Valerie
Nakita kong natutulog si Maine sa balikat ni Alden, habang si Alden naman tinititigan ng husto si Maine kaya hindi ko mapigilan na hindi kiligin kasi super bagay sila as in bagay na bagay. Tapos napansin ko na parang nagtatalo sina Patricia at ang kambal kong si Valeen..
"Siguro kinukulit na naman ng magaling kong kambal si Patricia, ito naman isa pikunin." Bulong ko sa aking sarili.
Kaya para matigil sila sa pagtatalo tinawag ko sila at pasimple kong tinuro ang dalawa. And tulad ko kinikilig din sila kaya lang likas na ata sa kambal ko ang mambasag ng moment na may momen.
"Tsk, bitter kasi wala kasing love life." Ang bad kong kakambal noh.
Valeen
Habang nagtatalo kami ni Patricia, bigla kaming tinawag ni Valerie sabay turo kina Alden at Maine.
"Ayyyie ang sweet nila." Kinikilig kong wika. "Alden." Tawag ko na ikalingon nya. "Baka pagdating natin sa Mt. Makiling eh lusaw na si Maine." Nakangisi kong sabi...
Ngumiti lang siya habang namumula ang tenga nito dahil sa hiya..
"Alam mo ikaw kambal lakas mong manira ng moment na may moment." Sermon ni Valerie sa kambal niya habang nakasimangot.
"Huwag kang sumimangot hindi bagay sa iyo ang panget mo." Pahayag ko sa kaniya..
"Wow, sis kung panget ako eh ano ka pa? Remember kambal tayo." Paalala ni Valerie sa kakambal na nakasimangot na gaya niya..
Kaya lahat sila nagtawanan, hindi nila alam lihim na silang pinagmamasdan nila Jake at Louise na may lihim nang binabalak..
Louise
"Sige lang pakasaya kayo, sulitin ninyo na ang mga moment na masaya kayo." Wika nito na sapat na para marinig ni Jake..
"Huwag ka ngang maingay mamaya may makarinig sa iyo." Saway nito sa pinsan niya na halatang naiinis sa kabilang groupo..
"Naaasar kasi ako, habang natagal feeling ko lalo akong nawawalan ng pag-asa na mapansin ni Alden." Sagot niya na may tono na tila ba nasasaktan..
"Don't worry cousin ako bahala, promise bago matapos ang camping tapos na din ang problema mo." Sagot ni Jake na tila ba kampante sa kaniyang plano..
"Promise mo iyan huh?" Paninigurado pa ni Louise..
Tumango lang si Jake bilang sagot..
Samantala
Bumisitang muli si Victor sa kaniyang pamilya umaasa na baka nagbago na ang isip nila. Pagdating niya sa mismong tinitirhan nila Pauleen ay agad siyang kumatok. Hindi naman siya nabigo dahil andoon ang dalawa niyang anak at si Puleen na tila ba may inaalala..
"Pasok ka." Wika ni Pauleen kay Victor na agad naman pumasok.
Pagdating sa loob agad niyang binati sina Pia at Paulo na abala sa paghahanda para pumasok sa kani-kanilang mga trabaho..
"Ma alis na po ako." Pagpapaalam ni Paulo sa ina..
"Kuya wait sasabay na ako sa iyo!" Sigaw ni Pia mula sa kusina.
Pagkatapos ay lumapit ito sa ina para humalik at magpaalam na..
"Sige ingat kayo." Wika ni Pauleen sa mga anak...
Umalis na sila na hindi man lang nalingon sa kanilang ama..
"Victor pagpasensyahan mo na ang mga bata." Nahihiya niyang sabi...
BINABASA MO ANG
Goodbye
Hayran KurguTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...