama na nga iyan. Ang ibig lang sabihin ni Valeen kung nawala ang alaala niya sa nakaraan eh 'di gumawa ng bagong alaala na pwedeng magpangiti sa kaniya." Paliwanag ni China...
"Exactly!!!" Biglang sigaw ni Valeen dahilan para magising si Charmaine...
"Sino kayo?" Tanong niya nang makita ang mga tao sa loob ng ward niya..
"Ayan ang ingay mo kasi." Inis na sabi ni Patricia sa kaibigan..
Pero hindi ito nagsalita lumapit lang siya kay Maine at doon humingi ng sorry..
"Sorry,:naistorbo namin tulog mo." Hingi niyang paumanhin...
"Hoy makanamin ka ha!? Ikaw lang sumigaw pati kami dinamay mo pa!" Singahal ni Kate..
Natawa si Maine sa inasal ng mga bago niyang bisita at napansin nila iyon..
"Bagay talaga sa iyo ang masaya." Wika ni Patricia..
"Kasi ang saya ninyo din pagmasdan.. Wait ano mga pangalan ninyo?"
Kaya agad silang nagpakilala sa dalaga. Hindi naman nagtagal umalis din ang mga bisita niya dahil may pasok pa sila kinabukasan. Bali ang bantay niya ngayon ay si Alden at si Louise. Kinabukasan hinanda ni Dr. Manalo ang mga gamot na gagamitin para sa chemotherapy ni Charmaine.. Dumating din doon ang Ina ng dalaga.
"Ngayon po natin sisimulan ang kaniyang chemotherapy. Magkakaroon lang po ng pagbabago sa kaniya."
"Katulad po ng ano Doc?" Tanong ni Pauleen..
"Mrs. Mendoza pangungunahan ko na kayo. Natural lang po sa mga nagpapa-chemo ang malagas ang kanilang mga buhok. Meaning maaari po siyang makalbo, isa po iyan sa epekto ng gamot na ginagamit sa ganiyang case. May kasama din po iyang pagsusuka at paminsan-minsan mawawalan ng gana sa pagkain."
"Pero gagaling naman siya hindi ba?" Paninigurado niya...
"Depende po iyon sa pasyente." Tipid niyang sagot..
"What do you mean?"
"Ganito po kasi lahat po nang dumadaan sa ganiyang gamutan lalo at brain tumor ang case they have a possibility na mawala sila dahil sa hindi kinaya ng kanilang katawan. Meron naman po na nagtatagal at nakakaligtas sa ganiyang gamutan. Hindi sa tinatakot ko po kayo pero sa nakikita ko naman mukhang kakayanin naman ng anak ninyo. Just make pray for her dahil iyan lang po ang pwede natin gawin." Mahaba niyang paliwanag...
Nagpasalamat sila at nagdasal na sana kayanin ni Maine ang treatment ng gamutan niya ngayon. Nang magsimula na ang chemotherapy ni Charmaine lahat nang sinabi ng doctor ay totoo. Dahil madalas itong sumuka, at wala din ganang kumain.. Lagi lang itong nakatingin sa bintana..
Si Alden ang pansamantalang bantay niya dahil bibili ng ilang gamot at pagkain sina Pauleen..
"Alden? Right?" Tawag niya sa binata na may paninigurado pa.
Tumango si Alden bilang sagot. Sabay tanong na.
"Bakit? May kailangan ka ba?"
"Gusto ko sana lumabas kahit sandali." Wika niya sa malungkot na tinig..
Dahil mula ng pinasok siya sa hospital para operhan at magising hindi pa siya nakakalabas. Samahan mo pa ng gamutan niya ngayon..
"Sige, I will ask the doctor kung pwede tayo lumabas saglit."
Ngumiti ang dalaga bago lumabas si Alden para kausapin ang doctor. Mga ilang saglit pa may dala na itong wheelchair for her..
"Maine pumayag ang doctor pero hindi tayo pwede masyadong magtagal ha." Paliwanag niya..
Tumango siya na may kasamang ngiti at nagpasalamat pa. Nang makarating sila sa labas makikita mo ang ngiti sa labi nito...
"Alden, matagal na ba tayong magkaibigan?"
"Oo, mula noong pasukan."
"Hmmm.... Friendly ba ako?"
"Yeah. Marami kang friends katulad nila Sheena."
"Hmmm."
Habang ginagala niya si Maine marami silang napagkuwentuhan kung paano sila naging magkaibigan at kung paano sila nagkakilala. Masaya ang dalaga sa kaniyang mga naririnig. Hanggang sa magyaya na ito sa loob para makapagpahinga na siya. Tulak ni Alden ang wheelchair ni Maine nang muling magsalita ito...
"A-alden a-ang i-ilong k-ko n-na d-dugo." Utal-utal niyang wika sa binata na ikataranta nito.
Kaya binilisan niya ang pagtulak sa wheelchair para makarating sa silid nito at matawag ang doctor. Nang makarating sila binuhat niya ito at nilagay sa kama tapos lumabas siya para tawagin ang doctor. Nang tingnan siya ng doctor binigyan lang siya nito ng pampakalma dahil iyak na ito ng iyak, na tila ba natatakot. Tapos kinausap si Alden..
"Sa ngayon okay na siya. Hayaan ninyo na lang magpahinga baka napagod sa pamamasyal diyan sa labas."
"Salamat po." Wika niya bago umalis ang doctor. "Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag may nangyari sa iyo. Hihintayin ko pa na maalala mo ako, kami dahil sabi ko nga ikakasal pa tayo." Bulong niya...

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...