Tulad nang pinag-usapan nila Sam at Jerald hinanap nga nila si Alden para kausapin tungkol sa isang pustahan... Hindi naman sila nabigo dahil nakita nila na kausap ni Alden ang ilang tropa kasama si Charmaine..
Jerald
"Hi guys." Bating sabay nila Sam at Jerald..
"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong naman ni Alden sa kanila...
"May inayos lang. Nga pala bro pwede ka bang makausap?" Nahihiyang sabi ni Sam sa kaibigan..
"About ba saan?" Nagtataka namang tanong ni Alden..
"Basta." Sagot nito...
"Guys saglit lang huh. Kausapin ko lang sila." Pagpapaalam ni Alden sa mga kaibigan..
Nang makalayo na sila agad silang tinanong ni Alden..
"Mga bro tungkol ba saan pag-uusapan natin?" Tanong niya sa dalawang kaibigan niya..
"Bro baka gusto mo sumali sa pustuhan." Alok ni Sam sa binata...
"Pustahan? Nang ano?" Nagtataka pa rin niyang tanong..
"Oo bro. Pero hindi bagay ang pagpupustahan natin." Wika pa ni Jerald na may nakakalokong ngiti..
"Eh ano nga?" Tanong pa niya uli na halatang pikon na..
"Bro relax huwag high blood." Sabat naman ni Sam sa usapan ng dalawa...
"Linawin ninyo kasi." Pikon na sagot ni Alden..
"Ganito kasi iyan bro. Napag-usapan namin na magpustahan kung sasagutin ka ba o hindi ng girl na ating pagpupustahan." Paliwanag pa nito sa kaibigan na si Alden na hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin..
"Girl? And who's the fucking lucky girl?" Tanong niya na may pagka-curiosity sa sinasabi ni Sam..
"You know her bro." Nakangisi pang sagot ni Jerald..
"Fuck both of you." Pagmumura niya.. "Hindi ako magtatanong kung kilala ko." Inis pa niyang paliwanag...
"Okay fine. Galit ka na eh." Natatawa pa nilang sabi..
"Si Nico Charmaine Mendoza bro ang pagpupustahan natin." Pahayag ni Jerald.
"Ano? Si Maine? Bakit siya pa?" Tanong niyang sunod-sunod..
"Bro katuwaan lang." Wika pa ni Sam..
"Paano kapag nalaman niya?" Tanong pa ni Alden na may pag-aalala..
"Hay! Alden, hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin." Sabat pa ni Jerald. "Oh? Ano game ka?" Tanong pa niya..
"Ano ba ang price sa mananalo?" Tanong niya uli..
"Iyon oh!!" Masayang sabi ni Sam.. "Ang price ng pustahan natin ay ang brand new car ko." Sagot pa ni Sam..
"And trip to Tokyo lahat free." Sabat pa ni Jerald..
"Sige walang bawian ah." Nakangisi pangsabi ni Alden..
"Oo. I'll give you 2 weeks na mapasagot mo siya. Then after 2 months break up her. Then I will give you a price." Wika pa ni Sam..
"Deal?" Tanong pa ni Jerald..
"Deal." Sagot niya na tila ba kampante na sasagutin siya ng dalaga.. "Walang bawian iyan huh?" Paninigurado pa niya..
"Oo naman." Sabay na sagot ng dalawa sabay apir at nag-bro hug pa ang magkakaibigan..
Hindi nila alam may nakikinig na pala sa usapan nila. Dahil hindi sinasadyang mapadaan si Louise sa lugar kung saan nag-uusap sila Alden tungkol sa isang pustahan. Nakinig siya ng husto para malaman kung sino ang pagpupustahan nila. Nang malaman niyang si Maine iyon agad na siyang umalis sa pwestong iyon at sabay wika sa sarili niya nang..
"Magagamit ko ito para si Maine mismo ang lumayo sa kanila lalo na kay Alden." Wika niya sa kaniyang isip kaya lahat ng usapan ng magkakaibigan ay agad niyang ni-record...
"Pagkatapos ay agad din niyang hinanap si Jake para kausapin. Nang makita niya itong nakaupo sa sa isang puno nilapitan niya ito para makausap...
"Jake can we talk?" Tanong niya..
"Sure. But before that sorry dahil nasigawan kita kanina." Hinging paumanhin nito sa pinsan niya..
"Duh, for get it." Maarteng wika ni Louise. "May sasabihin ako sa iyo." Wika pa niya na may pahawi-hawi pa ng buhok..
"Tungkol saan? Kung tungkol sa plano natin nakahanda na lahat." Paliwanag niya habang nakatitig sa pinsan niya na para bang ang masaya pa..
"About that pwede bang huwag mo muna ituloy dahil may iba akong plano at sa gagawin ko si Maine mismo ang lalayo kay Alden." Sagot nitong may ngiting tila ba may alas na hawak..
"Okay, sabi mo eh. But if you need me to your evil plan for her don't for get me ok." Sagot ko na may ngiti..
"Pinsan salamat." Wika ni Louise sabay yakap sa pinsan niya..
Samantala sa tent nila Maine masayang nag-uusap sina Valeen at Patricia si Sanya kasi andoon sa mga pinsan niya gawa ni Barbie.. Si Maine naman ay nakahiga habang nagbabasa ng libro. Napansin iyon nila Valeen kaya nilapitan nila ito..
"Maine pwede ba kami magtanong?" Pang-iistorbo ni Valeen sa pagbabasa ni Maine..
"Sure. Tungkol ba saan?" Balik tanong niya habang tinatabi ang libro na binabasa niya...
"About Alden." Tipid nilang sagot..
"What about him?" Nagtataka pa rin niyang tanong..
"Maine what if ligawan ka ni Alden? May pag-asa ba siya sa iyo?" Pagtatanong nila..
Biglang namula ang pisngi nito...
"Uy! Si Maine halatang in love." Panunukso pa ni Patricia...
"Ano na sagot mo?" Tanong pa ni Valeen..
"About that, oo may pag-asa siya. Mabait siya saka gwapo pa." Sagot ni Maine na may ningning ang mga mata..
"Hala siya, halatang mahal mo na." Pagbibiro pa nila.
Kaya napuno ng tawanan ang buong tent nila. Lumipas pa ang oras at natulog na sila para maaga sila magising at makasali pa sa mga activities nila..
Sa tent naman ng mga boys si Alden na lang ang gising...
"Tama ba ang ginagawa namin na pagpustahan si Maine? Pero katuwaan lang naman beside wala naman makakaalam na pustahan lang ito eh. 2 months lang naman tapos noon ay okay na lahat.. Pero paano pagnalaman niya?? Hay bahala na nga ,basta kailangan manalo ako sa pustahan namin.... Bulong niya hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala sya....
BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...