sixty

511 24 2
                                    

Sa paglipas pa ng mga taon, marami nang nagbago kay Charmaine. Lalo nasa itsura nito. Kung payat siya noon mas pumayat siya ngayon. Wala na din siyang buhok gaya ng dati. Kung hindi wig na lang ang nilalagay nila sa ulo nito. Nakalabas na din siya ng hospital. Naka-graduate dahil sa advanced acceleration exam. Hindi man siya ang valedictorian ng school nila ay ayos lang. Ang mahalaga nakatapos siya. Kada ikalawang buwan nagtutungo sila sa hospital. Para ituloy parin ang kaniyang chemotherapy. Actually 3 session na lang ay matatapos na siya. Ang alaala niya kahit paano ay paunti-unti na rin na balik sa tulong ng mga kaibigan at pamilya niya. Hindi na siya nagamit pa ng wheelchair kasi hindi naman siya ganoon kahina gaya ng dati. Ngayong araw muling babalik si Charmaine sa hospital for her follow up check up. Wala siyang schedule ngayon sa chemotherapy. Kung hindi sa mga laboratory lamang, para malaman kung talagang okay na siya. Si Pia at Sheena ang kasama niya ngayon. Dahil si Pauleen inaasikaso ang next Branch ng kaniyang Nico Charm restaurant  at sina Louise at Jake ang mangangasiwa nito...

Si Victor at Paulo naman ay magkasama sa ibang bansa para sa isang business trip. Wala na din sina Don Joey at Doña Consuelo, pareho na silang pumanaw dahil na din sa kani-kanilang mga karamdaman. Sa bansang Italy inilibing ang Lolo at Lola nila Paulo. Hindi pa din alam ni Charmaine na wala na ang mga ito...

Samantala sa hospital iniwan muna nila Sheena at Pia si Charmaine sa isang waiting area. Si Pia nagtungo sa personal doctor ng kapatid. Si Sheena naman ay bumili ng pagkain para sa kaibigan. Habang hinihintay ni Maine ang mga kasama biglang may lumapit sa kaniya na hindi pamilyar sa paningin niya...

Charmaine

Habang nasa hospital kami bigla na lang may lumapit sa akin na isang binata na may kasama pang matanda na hindi ko naman kilala.

"Ate Maine? It's that you? Kamusta ka na?" Magiliw na sabi ng isang binata sa akin..

"Sorry pero hindi kita kilala eh." Sagot ko. Wala kasi si ate Pia pumunta siya sa office ng personal doctor ko. Si Sheena naman bumili ng food ko..

"Ate naman, si Kenneth po ito kasama ko po si Lola Irene." Wika pa niya..

"Iha, kamusta ka na? Matagal din tayo hindi nagkita." Wika pa ng matanda..

"Pero hindi ko po kayo kilala." Naiiyak kong paliwanag sa kanila.

Hanggang sa dumating si ate Pia..

"Bunso bakit ka naiyak? May masakit ba sa iyo?" Tanong niya na may pag-aalala na hindi man lang napansin ang dalawang tao na nakikipag-usap sa kapatid niya.

"Ate, kilala mo ba sila? Sabi nila kilala nila ako pero bakit hindi ko sila matandaan?" Mga tanong niya habang hawak ang ulo niya.

Kaya lumingon si Pia sa taong tinutukoy ng kapatid niya..

"Nay Irene? Kenneth? Kamusta na po kayo?" Masayang wika niya sa dalawa..

"Okay naman po kami ate kaya lang bakit hindi niya kami kilala?" Nagtatakang tanong ni Kenneth..

"Siya nga naman iha. Saka bakit parang pumayat ata siya?" Pag-uusisa pa ng matanda...

Kaya kinuwento ni Pia ang dahilan, mga ilang saglit pa dumating naman si Sheena..

"Charm ito na ang food mo." Wika nito sabay abot ng pagkain ni Charm..

"Ayoko." Pagtanggi niya..

"Kala ko ba nagugutom ka? Kaya nga kita binilhan ng food eh." Malungkot niya wika...

"Ang tagal mo kasi." Reklamo pa niya..

"Ayon naman pala, nagtampo ang best friend ko. Okay sorry nahuli ako. Ang haba kasi ng pila doon. So ano kakain ka na ba?" Malambing niyang wika..

Ngumuti si Maine bago kinuha ang pagkain tapos bumulong pa kay Sheena..

"Sheena kilala mo ba sila?"  Bulong niya..

"Oo naman. Sila ang nag-aruga sa iyo noong naglayas ka. I think almost 2 years ka din sa kanila." Kwento niya...

Tumango lang si Maine bilang sagot..

Tambayan

Samantala ang mga kaibigan naman nila tinutulungan si Alden kung paano magtatapat kay Maine. Gusto niya kasi nito muling ligawan, but this time sisiguruhin niyang nasa simbahan ang bagsak nila...

"Guys sana talaga pumayag siya." Wika ni Alden..

"Papayag iyon." Sagot ni Sam..

"Paano kung hindi?" Singit pa ni Jerald..

"Huwag ka ngang nega diyan Jerald." Inis na wika ni Valeen..

"Wala lang maalala si Maine pero makikita sa mata niya na mahal niya si Alden." Sigunda pa ni Valerie..

"Talo ka na Jerald, kambal ang kaaway mo." Nakangising wika ni Jake..

"Basta Alden magtapat ka lang kay pinsan, na mahal mo siya dati pa at hindi iyon nagbago." Sabat ni Louise na kumakain pa ng ice cream...

"Nice advise friend." Nakangiting wika ni Kate..

"Pero infernes may point ka doon Louise. Beside hindi naman nabago ang pagmamahal mo kay Nico? Hindi ba?" Wika naman ni China..

"Oo naman. Kahit kailan hindi nabago iyon." Sagot ni Alden.. "Kaya lang.."

"Kaya lang, what?"

"Baka tanggihan niya ko eh."

"Ayon, ang kaninang napakalakas ng loob na magtapat ngayon natotorpe na." Birong wika ni Sanya..

"Hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan. Am I right guys?" Tanong ni Patricia na naka crossarm pa..

"She's right bro." Pagsang ayon ni Sam..

Kaya naman napangiti na siya, sabay wika sa kaniyang sarili na...

"Kaya ko ito for the love."

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon