five

714 34 0
                                        

Patricia;

"Sis hindi ba si Maine iyon?" Bulong niya sa pinsan na si Sanya..

"Oo nga noh." Sagot niya..

"Asan?" Tanong ni Barbie na kapatid ni Sanya..

"Ayon oh?" Turo niya. "Bulag ka ba?" Biro pa nito..

"Hoy! Ate maliit lang ako pero hindi ako bulag noh." Inis niyang sagot..

"Asus na pikon ka na naman kay ate Sanya." Sagot ni Patricia. "Pero tara lapitan natin si Maine." Aya ko pa sa kanilang dalawa..

Paglapit namin agad namin napansin na inaaway siya ni Louise ang "Queen of bully." Pero buti na lang pinagtanggol siya ng Montenegro twins. Inis kasi si Louise sa kambal na iyon dahil lagi siyang nasasapawan lalo na pagdating sa larong volleyball..

"Kawawang Maine mukhang siya ang bagong laruan ng tropa nila Louise." Biglang sabi ni Barbie..

"Oo nga, pero buti andiyan ang kambal at least may magtatanggol sa kaniya." Sagot naman ni Ate Sanya..

"Pero paano kung wala ang kambal? Paano na siya?" Bigla kong tanong..

"Eh 'di tayo ang magtatanggol sa kaniya." Sabat naman ni Ate Sanya..

"True ka diyan sis." Wika ni Barbie na nakangiti pa..

"Iyan diyan kayo magaling sa trouble." Sagot ko..

"Wow huh? Kami talaga? If I know isa ka rin sa nagtitimpi diyan kay killer clown." Sagot ni Barbie sa akin..

"Ewan ko sa iyo. Basta kahit san magpunta si Maine lagi natin siyang sasamahan lalo na at siya ang bagong laruan ng mga bully na iyon." Mataray na sagot ni ate Sanya..

Louise;

"Nakakainis talaga ang kambal na iyon at talagang kinampihan pa nila ang babaeng iyon."

"Girl, chill lang." Wika ni Kate na kaibigan niya..

"Chill? Paano ka mag-chi-chill ha? Alam mo bang napahiya ako sa harap ng lahat?" Sigaw pa nito..

"Hay? Relax lang." Wika naman ni China. "Makakaganti din tayo sa babaeng iyon." Dugtong pa nito habang nainom ng juice..

"Paano naman aber?" Tanong niya..

"Easy. Kapag wala ang kambal, abangan natin siya doon sa labas." Sagot ni Kate..

"Korek!" Nakangiting wika ni China..

Hindi sila pumasok sa last subject nila para abangan lang ang babae na may dahilan ng pagkapahiya nila..

....

Uwian na at mag-isa na lang si Maine na tutungo sa sakayan pauwi sa kanila. Hindi nakasabay sina Valeen at Valerie dahil kakausapin raw sila ng kanilang couch sa  volleyball. Ang hindi alam ni Maine may naghihintay na sa kaniya walang iba kung hindi ang mga tropa ni Louise na gustong gumanti dahil sa pagkakapahiya nito. Samantalang ang magpipinsan na Patricia, Barbie at Sanya ay nasa library dahil may report sila bukas at dapat na iyon matapos. Paglabas ni Maine bigla siyang hinatak ng isang babae walang iba kung hindi si Kate ang kaibigan ni Louise..

"Kamusta ka na Ms. Lampa?" Tanong ni Louise habang hawak ang buhok nito..

"Ano ba ang kailangan ninyo?" Tanong niya. "Bitwan mo ako nasasaktan ako." Wika pa niya.

GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon