Alden
Masaya ako dahil si Maine ang partner ko sa gaganaping acquaintance party, and I feel na sasagutin na niya ako. Kauuwi ko lang kasi galing school, medyo late na dahil hinatid ko pa si Maine sa bago nilang bahay. Nagulat pa nga ako dahil ang laki ng bahay nila at mukhang mayaman pa. Nasa ganoon akong pag-iisip nang magsalita ang mommy ko.
"Mukhang masaya ang anak ko." Malambing na bati niya..
"Mom, kailan po kayo bumalik?" Tanong ko na may ngiti sa aking labi..
Paano ba naman almost 2 years din kasi ang mommy ko sa abroad doon siya nagtatrabaho bilang isang ofw kaya ang saya ko nang makita ko na umuwi na siya...
"Kanina lang." Wika niya. "So bakit nga masaya ang binata ko?" Pangungulit pa niya.
"Masaya lang po ako dahil bukod sa nandito na kayo eh, malapit na din ang aming vacation." Paliwanag ko.. Wala kasi sa plano ko na sabihin na may nililigawan ako dahil lang sa isang pustahan baka magalit pa ito sa akin..
"Ganoon ba? Akala ko pa naman in love ka." Pagbibiro niya..
"Mommy talaga oh." Pagrereklamo ko...
Charmaine&Pia
"Anak bakit hindi mo man lang pinapasok ang bisita mo?" Tanong ni Mama sa akin..
"Eh nagmamadali po Ma." Sagot ko.. "Ma si ate Pia po?" Tanong ko para huwag na ako kulitin pa..
"Nasa kwarto niya." Sagot ni Mama..
"Okay po. Puntahan ko lang po muna." Pagpapaalam ko..
Pag-akyat ko sa taas agad akong nagtungo sa silid ng aking ate...
"Ate Pia?" Tawag ko sa kaniya...
"Pasok ka bunso." Sagot niya mula sa loob ng silid..
Pagkapasok ko agad ko itong niyakap..
"Bakit naglalambing ang bunso ko?" Sweet na tanong ng aking ate..
"Ate kasi next week acquaintance party po namin. Need po naka-formal dress, pwede ninyo po ba akong tulungan?" Malambing kong wika..
"Oo naman." Mabilis na sagot ni ate...
"Menggay by December birthday mo na. Ano bang plano mo?" Tanong pa niya..
"Gusto ko po simple party lang kasama kayo at ang mga kaibigan ko." Sagot ko..
"So kayo na ba ni Alden?" Tanong niya habang sinusuklay ng kamay niya ang aking buhok. Alam kasi nila na nanliligaw si Alden sa akin..
"Sa acquaintance party ko po siya balak sagutin." Sagot ko na nahihiya pa. "Ate pwede bang dito ako matulog?" Paglalambing ko pa...
"Hay! Sige na nga may magagawa pa ba ako eh nakahiga ka na." Pabiro niyang sabi... "Kumain ka na ba?" Tanong pa niya sa akin..
"Wala po akong gana ate, gusto ko lang po matulog." Sagot ko na inaantok na hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako...
Pia
Naglambing na naman ang bunso namin. Kapag ganito ito alam ko masama ang pakiramdam nito...
"Ate pwede bang dito ako matulog?" Paglalambing ng kapatid ko sa akin kaya pumayag ako. Tinanong ko pa kung kumain na siya pero ang sagot sa akin "wala po akong gana ate, gusto ko lang po matulog." Magtatanong pa sana ako pero nakita ko tulog na ang aking kapatid. Iiwan ko na dapat siya para sabihin kina Mama na tulog na si Menggay,bkaya lang nakita ko na nilalamig ito kaya nilagyan ko ng kumot bago ko pa iwan hinalikan ko pa siya sa noo..
Sa hapag kainan
"Pia asan ang kapatid mo?" Tanong ni Papa na mukhang galing sa labas...
"Nasa kwarto ko po natutulog." Sagot ko..
"Apo hindi pa nakain iyon." Nag-aalala naman sabi nila Mamu Consuelo sa akin..
"Mamu wala raw gana at mukhang napagod sa school nila." Sagot kong muli.
"Sige ipagtabi mo na lang at para kapag nagutom eh may makain iyon." Tugon pa ni Papu Joey..
Tumango lang ako bilang sagot. Hanggang sa magsimula na kaming kumain...
"Ma uuwi po ba si kuya Paulo sa birthday ni bunso?" Tanong ni Pia..
"Sure iyon, hindi niya pwede kalimutan ang birthday ni Menggay dahil kapagbginawa niya iyon siya din ang mahihirapan na suyuin ang kapatid mo. Alam mo naman ugali ni bunso hindi ba?" Mahabang wika ni Pauleen..
"Ano ba plano ninyo?" Tanong ni Don Joey..
"Sabi po ni bunso gusto niya simple lang." Wika ni Pia..
"Ay!? Hindi pwede iyon dapat special ang celebration dahil 18 na siya." Sabat pa ni Doña Consuelo..
"Tama ang lolo at lola mo Pia. Dapat maging magarbo ang birthday niya." Sagot ng ama niyang si Victor..
"Try to convince her." Sagot ni Pia..
"Ako bahala." Sagot naman ni Pauleen.
Kaya lahat sila tumango bilang sagot.
"Sana lang pumayag siya." Dugtong pa ni Pauleen.
"Sana nga." Sagot ni Pia...
After nila kumain umakyat na si Pia dahil may tatapusin pa itong paper works na need nang ipasa bukas.. Pagdating sa kaniyang silid nakita niyang mahimbing pa din ang tulog ni Maine halatang pagod ito kasi hindi na nagawa pang magpalit ng damit...
"Hay bunso hindi ka na talaga nagbago." Bulong niya habang nakatingin sa kapatid na mahimbing ang tulog...
Louise
"Pinsan ano ba talaga ang plano mo at hinahayaan mo na ligawan ni Alden si Charmaine? Akala ko ba mahal mo si Alden." Tanong ni Jake sa akin..
"Cousin hayaan mo siyang mahulog ng husto kay Alden." Sagot ko na may ngiti...
"Pero bakit nga?" Pangungulit pa nito..
"Okay fine I tell you but promise me this is a secret okay." Sagot kona may kalakip na pakiusap, ang kulit kasi.
Tumango lang siya bilang sagot sa sinabi ko..
"Ganito kasi iyon, pinagpustahan kasi nila Alden at ng mga kaibigan niya si Charmaine.." Paliwanag ko..
"So?" Tanong niya..
"Tanga ka ba pinsan? Look? Kapag naging si Charmaine at si Alden na, ako mismo magsasabi na pustahan lang ang lahat sa mismong araw ng birthday niya." Paliwanag ko.. "At dahil doon tiyak na magagalit si Charmaine sa kaniya at ito mismo ang lalayo kay Alden o baka nga magpakamatay pa iyon, dahil nakikita ko hulog na hulog na siya sa lahat ng ginagawang panliligaw at mga sinasabi ni Alden sa kaniya." Wika ko pa..
"That's nice sana magtagumpay ka." Sagot ni Jake sa pinsan niyang si Louise...
"Magtatagumpay iyon dahil may ibedensya ako." Sagot ko na may ngiti sa aking labi....
"Nice move, ngayon palang binabati na kita sa tagumpay mo." Wika pa ni Jake..
"Humanda ka Nico Charmaine ngayon pa lang sulitin mo na ang lahat dahil bago matapos ang taon na ito sisigiruhin ko na mawawala ka sa buhay namin." Wika ko sa aking isipan....

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...