Umaga ng lunes at unang araw ng pasukan. Siyempre lahat excited dahil may mga makikilala ka na mga bagong kaibigan at minsan bagong crush pa. Pero ang matindi eh bagong kaaway at minsan bully pa ng buhay mo.
Opps! Pero wala pa ako sa school andito pa ako sa bahay sa aking munting silid. Siguro gising na si Mama kasi naaamoy ko na ang niluluto niyang ham. Agad akong bumangon para maligo at magbihis. Wala naman kasing uniform sa school na iyon basta maayos ang damit mo at mukha kang tao ay okay na iyon. Basta ba hindi ka mukhang pulubi o mukhang clown ay ayos na. Simple lang ang ayos ko, iyong tipong para kang mamasyal sa mall o may bibilhin lang. Ganoon lang ako manamit. Hindi gaya ng iba na kulang na lang ay huwag nang magdamit. Palabas na dapat ako ng aking silid ng makarinig ako ng mahinang katok at tawag sa pinto ng aking silid.
"Menggay anak, bangon na at may pasok ka pa." Tawag ni mama mula sa labas ng aking silid.
"Opo mama susunod na po ako." Sagot ko na nagmamadali pa.
Kasi naman baka ubusan ako nina Kuya ng ham. Pagdating ko sa kusina andoon na sila Ate at Kuya..
"Bunso?" Tawag ni Kuya sa akin..
"Po." Sagot ko..
"Ito baon mo 100." Sabay abot nito sa akin..
"Salamat Kuya Pao." Wika ko kay Kuya na may ngiti pa..
"Menggay ubusin muna iyang pagkain mo at sumabay ka na sa amin ni Kuya para hindi ka na mamasahe pa." Biglang sabat ni Ate Pia.
"Alam mo ikaw Ate panira ka minsan ng moment eh." Reklamo ko na may ngiti pa..
"Sus ganiyan ka din naman minsan." Sagot niya..
"Mama?" Tawag ko sa aking ina..
"Bakit anak may kailangan ka ba?" Balik tanong niya..
"Ma, pwede po ako dumeretso sa karendirya after ng classes ko?" Paglalambing ko sa aking Ina..
Sa totoo lang kasi ayaw niya talaga na tumatambay ako doon, ewan ko ba kung bakit.
"Hay! Naku! Mangungilit ka lang kay Mama." Saway ni Ate sa akin..
"Hayaan mo nga siya kung gusto niya puntahan si Mama and beside maganda nga iyon para matulungan niya si Mama doon." Pagtatanggol ni Kuya sa akin..
Kaya super love ko si Kuya eh kasi lagi niya akong kinakampihan..
"Tama na iyan." Saway ni Mama sa kanila. "Basta Menggay anak huwag kang magpapakapagod alam mo naman na bawal ka mapagod." Bilin pa ni Mama..
"Pero payag na po kayo?" Excited kong tanong..
Tumango si Mama bilang sagot kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit..
"Ma, sigurado po ba kayo diyan?" Sabat ni Ate..
"Pwede ba Pia, pumayag na si Mama kaya huwag ka nang mag-protesta pa diyan." Sagot ni kuya. "Beside nag-promise si bunso na hindi siya manggugulo at magpapakapagod doon." Paliwanag pa niya kay Ate Pia.
"Okay fine. Basta Ma kapag iyan naging pasaway mamaya sabihin mo po sa akin." Sabi ni Ate sabay tingin sa akin..
"Ate promise hindi ako mangungilit." Sabi ko with taas kamay pa..
"Pasalamat ka love ka namin." Wika nila sabay yakap sa akin..
"Hoy! Tama na iyan baka mahuli pa ang kapatid ninyo." Nakangiting sabi ni Mama sa amin..
"Sana andito si Papa." Bigla kong sabi na may lungkot sa aking mata..
"Bunso huwag mo na lang isipin iyon ha? Baka makasama pa sa iyo." Paalala ni kuya sabay yakap sa akin..

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...