Sa school
Nag-enrolled nga mag-isa si Charmaine sa school na pag-aari ng tatay niya. Kilala na siya ng ibang guro dito maging ang head dito ay kilala siya...
"Ms. Charmaine magpapa-enrolled po ba kayo?" Tanong ni Kristopher na may ngiti.
Sya kasi ang head dito, siya muna kasi ang pinag-handle nito hanggang hindi pa kaya ni Paulo..
"Bakit? Ano ba ginagawa sa school? Hindi ba nag-eenroll? Mukha ba akong manonood ng sine dito?" Mataray nitong wika sa binata na ikagulat niya..
"Sorry po Ms. Charmaine." Hinging paumanhin ni Kristopher dito.
Para na niyang kapatid si Maine dahil si Mr. Victor Mendoza ang nag-aruga sa kaniya noong mga panahon na mawala ang magulang niya. Kaya lahat ng iutos nito ay gingawa niya. Nang makapag-enrolled na si Maine ,naisipan niyang dumaan muna sa canteen kung saan madalas sila tumambay ng mga manloloko niyang kaibigan. At katulad ng inaasahan andoon nga sila at mukhang kompleto pa. Habang papunta siya para bumili ng kaniyang pagkain nakarinig siya na tila ba may tumatawag sa kaniya at hindi siya pwede magkamali doon. Dahil kahit isang taon pa ang nakalipas para sa kaniyang pandinig musika parin ang boses ng binata na minsan niyang minahal.
"Maine." Tawag ni Alden dito kasama ng iba pang kaibigan nila.
"Kapal ng mukha niyang tawagin pa ako sa pangalan ko." Bulong niya habang nakatalikod..
"Kamusta kana? Matagal kana namin gusto makausap eh." Wika pa ni Alden sa dalaga na dahilan para humarap na ito sa kanila na hindi makikitaan ng kahit anong emotion..
"Talaga ba?" Mataray niyang wika..
"Maine, gusto lang namin na makausap ka." Sabat pa ni Patricia..
"Saka nami-miss kana namin." Dagdag pa ni Valeen..
Ngumiti lang si Maine sa kanila ng pilit..
"Dito kana ba uli mag-aaral?" Tanong naman ni Valerie na kambal ni Valeen..
"Oo. Bakit? Bawal ba ang tanga dito?" Tanong niya na may himig na galit..
"Maine sana kung ano man ang nagawa namin, mapatawad mo na kami." Singit naman ni Barbie..
"Nagsisisi na kami." Wika naman ni Jerald..
"Alam mo ba lagi kaming napunta sa inyo para sana makibalita. Kaso lagi kaming tintaboy ng pmilya mo. Sorry na Maine." Naiiyak na sabi ni Kate..
"Aalis na ako." Wika niya.
Kaya lang hinawakan ni Alden ang kamay niya sabay wika nang..
"Maine mahal na mahal kita." Pahayag ni Alden. "Pleased give me a 2nd chance. Promise patutunayan ko sa iyo na nagsisisi na ako. Hindi ba, hindi pa naman tayo officially break? Hindi ba?" Tanong niyang umiiyak..
"Bitawan mo ang kamay ko." Utos na wika ni Maine sa binata.
Pero hindi iyon ginawa ni Alden, kaya pinilit ni Maine na maalis ang kamay niya dito. Nang makakawala na humarap ito kay Alden at dalawang malakas na sampal ang ginawad niya rito...

BINABASA MO ANG
Goodbye
Fiksi PenggemarTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...