two

867 41 12
                                    

Ako si Victor Mendoza ang nagmamay-ari ng P.P.N.C.M UNIVERSITY. Nagtataka siguro kayo kung bakit iyan ang name ng school na tinayo ko. Well initial name kasi iyan ng tatlo kong anak na sina "PAULO, PIA AT NICO CHARMAINE MENDOZA". Alam ko malaki ang pagkukulang ko sa kanila, lalo na sa bunso ko na si Nico Charmaine. I think 5 years old lang siya noong iniwan ko sila sa Bulacan. Ang huling balita ko ay may sarili nang karinderia ang asawa ko at ang balita ko pa lumaking mababait ang mga anak ko. 12 years na rin ang nakalipas, siguradong galit sa akin ang mga anak ko lalo na ang asawa ko. May dahilan kung bakit ko ginawa iyon? Natakot kasi ako dahil sinabi ng aking ina na tatapusin niya ang buhay ng mag-iina ko kung hindi ako susunod sa gusto niya.

Ang totoo kasal ako sa una kong asawa ang ina nila Maine. Pero sa judge lang iyon ginanap. Minahal ko ang asawa ko totoo iyon kaya nga nagbunga iyon ng tatlong supling. Nabago lang noong araw na kausapin ako ng aking ina ang Lola nila Maine. Pinilit niya akong pumirma sa isang papel na kung saan nakasaad doon na hiwalay na kami ng aking asawa. Ginawa lahat ng aking ina ang paraan na alam niya mapawalang bisa lang ang aming kasal. Noong mga panahon na iyon ay talagang nagsisi ako ng husto. Ang alam nila nagtungo ako sa Saudi para magtrabaho, pero ang totoo nasa Italy ako kasama ang babae na pilit pinakasal sa akin ng aking ina. Pero ni minsan hindi ko sila nakalimutan sila pa rin ang mahalaga sa akin, mahal na mahal ko sila..

Noong ikinasal ako sa Italy sa babaeng gusto ng aking ina ay nagsikap ako na makapagpatayo ng sarili kong company. At pinilit kong makapagtayo ng sariling school at initial ng mga anak ko sa una kong asawa ang ginamit ko. Namatay rin ang 2nd wife ko sa sakit na cancer. Pero bago siya nawala sinabi niya sa akin na hanapin ko ang tunay kong mahal, ang tunay kong pamilya. Hindi kami nagkaanak ni Isabella dahil baog siya kahit paano naging masaya ang pagsasama namin sa loob ng 12 years. Lahat ng yaman ng pamilya niya ay binigay niya sa akin sa tulong noon ay napalago ko ang negosyong aking tinayo..

Sa ngayon andito na ako sa pilipinas inaasikaso ang ilan sa negosyo na aking tinayo at pinahahanap ko na din ang aking mag-iina. Pero bago ko sila harapin ay uunahin ko na ng aking ina na kahit kailan ay hindi tinanggap ang babaeng tunay kong minahal. Magtutungo ako ngayon sa Makati kung saan doon naka-stay ang aking ina. Pagdating ko sa aming bahay, agad akong binati ng aming mga katulong..

"Welcome home po Sir. Victor." Bati ni Manang Mema..

Matagal na siya dito actually bata pa ako ay katulong na siya dito..

"Salamat po. Nga po pala andiyan po ba sila Mommy?" Tanong ko sa kaniya na walang kagana-gana..

Agad siyang tumango bilang sagot sa akin. Sinabi niyang nasa garden ang mga magulang ko kaya agad akong nagtungo doon. Pagdating ko nakita ko silang masayang nag-uusap habang nagkakape..

"Hi?" Cold kong bati sa kanila..

"Iho? Welcome home." Sabay nilang bati at niyakap pa ako..

"Kamusta?" Tanong ni Daddy na may magandang ngiti..

"Kailan ka pa nakabalik from Italy?" Tanong naman ng Mommy ko na may ngiti gaya ng kay Daddy..

"Last month." Cold kong sagot..

"Anak na balitaan namin ang nangyari kay Isabella, kinalulungkot namin." Malungkot nasabi ni Daddy..

"Sorry hindi kami nakapunta." Dagdag pa ni mommy..

"Its ok." Sagot ko na walang emotion. "Sanay na ako." Dagdag ko pa..

"Anak, babalik ka na ba dito?" Tanong ni Mommy sa akin..

"Ipapalinis ko ang iyong silid." Tugon pa ng Daddy ko..

"Nope. Hindi ako magtatagal dito. Nagpunta lang ako para malaman ninyo na nakauwi na ako." Sagot ko na hindi natingin sa kanila..

Sa totoo lang masama ang loob ko sa kanila. Kung hindi dahil sa kanila siguro buo pa hanggang ngayon ang pamilya ko..

"Anak hanggang ngayon ba hindi mo pa din ako napapatawad?" Tanong ni Mommy sa malungkot na tinig..

Ngumiti lang ako ng pilit sa kaniya tapos ay nagpaalam na din ako..

"Aalis na ako. May aasikasuhin pa ako ay mali pala may hahanapin pa pala ko." Cold kong pagpapaalam..

"Anak? Hahanapin mo na naman ba ang sila?" Tanong ni Mommy

"What if I say yes? Pipigilan ninyo na naman ba ako? Kagaya dati?" Tanong ko na may halong sumbat..

"Hon? Tama na iyan. Pabayaan na natin siyang hanapin ang kaniyang mga anak." Sagot ni Daddy..

"NO! HINDI KO MATATANGGAP ANG BABAENG HAMPASLUPA NA IYON!" Sigaw ni Mommy na ikapantig ng tenga ko..

"Huwag na huwag ninyo na pong uling tatawaging hampaslupa ang babaeng minahal ko. Kung gusto ninyo pa na igalang ko kayo pwes respetuhin ninyo din sila. Alalahanin ninyo may mga anak ako sa kaniya at apo ninyo iyon. Tanggapin man ninyo o hindi." Galit kong wika bago tumalikod..

"Victor, anak patawad." Hinging paumanhin ni Mommy..

Pero hindi ko iyon pinansin, bagkus ay deretso lang akong lumakad, ni hindi ko na nga pinansin si Manang Mema noong tawagin niya ako para magmeryenda..

"Pangako mga anak, hahanapin ko kayo at bubuuin natin muli ang ating pamilya." Bulong niya habang nakatingin sa langit. .

Umalis na siya sa bahay ng kaniyang mga magulang na may sama pa din ng loob dahil hanggang ngayon hindi pa rin matanggap ng kaniyang Ina ang una niyang minahal. Pero nangako siya sa kaniyang sarili na hahanapin niya ang kaniyang mag-iina at kahit anong sumbat ang sabihin ng kaniyang asawa lalo na ng kaniyang mga anak ay maluwag niyang tatanggapin mapatawad lang siya ng mga ito. Nasasabik na siyang makita at mayakap ang kaniyang iniwang pamilya. Lalong-lalo na ang kaniyang bunso, malapit na itong mag 18 sigurado dalagang-dalaga na siya o baka nga may mga manliligaw na. Nasa ganoon siyang pag-iisip ng tumunog ang cellphone niya..

"Hello? Good news iyan. Sige magkita tayo sa dating lugar. Okay. Sige salamat."

Pagkatapos niyang kausapin iyon ay agad siyang nagtungo sa lugar kung saan sila magtatagpo ng kaniyang kausap...

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon