twelve

602 30 2
                                    

Katatapos lang pirmahan ni Victor ang lahat ng papeles na iniwan sa kaniya ni Kristopher. Personal secretary niya ito, at ito din ang pinapunta niya sa school para mag-announce tungkol sa camping at acquaintance party na gaganapin ngayong August. Para antukin siya nanood na lang siya ng balita habang nainom ng kaunting wine. Nasa kasarapan siya ng panonood ng may mag-doorbell sa labas ng bahay niya.

"Ding dong! Ding dong!" Tunong ng kaniyang doorbell.

Kaya naman agad siyang tumayo para pagbuksan ng pinto kung sino man ang nasa labas. Nagulat pa siya nang makita kung sino ang tao sa labas ng bahay niya.

"Ano po ginagawa ninyo dito? Paano ninyo po nalaman ang tirahan ko?" Sunod-sunod niyang tanong sa kaniyang magulang..

"Andito kami para makausap ka." Sagot ng Daddy niya..

"Ako? Kakausapin ninyo? Tungkol naman saan?" Cold niyang tanong sa mga bisita niya..

"About your family." Sagot naman ng Mommy niya..

Bago pa siya makapagtanong uli pinapasok na muna sila ni Victor sa loob ng bahay. Pagdating nila sa loob agad na siyang nagtanong sa mga bisita niya.

"Anong meron at gusto ninyong pag-usapan ang pamilya ko? Nasa aking pagkakatanda ay ayaw ninyo sa kanila." Tanong niyang may galit at wala kahit anong emosyon na makikita..

"Patawarin mo kami anak kung nagawa namin iyon." Hinging paumanhin nila..

"Wow! Bago ito. Ano na naman ba pinaplano ninyo?" Sarcastic niyang wika..

"Anak nagsisisi na kami. Naisip namin na sana noon pa namin sila tinanggap. Sa pagkakataong ito gusto namin bumawi at magpaka-Lolo at Lola sa aming mga apo, na anak mo." Umiiyak na sabi ng kaniyang ina..

"Mommy matagal ko na kayong pinatawad. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano sila kakausapin dahil galit sila sa akin." Malungkot niyang sabi at dahil doon ay niyakap siya ng kaniyang ina at ama..

"Huwag kang mag-alala iho, tutulungan ka namin na mapatawad ka nila. Kami mismo ang kakausap sa kanila at gagawa ng paraan para pakinggan ka nila." Wika ng kaniyang ama.

"Sana nga sabik na akong mabuo ang aming pamilya."  Wika niya sa kaniyang sarili..

Samantalang sa bahay nila Charmaine ganito ang ganap. Nagising siya ng alanganing oras. Nagulat pa siya dahil nandoon na siya sa kaniyang silid. Kaya ginawa niya lumabas na muna siya para uminom ng tubig. Papunta siya ng kusina nang marinig niya ang usapan ng kuya at ate niya kasama pa ang Mama niya. At sa naririnig niya mukhang ang Papa niya ang topic ng mga ito. Kaya naman lihim siyang nakinig sa usapan ng tatlo.

"Paulo at Pia bakit hindi ninyo pa patawarin ang inyong ama?" Tanong ni Pauleen sa kanila.

"Patawarin? Ma, nakalimutan mo na po ba 12 years niya po tayong pinabayaan. Ni hindi nga natin alam kung ano ba ginawa niya noong mga panahon na iyon." Galit na sabi ni Paolo..

"Hindi porket tinulungan niya si bunso noong bi-nu-bully ito ay sapat na iyon. Tama si Kuya Ma, halos ikaw na ang tumayong ama at ina namin." Sabat pa ni Pia..

Bigla naalala ni Maine ang lalake sa hospital.

"Ibig sabihin siya ang aming ama? Pero bakit nagsinungaling sila kuya at ate sa akin? Bakit hindi sinabi ni Mama na bumalik na si Papa?" Mga tanong sa isipan ni Maine.

"Pero huminge siya ng tawad sa inyo, at gusto lang niya makilala ang kapatid ninyong si Charmaine." Paliwanag pa ni Pauleen. "Hindi ba kayo naaawa sa bunso ninyong kapatid? Matagal na niyang hinihintay ang pagbabalik ng Papa ninyo? Ipagkakait ninyo pa rin ba iyon?" Umiiyak na wika ni Pauleen habang sinasabi iyon.

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon