Lahat sila nasa silid ni Maine na magpahanggang sa ngayon ay wala pa ding malay.. Hinayaan nila na lumapit si Victor dito, nakita nila kung paano halikan ng kanilang ama sa noo si Maine na tila ba natutulog lang, umiiyak ito at panay ang hingi ng tawad rito...
12 years ago;
"Pauleen pumapayag na ako sa kagustuhan nila Mommy naiwan kayo ng mga bata."
"Pero bakit? Hindi na ba kami mahalaga sa iyo? Hindi mo na ba ako mahal? Paano na kami ng mga anak mo?"
"Minahal kita, kayo ng mga bata.. Mahalaga kayo sa akin, gagawin ko ito para din sa inyo."
"Mahal? Kung mahal mo kami hindi mo kami iiwan ng basta-basta.. Mahalaga? Kung mahalaga kami ipaglalaban mo kami sa magulang mo. Isa kang malaking duwag. Hindi mo kami kayang ipaglaban sa magulang mo."
"Patawarin mo ako pero buo na ang pasya ko. Ikaw na ang bahala sa mga bata. Pangako babalikan ko kayo bigyan mo lang ako ng 2 years tapos noon magsisimula tayong muli."
"Ano na lang ang sasabihin ko sa mga anak mo? Lalong-lalo na kay Charmaine na masyadong malapit sa iyo. Victor maawa ka naman sa amin, huwag mong gawin ito sa amin please. Hindi ko kaya, namin ng mga bata na wala ka."
"Sorry pero buo na ang pasya ko."
"Papa huwag mong gawin ito sa amin please." Paulo.
"Paulo ikaw ang panganay kaya ikaw na ang bahala sa Mama mo at sa mga kapatid mo. Lalo na kay Charmaine."

BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...