fifty eight

454 26 1
                                    

After class dumereretso ang mga kaibigan ng dalaga sa hospital para malaman kung gising na ba ito. Dahil almost 2 weeks na mula ng operahan until now hindi pa din ito gising...

Si Victor naman ay ipinagpatuloy ang negosyo nila. Hindi sa ayaw niya dumalaw sa anak niya, kun hindi naaawa siya sa sitwasyon nito. Si Pauleen naman ay pinaubaya muna sa kaniyang manager ang restaurant na kaniyang itinayo hanggang hindi pa okay ang anak. Si Pia at Paulo naman dumadalaw din after nila sa trabaho...

Linggo nang umaga naisipan nila Pauleen at Pia kasama si Louise na magsimba, habang si Alden at ang iba pa ang bantay ni Maine. Nang makaalis sila hiniling ni Alden na kung pwede siya pumasok sa loob ng ICU. Mabuti na lang at pumayag ang doctor. Kaya agad naman siyang nagsuot ng mask at hospital dress.. Pagdating sa loob agad niyang hinalikan ang dalaga sa noo, tapos kinuha niya ang upuan para makaupo siya sa tabi nito..

"Maine kamusta ka na? Ang haba na nang tulog mo oh. Imagine 2 weeks ka nang tulog diyan. Hindi ka pa ba gigising? Huwag ka naman masyadong maaliw diyan sa panaginip mo. Alam mo bang miss kabna namin. Marami kaming ikukuwento sa iyo kaya gumising ka na diyan.Wika niyang nagpipigil ng pag-iyak. "Hindi ba sabi mo madami ka pang gustong marating? Matupad? Paano mo gagawin ang mga iyon kung andito ka at natutulog? Alam mo bang lagi kong dinarasal na sana magising ka na. Kahit hindi mo kami o ako maalala ay ayos lang. Dahil pwede tayo gumawa uli ng mas maganda at mas masayang alaala kasama ka. Kaya sana gumising ka na. Mahal na mahal kita Maine."

Matapos niya makipag-usap sa tulog na si Charmaine lumabas na din siya at doon inilabas ang kanina pa niyang pinipigil na pag-iyak. Sa simbahan naman taimtim na nagdasal sina Pauleen, Pia at Louise para sa dalaga..

Pauleen

"Diyos ko, naniniwala po ako na pagagalingin ninyo ang anak kong si Charmaine. Alam ko pong hindi kami perfect family, minsan napupuno rin po kami ng tampuhan. Pero Panginoon ko isa lang po hiling ko baka naman pwede ibalato ninyo na po sa akin ang aming anak. Madami pa po siyang gustong matupad. Alam ko po na hiram lang ang aming buhay, alam ko rin po na hindi habang buhay ay sa amin siya. Pero sa pagkakataong pong ito hinihiling ko po na huwag ninyo po muna siyang bawiin sa amin. Pakiusap lang po."  Umiiyak niyang dasal..

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon