Paulo;
Pauwi na ako galing sa aking trabaho, iyon nga lang hindi ako dumeretso sa bahay namin. kung hindi sa karinderya ni Mama. Nag-text kasi si Mama na kanina pa nandoon ang bunso namin.
"Ang aga naman ng uwian noon?" Bulong ko. "Kung sabagay first day pa lang naman kaya siguro maaga sila." Wika ko pa sa aking isipan.
Habang patungo ako sa loob ng karinderya ni Mama nadidinig ko na ang pagtatalo nila.
"Tiyak nangungulit na naman si bunso." Muli kong wika sa aking isipan.
Well totoo nga at ayon nga nakikita ko silang nagtatalo.
"Mama, ako na po maghahatid ng pagkain doon sa isang customer." Pangungulit ni bunso kay Mama.
"Hindi nga pwede." Wika ni Mama..
"Sige na Mama. Please..." Pamimilit pa nito..
"Hindi ba sinabi ni Ate Pia mo, na huwag kang mangungulit?" Paalala sa kaniya ni Mama..
"Pero Ma, wala naman si ate dito. Saka gusto ko lang po tumulong." Tugon pa niya na tila paiyak na..
"Hay! Naku anak, huwag ka na malungkot at magtampo, gawin mo para malibang ka magsulat ka diyan ng kahit anong short story? Oh hindi kaya magbasa ka." Pag-aalo ni Mama sa aming bunso..
"Mama, naman hindi na po ako kindergarten o hindi kaya elementary para gawin pa po iyon." Malungkot niyang sabi..
Kaso bago pa makasagot si Mama ay lumapit na ako, at nakita ko na may luha na ang mata ng aming bunso..
"Bunso ko." Tawag ko sa kaniya na ikalingon nila.
Lumapit ako at nagmano kay Mama tapos hinalikan ko sa noo si Charmaine.
"Oh! Buti andiyan ka na, ikaw muna bahala diyan sa kapatid mo."
"Sige po Mama."
Iniwan kami ni Mama, nakita ko ang lungkot sa mata ng aking kapatid.
"Bunso? Huwag ka nang magtampo kay Mama. Alam mo ang dahilan kung bakit ayaw ka niya na kumilos dito hindi ba?" Paliwanag ko sa kaniya..
"Opo. Pero kuya gusto ko tumulong." Tugon niya na kunti na lang ay iiyak na..
"Sige para hindi ka na sad halika treat kita, kain tayo ng ice cream." Pag-aaya ko sa kaniya..
"Ayoko." Sagot niya..
"Bakit? Galit ka ba kay kuya?" Tanong ko na may kunwaring tampo..
"Hindi po ako galit. Ayoko lang po talaga." Sabi niya.
Hindi ko siya napilit, kasi pagsinabi niyang ayaw niya talagang ayaw niya. Hanggang sa dumating si Pia.
"Hi? Ma?" Tawag nito sa inang busy sa pag-aasikaso sa mga customers..
"Aga mo ata?" Tanong ni Mama habang nagmamano ako sa kaniya.
"Ah? Ma? Andito na po ba sila Kuya Paulo at Menggay?" Tanong ko..
"Oo, andoon sila sa loob inaalo ang kapatid mo." Sagot ni Mama..
"Inaalo? Bakit ano po bang nangyari?" Tanong ko..
Kaya naman kinuwento ni Mama sa akin ang dahilan kung bakit nagmamaktol si bunso, natawa naman ako sa mga kuwento ni Mama. Kaya naman nagpaalam na ako na pupuntahan na sila sa loob kung saan sila nakatambay. Pagdating ko sa loob nakita ko na pinatatahan ni kuya si Menggay.
"Hay! Napakaiyakin talaga ng bunso namin." Bulong ko sa aking sarili.
"Hi kuya?" Bati ko kay Kuya..
"Buti andiyan ka na, tulungan mo naman ako." Sabi ni kuya..
"Tulungan? Saan?" Tanong ko.
"Hindi saan? Kung hindi kanino?" Tugon niya..
"Ok! Kanino ba?" Tanong kong muli..
Pero ginawa ni kuya tinuro niya si Menggay na tahimik na naiyak..
"Bunso, may problema ka ba? Tell me? You know I'm here for you." Pag-aalo ko habang yakap siya.
Samantalang si kuya, kumuha ng tubig para kay bunso. Pero may napansin akong mali sa paghinga ni bunso. Oh baka naman mali ang nasa isip ko..
"Menggay you want vanilla ice cream?" Tanong ko.
Pero iling lang ang sinagot niya. Tumingin ako kay kuya pero nagkibit balikat lang siya. Sabay bulong sa aking tenga.
"Pia, inalok ko na din siya kanina niyan. Pero ayaw niya talaga." Nag-aalalang wika ni kuya..
Lumipas pa ang ilang oras at magsasara na kami, tutulungan na namin si Mama at sabay-sabay na kami uuwi. Napansin namin na tahimik pa din ang aking kapatid..
"Halina kayo, uwi na tayo at sa bahay na tayo kumain." Aya ni Mama sa amin na agad naming sinunod..
"Tara na bunso uuwi na tayo." Tawag ko sa aking kapatid.
Nang tumayo, bigla siyang napakapit sa isang upuan..
"Anak are you okay?" Alalang tanong ni Mama sa kaniya..
"O-opo." Utal niyang sagot..
"Are you sure bunso?" Sabat ni Pia..
"Opo ate." Sagot niya na walang gana.
Ginawa ni Pia inalalayan niya na lang si Menggay para hindi ito bumagsak tapos ay nag-arkila na lang kami ng tricycle para hindi na mapagod pa ang kapatid ko. Nang makarating kami sa bahay ay agad namin siyang hinatid sa kaniyang silid para doon na siya magpahinga. Tiyak na hindi iyan kakain dahil masama ang loob niya. Habang nasa silid siya at nagpapahinga kami naman ay nasa kusina na para kumain at ipagtatabi na lang namin siya para pagnagutom ay may kakainin siya. Pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng plato, samantalang sina Pia at Mama naman ay nagtungo sa silid ni Maine para tignan kung okay ba siya o hindi. Pagkatapos ko maghugas ng plato ay nagtungo din ako sa silid ni bunso at naabutan ko sila doon na pinagmamasdan ang natutulog na si Maine..
"Ma, Pia tara na magpahinga na din kayo hayaan na po natin siyang makapagpahinga. Tiyak bukas wala na po ang tampo ni bunso." Wika ko sa kanila na agad naman tumayo.
Kaso nagpaiwan si Mama dahil talagang nag-aalala siya sa kapatid namin. Kung wala lang siyang sakit hahayaan namin siya sa gusto niya kaso hindi nga pwede dahil sa kalagayan niya. Ang bahay namin ay simple lang may apat na silid ito, isa kay Mama na katabi lang ng kay Menggay, tapos katapat ko ang silid ni Pia. Bali ang bahay na ito ay nakasanlang tira sa amin, pagginusto na kuhain ng may-ari ay ibabalik lang nila ang pera na binayad namin. Parang ang pinaka tubo nito ay 'yong pagtira namin dito. Actually almost 5 years na kaming nakatira dito. Iyon kasing dating tinirhan namin ay naibenta na namin dahil sa pagpapagamot ni Nico Charmaine. Iyong natira naman ay kinuha namin ng sanlang tira at ito na nga iyon. 'Yong may-ari kasi nito ay nasa America na kaya parang pinagkatiwala na sa amin ito. Kung babalik man si Papa hindi niya malalaman kung saan kami nakatira, beside hindi pa ako handa na makita siya kahit si Pia ayaw na siyang makita. Pero hindi si Maine dahil sabik siyang makilala ang aming ama. Si Mama ewan kung handa na, pero ramdam ko na mahal pa niya si Papa. Ako? Ewan hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko pagnagkita kami. At ayoko malaman niya na may sakit si Nico Charmaine dahil baka mamaya kuhain pa niya ang kapatid namin at iyon ang hindi ko makakaya lalo na nila Mama at Pia. Ganoon namin kamahal si bunso..
BINABASA MO ANG
Goodbye
Fiksi PenggemarTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...