seven

709 33 1
                                    

"Ate? Kuya? Bakit po kapangalan ng Papa natin yung lalake? Sya po ba yung Papa natin?" Tanong nya..

Hindi agad nakasagot si Paulo sa tanong ng kanilang bunso. Ginawa ni Pia siya na ang sumagot..

"Bunso kapangalan lang siya ng ating ama, saka huwag ka nang umasa na babalikan pa niya tayo." Paliwanag nito sa kapatid..

"Akala ko siya na si Papa." Malungkot niyang pahayag..

"Okay sige kahit anong request mo ibibigay ni kuya huwag ka lang malungkot." Sabi ng kuya niya habang yakap siya nito..

"Kahit ano kuya?" Paninigurado niya..

"Oo, kahit ano." Tipid niyang sagot.. "Bakit kailan ba nabigo si kuya sa promise sa iyo?" Tanong pa niya na nakangiti sa kapatid niya..

"Wala pa po." Sagot niya..

"Now tell it, kahit ano basta kaya ni kuya ha." Sabi pa niya..

"Kuya gusto ko po makita si Papa." Malungkot niyang pahayag..

Bumitaw si Paulo sa kapatid niya.

"Bunso malabo naman iyang gusto mo." Sabi nito sa malungkot na tinig. "Kung gusto mo si Sheena aampunin ko para sa iyo." Dugtong pa niya..

"Oo nga naman Menggay, hindi ba wala nang pamilya iyon?" Tanong pa ni Pia dito..

Tumango ito bilang sagot..

"Ano payag ka na?" Tanong ni Paulo..

"Sige po." Sagot niya..

"Sige paglabas mo dito susunduin ko na ang kaibigan mo para doon na siya titira sa atin tapos sa PPNCM University na din siya papasok." Paliwanag ng kuya niya..

Agad ngumiti si Maine dahil sa sinabi ng kapatid niya..

1 week later;

Tama 1 week siyang nasa hospital at sa loob ng 1 week na iyon hindi siya nakapasok sa school. Pag-uwi niya nakita niya doon si Sheena na best friend niya..

"Charm? Kamusta ka na?" Tanong niya sa kaibigan sabay yakap dito..

"Ikaw, hindi mo ako dinalaw." Tampo niyang pahayag..

"Asus, nagtampo ang aking kaibigan. Charm inasikaso ko kasi ang paglipat ko ng school sa pinapasukan mo, alam mo ba classmate tayo." Masaya niya sabi..

"Talaga best? Hindi ka nagbibiro?" Paninigurado niya..

"Oo nga. Oh paano halika na at nang makapagpahinga ka na." Aya niya sa kaibigan..

School

"Valeen 1 week nang hindi napasok si Maine." Nagtatakang sabi nito sa kambal..

"Oo nga. Bakit kaya?" Tanong naman niya.

Nang biglang may lumapit sa kanila na tatlong babae..

"Hi Montenegro twins." Bati ng maliit na babae..

"Hello, ano maitutulong namin sa inyo?" Tanong naman nila..

"Oh by the way I'm Barbie Forteza, this is Sanya my sister and Patricia my cousin." Pagpapakilala niya..

"Nice meeting you all." Sabay na sabi ng kambal..

"Alam namin kung bakit hindi nakapasok si Maine." Malungkot na pahayag ni Patricia..

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon