sixty-nine

782 27 9
                                    

Nang malaman ni Alden ang tunay na lagay ni Maine na kaniyang asawa agad niya itong pinuntahan sa silid kung saan ito nagpapahinga upang kausapin nang masinsinan..

Alden

"Mahal kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ko kay Maine habang nakaupo at masayang nakikipagkwentuhan kina Valeen at Valerie..

"I'm okay now mahal. Salamat and sorry pinag-alala kita." Tugon niya na may ngiti sa kaniyang mga labi...

Ngumiti rin ako sa aking asawa. Tapos nakiusap naman ako sa magkapatid na Montenegro na iwan muna kami. Mabuti at pumayag sila. Nang umalis sila hindi ko alam kung saan at kung paano magsisimula. Dahil naiiyak ako, lalo na kung iisipin na pwede na niya kaming iwan...

Napansin ni Maine na parang balisa ang kaniyang asawa..

Maine

"Mahal may problema ka ba?" Tanong kong may pagtataka..

Pero imbes na sumagot yumakap sa akin si Alden nang pagkahigpit-higpit..

"Mahal huwag kang umiyak. Okay na pakiramdam ko. Tell me, may nangyari ba?" Nag-aalala kong tanong..

"Mahal alam na namin ang totoo." Wika nito sa pagitan ng pag-iyak..

"Anong totoo? Hindi kita maunawaan eh." Naguguluhang tanong ko..

"Maine sinabi na sa amin ng mga doctor mo ang totoo mong lagay. Inamin nila na may taning na ang buhay mo. Sinabi rin nila na hindi mo na iniinom ang mga gamot mo." Umiiyak nitong wika sa akin...

Nagulat ako dahil alam na nila. Natakot ako na baka magalit sila sa akin. Dahil sa paglilihim ko. Hindi ako agad nakaimik dahil sa mga sinabi niya..

"Mahal bakit mo nilihim sa amin ang totoo?" Tanong niya.

"Sorry hindi ko kasi alam kung paano sasabihin. Ayokong magalit kayo sa akin. At ayoko din na makitang nasasaktan kayo." Sagot ko habang nakayuko..

Dahil sa sagot na iyon ni Maine niyakap na lang siya ni Alden nang pagkahigpit-higpit sabay bulong na...

"Kahit anong mangyari huwag kang matatakot na sabihin sa amin o sa akin ang totoo. Tandaan mo mahal na mahal ka namin."

"Salamat." Iyon lang ang bukod tanging nasagot ni Maine sa kaniya....

Nang gabing iyon sinulat ni Maine sa kaniyang notebook ang nangyari sa araw na iyon. Mula kasi nang malaman niya na may taning na ang buhay niya madalas na niya isulat sa isang notebook ang lahat ng nangyayari sa buhay niya.

Sa paglipas din nang panahon nagbuntis pa si Maine at triplets pa nga ang anak nila, ayon sa ultrasound. Masasabi na naging masuwerte siya dahil nalagpasan pa niya ang tanning na binigay sa kaniya ng doctora. Bunos pa na magkakaroon na sila nang anak ni Alden..

Months ago, matapos manganak sa kanilang triplets gumawa si Maine ng isang sulat para sa lahat. Sulat na naglalaman nang lahat nang gusto niyang sabihin sa mga taong mahal niya. Pasasalamat sa lahat nang ginawa nila sa kaniya..

Almost 2 hours niyang ginawa iyon. Dahil habang nagsusulat siya hindi niya mapigilang lumuha. Pagkatapos itinabi niya iyon sa isang box kung saan niya nilalagay ang mga bagay na importante sa kaniya...

After 2 years...

Marami na ang nangyri sa loob ng dalawa ng taon. Kinasal na rin sina Valeen at Jerald. Si Sam hanggang ngayon sinusuyo pa rin si Patricia. Successful na din sa isang business sina Barbie at Sanya. Si Louise naman siya na ang nagma-manage ng isa sa mga restaurant ni Pauleen. Habang si Alden at Jake ang nangangasiwa naman sa kompanya ng mga Mendoza...

Si Sheena nasa Italy na kasama sina Paulo at Pia. Doon kasi sila nagtayo ng negosyo. Si Pauleen at Victor naman abala na sa pag-aalaga sa kanilang apo na sina Clarissa, Clarisse at Clark. Sila ay mga anak nila Alden at Maine. Triplets ang naging anak nila. Masayahin at lubhang matatalino ang mga anak nila pero hindi naman sakitin...

Pauleen

"Alam mo Victor sina Clarissa at Clarisse ay parang pinaliit na Charmaine. At si Clark naman ay talagang xerox copy ng ama." Wika niya habang pinagmamasdan ang tatlo na abala sa paglalaro..

"Oo nga. Pero mas kaugali ni Charmaine si Clarissa sa pagiging sweet. Sa pagiging masungit naman ni Charmaine ay si Clark ang nakamana. At ang pagiging friendly ni Alden ay si Clarisse ang nakamana." Nakangiting pahayag ni Victor

"Nakakatuwa silang pagmasdan hindi po ba?" Biglang singit ni Alden.

"Oh andiyan ka na pala. Tapos na ba ang emergency sa company?" Tanong ni Victor..

"Opo. Andito lang po ako para puntahan siya kasama ng mga bata." Malungkot nitong wika..

"Pwede ba kami sumama?" Singit bigla ni Pauleen sa usapan..

"Opo naman." Sagot niya..

Kaya agad nilang tinawag ang tatlong bata na abala sa paglalaro...

"Clark, Clarissa, Clarisse halina kayo at aalis tayo!"  Tawag ni Alden sa kaniyang mga anak.

Agad lumapit ang mga ito, yumakap at humalik pa sa ama...

Triplets

"Daddy pupuntahan po natin si Mommy?" Tanong ni Clarissa..

"Yes baby, we will go to your mommy." Sagot ni Alden sa anak..

"I really miss mommy." Malungkot na wika ni Clarisse..

"Me too daddy." Sagot pa ni Clark..

"Okay huwag na kayong sad. Pupuntahan natin siya okay." Wika ni Alden sabay yakap sa tatlong bata...

Pero bago sila umalis sumaglit muna si Alden sa dating silid ni Maine kung saan sila nag-stay noong time na nakatira pa sila sa magulang ng asawa...

Alden

Nagpasya akong magpunta muna sa dating silid namin ni Maine. Puno ito nang maganda at masayang alaala noong kasama pa namin si Maine..

"Mahal parang kailan lang, 2 years ka nang wala sa amin. Pero para sa akin, sa amin andito ka pa din."  Bulong ko habang nakatingin sa kaniyang larawan...

Habang yakap ko ang larawan niya napansin ko ang isang box sa tabi nang garpon na puno nang mga makukulay na papel. Kaya nilapitan ko iyon at agad kinuha. Pagbukas ko puno iyon ng mga larawan namin noong panahon na nasa ibang bansa pa kami at may mga larawan din doon ang mga magulang at kapatid niya. Maging ang larawan ng buong tropa ay nandoon din pati ang mga baby pictures ng triplets...

Agad ko iyon ibinaba at pinakita ko kina mama at papa pati na din sa triplets. Pagdating sa baba gaya ko nagulat din sila. May nakuha pa kaming isang notebook na parang diary niya. Tapos may nakita pa kaming sobre na may nakasulat na "para sa lahat"  kaya agad namin iyon binuksan at ako na ang nagbasa sa sulat na iniwan niya para sa amin. Kahit na kinakabahan at naiiyak ay binasa ko pa din iyon..

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon