fifty three

481 23 1
                                    

Jake

"Guys mag-celebrate tayo mamaya dahil nakabalik na si Maine." Pag-aaya ko...

"Sige matagal din natin hindi naka-bonding si Maine." Sabat ni Louise..

"Eh pass muna ako huh. Kasi gusto ko pumunta ng national bookstore." Sagot ni Maine..

"Eh 'di sasamahan ka na lang namin." Wika ni Valeen.

"Okay lang ba?" Tanong pa ni Alden..

"Ayos lang naman, pero hindi ba nakakahiya?"

"Asus sa amin ka pa talaga nahiya noh." Natatawang singit ni Sheena sa usapan nila...

"Sige kayo bahala."

Kaya naman after class sinamahan nga nila si Maine sa national bookstore, bumili kasi ito ng mga makukulay na papel na gagamitin niya para ilagay sa garapon..

"Charm aanhin mo ba ang mga iyan?" Nagtatakang tanong ni Sheena sa dalaga habang nagbabayad..

"Ang alin?" Balik tanong niya after magbayad..

"Iyang mga pinamili mo? Aanhin mo iyan?"

"Ito ba? Inutos lang ito ni ate Pia sa akin." Pagsisinungaling niya. "Asan na pala ang iba?" Pag-iiba niya pa ng topic..

"Baka nasa McDonald ang mga iyonn at kumakain."

"Ah."

Kaso habang naglalakad sila patungong McDonald biglang may naalala si Charmaine..

"Ngayon nga pala check up ko."  Bulong niya, kaya agad niyang tinawag ang kaibigan..

"Sheena, pwede bang mauna na akong umuwi?" Tanong niya rito...

"Bakit naman?"

"Ano kasi... Bigla kong naalala na may inuutos pa nga pala si Mama sa akin na importante." Pagsisinungaling niyang muli..

"Kain muna tayo kasama nila."

"Pwede next time na lang?" Pakiusap pa niya...

"Eh paano ka uuwi? Wala pa naman sundo mo?"

Mag-taxi na lang ako. Basta bawi ako next time." Wika niya sabay alis na hindi hinihintay ang sasabihin ni Sheena.. "Sana nga may next time pa."  Bulong niya....

Samantala...

"Ang tagal naman ni Sheena at Maine." Wika ni Valerie..

"Oo nga noh? Parang nadaganan na ng pinamili nila." Sagot pa ni Valeen..

Biglang dumating si Sheena na parang inutangan ng malaki..

"Bakit ikaw lang? At bakit ganiyan itsura mo?" Tanong ni Louise..

"Asan si Nico? Bakit hindi mo na kasama?" Singit na tanong ni Kate..

"Nauna na siyang umuwi, may inutos raw si Tita Pauleen sa kaniya."

"Sayang naman. Pero hindi bale may next time pa naman hindi ba?" Wika ni Alden..

"Guys ano kaya puntahan na lang natin sa kanila tapos doon na lang natin kainin itong mga in order natin." Suggestion ni China..

"Good idea. Tara, punta tayo doon sa kanila, tutal wala naman tayong gaanong assignment hindi ba?" Masayang wika ni Jerald..

Kaya naman lahat ng food na in order nila ay pinabalot na lang para dalhin sa mansion ng mga Mendoza...

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon