Nang makarating ang magkakaibigan sa mansion agad silang pinapasok at pinatuloy sa sala..
"Saglit lang po at tatawagin ko lang po si Ma'am Pauleen."
"Sige po." Tugon ni Louise..
Habang naghihintay sila kay Pauleen biglang dumating sina Paulo at Pia kasama pa ang ama nilang si Victor...
"Oh bakit andito kayo?" Tanong ni Paulo sa kanila..
"Kuya pinapunta po kami ni Tita dito." Sagot ni Jake..
Nagkatinginan silang tatlo ng biglang sumulpot si Pauleen..
"Buti umuwi na din kayo." Wika niya.
"Ma, ano pong meron?" Takang tanong ni Pia..
"Ito na siguro ang tamang panahon para malaman nila ang totoong lagay ni Charmaine." Tugon niya sa tanong ng anak..
"Pero Ma, baka naman po magalit si bunso sa atin." Reklamo ni Pia.
"Eh 'di huwag natin sabihin. Beside hindi pa din naman natin siya nakakausap ng ayos mula ng makalabas siya sa hospital." Paliwanag niya...
"Tama ang mama ninyo, dapat nila malaman ang totoo. Saka kailangan na din natin siya kausapin bago pa mahuli ang lahat." Wika pa ni Victor..
Dahil sa usapan na iyon agad nila kinausap ang mga kaibigan ng dalaga. Ipinaliwanag nila ang lahat kung bakit ito kukuha ng advanced exam at kung bakit bihira na ito pumasok. Lahat sinabi nila kaya nakita nila kung paano sila nasasaktan dahil sa nalaman nila. Nasa ganoon silang pag-uusap ng makarinig sila ng malakas na sigaw mula sa silid ni Charmaine. Sigaw na alam mo at ramdam mo ang sakit nito. Kaya dali-dali silang umakyat doon..
"Aaaaaaannnnnngggggg sssssaaaaaakkkkkkiiiitttttt!!" Umiiyak nitong wika habang nakabaluktot ito sa kama niya at hawak ang ulo...
"Anak tahan na, andito na kami." Pag-aalo ni Pauleen sa anak.
Habang si Pia hinahanap ang gamot na ipapainom sa kapatid...
"Bunso ito inumin mo muna." Wika ng ate niya.
Pero imbes na inumin iyon tinabig niya iyon at ayaw inumin...
"Anak inumin muna ang gamot mo para mabawasan ang sakit." Pakiusap pa ni Victor sa anak...
"A......a...ayo.....ko..." Wika niya na may pag-iling pa...
"Paulo tawagan mo ang Doctor niya at papuntahin mo dito." Utos ng kaniyang ina habang yakap ang bunsong kapatid na panay ang iyak dahil sa sakit na nararamdaman..
Nakita ng buong barkada ni Maine ang paghihirap ng dalaga. Nasasaktan sila sa nakikita nila rito. 30 minutes ang lumipas nang dumating si Dr. Manolo, binigyan niya ito ng inject na pain reliever para mabawasan ang sakit... Bago pa ito umalis kinausap pa niya ang parents ng dalaga..
"Mr.&Mrs. Mendoza hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Sa nakikita ko po sa lagay ng anak ninyo lalo siyang nahihirapan. Dahil kahit ang iniinom niyang gamot ay halos ayaw nang tumalab. Lalo na rin po na laki ang bukol sa utak niya. Kung hindi ninyo pa din po siya makukumbinsi na magpa-opera may tendency po na ito na ang ikamatay niya. Sa nakikita ko po lalo pong naikli ang panahon niya rito, kaya sana po makumbinsi ninyo na siya at para masimulan na din po ang kaniyang chemotherapy." Pagkatapos iyon sabihin ay nagpaalam na ito..
Lahat sila nanlumo sa sinabi ng Doctor. Paano nga ba nila makukumbinsi ang dalaga? Kung nahihirapan sila na kausapin ito. Hindi na din nila pinauwi pa ang mga bisita nila dahil gusto nila makita sila ni Maine...
![](https://img.wattpad.com/cover/112501093-288-k619899.jpg)
BINABASA MO ANG
Goodbye
FanficTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...