four

809 35 20
                                    

Victor Mendoza;

Pagkatapos ko kausapin sa cellphone ang taong naghatid sa akin ng magandang balita ay sinabi ko na magkita kami sa isang restaurant na madalas namin kainan noon ng aking asawang si Pauleen na ina nila Nico Charmaine. Pagdating ko doon agad kong tinabi ang aking sasakyan sa isang parking area kung saan hindi ito gaanong kita. Agad akong nagtungo sa loob ng restaurant at nakita ko doon ang taong inupahan ko para hanapin ang mag-iina ko. Paglapit ko ay agad akong kinamayan bilang paggalang..

"Ryan, sorry mukhang kanina ka pa dito." Hingi kong paumanhin..

"Don't worry Sir kadarating ko lang din po mga 5 minutes ago." Sagot niya..

"So ano order mo? Kain muna tayo bago natin iyan pag-usapan." Wika ko pa..

"Anything po Sir basta walang hipon. May allergy po kasi ako doon." Paliwanag niya.

Kaya pasta na lang ang inorder ko para sa amin. Habang wala pa ang food ay nagkukwento na siya tungkol sa mga nakalap niyang information about my family..

"Sir bali po ang anak ninyo po na si Pia Mendoza isang P.A sa isang company walang iba kung hindi ang Montenegro inc. Doon po ito nagtatrabaho at maayos naman po siya doon. Nakapagtapos siya ng pag-aaral sa tulong ng kaniyang kapatid na si Paulo, ang inyong panganay na anak."

Huminga muna ito bago muling nagsalita.

"Tapos si Paulo Mendoza naman ay sa isang call center sa Makati po nagtatrabaho. Balita pong hindi nito tinapos ang kursong kinuha niya dahil ginusto na niyang tulungan ang kaniyang Ina na si Pauleen. At sila ni Pia ang nagpapaaral sa bunso nila kahit na scholar po ito sa school na pinapasukan niya."

Huminga muna muli siya ng malalim bago muling nagsalita. Habang ako nakikinig lang at naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"Si Mrs. Pauleen Mendoza naman po. Siya ang may-ari ng karinderya na malapit sa isang pabrika. Umuupa lang siya doon at balita ko ay tinutulungan siya ng kaniyang mga anak maliban sa bunso na ayaw nilang pakilusin sa mga gawain doon." Paliwanag ni Ryan.

Hindi pa tapos ang kaniyang sinasabi ng dumating ang aming order at doon na ako nagtanong..

"Saan na sila nakatira? Sa dati pa din ba?" Tanong ko.

Umiling si Ryan sa akin bilang sagot.

"So it means hindi na sila doon nakatira? Asan ang bunso kong anak?" Tanong ko pang muli.

Kaya huminto ito sa pagsubo at tinuloy ang kaniyang sinasabi..

"Si Nico Charmaine Mendoza po ay nag-aaral sa P.P.N.C.M UNIVERSITY bilang isang scholar. Culinary ang kursong kinuha niya dahil pangarap daw nito na magkaroon ng sariling restaurant ang kaniyang Ina." Pahayag niya.

Muli itong sumubo ng pagkain at uminom bago nagsalitang muli.

"Kung ang tungkol po sa bahay ninyo Sir, sorry pero binenta na po iyon ng dati ninyong asawa. Ginamit po kasi nila ang pera para sa pagpapagamot ng anak ninyong may sakit. At dahil doon kaya sila lumi---." Naputol ang sinabi niya ng bigla siyang pahintuin ni Mr. Mendoza.

"Wait? What do you mean na may sakit ang bunso ko?" Takang tanong niya..

"Opo Sir, may sakit ang bunso ninyo. Sa pagkakaalam ko ay RHD (rheumatic heart disease) ang tawag sa sakit na iyon. At ayon pa sa nakalap ko need nito ang open heart surgery dahil habang natagal lalo itong nanghihina. Pero alam mo ba Sir, fighter ang anak mo hindi alintana na may sakit siya. Makikita mo pa din na lagi itong nakangiti. Sa Bulacan pa din sila nakatira, ang bahay na tinitirhan nila ay nakasanlang tira sa kanila. Almost 5 years na sila doon." Paliwanag pa nito..

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon