Masayang ang naging buhay nila Alden at Charmaine, kasama nang kanilang triplets. Hanggang sa dumating ang kanilang ika-25th wedding anniversary. Nagkaroon sila nang masaya at masasabing special celebration. Nagregalo si Alden kay Maine nang isang bagay na alam niyang magugustuhan nito. Pero iba ang regalo ni Charmaine sa kaniyang asawa. Isang tula na siya mismo ang gumawa na binasa pa nito sa harap nang marami..
Charmaine
Mahal ko gumawa ako nang tula for you. Sana magustuhan mo ang aking tula...
"Ikaw"
Ikaw na naging kaibigan ko,
Ikaw na naging kasangga ko,
Ikaw na iba sa lahat,
Ikaw na kakaiba sa lahat...Sabi nila bakit ikaw pa?
Sabi nila anong meron ka?
Sabi rin nila ano ka daw ba?
Sagot ko kasi mahal kita..Hindi kailangan ng dahilan,
Hindi kailangan ng kung ano pa man.
Hindi na baling kakaiba ka,
Mahalaga mahal natin ang isa't-isa..Iyon lang ang mahalaga,
Simpleng dahilan para mahalin ka.
Iyon lang hindi ko alam ang dahilan,
Ang alam ko lang mahal kita..Minahal kita bilang ikaw,
Minahal kita ng walang dahilan.
Dahil minahal mo din ako,
Kung ano at sino ako nang walang dahilan..Hanapin ko man ang dahilan, hindi ko makita.
Hirap hanapin ang dahilan kung bakit ikaw..
Ikaw kasi nahanap ng puso't-isip ko,
Hindi mahalaga ang dahilan para hanapin ka..Sabi nila bakit minahal kita?
Sagot ko iyon ang tibok ng puso ko.
Sabi rin nila bakit ikaw pa?
Simple lang ang sagot kasi ikaw at ako ang mahalaga..Magkasama sa hindi,
Magkita sa hindi,
Mahalaga ikaw at ako,
Ako at ikaw at ang ating mga anak ay sapat na..I LOVE YOU!!!
Matapos basahin ang tula lahat sila nagpalakpakan. May kinilig, may naiyak at may natuwa. Pero isa lang ang sure masaya silang lahat......

BINABASA MO ANG
Goodbye
Fiksi PenggemarTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...