Victor;
Ngayon ang araw ng seminar namin para sa gaganaping mga activities sa University ng PPNCM, bilang may-ari ng school na iyon dapat andoon din ako kaya lang hindi ako nakapunta, kaya si Anne na lang pinapunta ko doon at susunod na lang kami ni Kristopher. Dito kami ngayon sa Bulacan nagbabakasali na makausap sila, na baka this time makikinig na sila. Nasabi kasi sa akin nila Mommy na pumunta sila dito last week kaya lang hindi daw nila nakilala ang bunso kong anak sayang naman. Kaya ngayon andito kami para imbitahan na din sila.. Pagtapat namin alanganin pa akong kumatok..
"Sir kumatok na po kayo." Wika ng kasama kong si Kris.
Assistant ko siya at tinuring ko na din na parang anak dahil ulila na itong lubusan. Tumango ako bilang sagot kaya agad akong kumatok kahit na medyo may kaba. Nang magbukas ang pinto laking gulat ko na ang bunso ko ang nagbukas, at tinanong pa ako "kung sino ako?"
"Bakit hindi nya ako kilala? Kung sabagay 12 years bago kami nagkita muli kaya hindi na dapat ako magtaka kung hindi niya ako ma-recognize dahil bata pa siya noong iwan ko sila." Wika ko sa aking sarili habang nakatingin sa anak ko na tila ba nag-iisip ng kung ano...
Makalipas pa ang ilang minuto ay may narinig pa akong sumigaw sa loob ng bahay nila at sa aking palagay ay si Paulo iyon. Inutusan niya si Charmaine na papasukin ang bisita na kumatok, at kami iyon.
"Siguro hindi alam ni Paulo na ako ang bisita nila." Bulong ko sa aking sarili.
Tapos agad sinunod iyon ng aking bunso, sa kusina niya kami dinala kung saan sila kumakain..
"Ma may bisita po tayo." Wika ng aking anak na hindi mo makitaan ng kahit anong emosyon.
Pero sina Paulo at Pia kita ang pigil na galit nila na mahahalata iyon sa kanilang mga mata at kilos.
"Victor anong ginagawa mo dito?" Tanong ng dati kong asawa sa akin.
Kaya sinabi ko ang aking pakay. Tahimik lang sila hanggang sa magsalita ang panganay ko.
"Di kami pupunta." Malamig niyang tugon.
Magsasalita na sana ako nang magsalita ang aking bunso..
"Excuse me po? " Sabi niya.
Kaya naman ngumiti ako sa kaniya bago sumagot..
"Yes iha?"
"Hindi po ba kayo ang nagligtas sa akin noong binubully ako ng mga classmates ko?" Nakatingin niyang sabi sa akin na hindi natitinag.
Natuwa ako kaya sumagot ako agad ibig sabihin kahit paano naalala niya ako..
"Ako nga." Tipid kong sagot na may ngiti. "Kamusta ka na? Binubully ka pa din ba nila? " Tanong ko pa kaya lang sasagot na dapat siya nang magsalita si Paulo na tila naiinis dahil pag-uusap namin ng kapatid niya..
"Bunso pumasok ka na sa iyong silid".. Utos ni Paulo sa kapatid niya.
Hindi ko maunawaan kung bakit pilit nilang nilalayo sa akin si Charmaine na kung tutuusin ay anak ko din gaya nila.. Narinig ko pang nagreklamo si Charmaine sa kaniyang kuya.. Na sinabayan pa ni Pia na mukhang kampi sa kuya nila... Aawatin ko na dapat sila pero nabigla ako ng magsalita muli ang anak ko na halatang inis na habang nakaturo sa akin.
BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...