Aling Irene
Ako si Irene na kapitbahay ni Charm. Madalas bumili ng ulam sa akin ang batang iyan. Minsan tinanong ko siya, kung asan ba ang pamilya niya? O kung meron ba siyang mga magulang at kapatid? Sagot niya..
"Meron naman po." Magtatanong pa sana ako ng bigla siyang umalis..
Isang araw may nagtanong sa akin na dalawang dalaga. Simple lang sila manamit pero masasabi mo na mayaman ang isa sa kanila. Dahil iyon sa pananamit at pustura nito. Samantalang ang isa naman ay simple din naman pero hindi gaya ng kasama niya...
"Ate pwede po magtanong?" Wika ng babae na mukhang mayaman..
"Ay opo naman? Ano po ba iyon?" Tanong ko na may ngiti..
"May kilala po ba kayong Nico Charmaine?" Tanong niya. "Ito po ang itsura niya." Sabay pakita ng picture ni Charm..
"Oo kilala ko ang batang iyan." Magiliw kong sagot sa kanila. "Banda doon ang bahay niya malapit sa may kinder school." Sagot ko..
"Maraming salamat po." Sabay nilang wika sa akin.
Paalis na dapat sila ng magtanong ako sa kanila..
"Ah mga ineng pwede ko po ba malaman kung kaanu-ano kayo ni Charm? Kasi parang anak ko na po ang batang iyan." Pahayag ko..
"Ako po si Pia kapatid niya at siya naman po si Sheena kaibigan niya.. Matagal na po namin siyang hinahanap, almost 2 years na din po." Paliwanag nila..
"Oo nga 2 years nang nakatira si Charm doon sa inuupahan niya." Wika ko.
Tapos nagpaalam na sila para puntahan ang bahay ni Charm. Makalipas ang dalawang araw, muling bumili ng pagkain si Charm dito. Napansin ko na parang ang tamlay niya, kaya agad ko siyang tinanong kung okay ba siya..
"Okay lang po ako." Sagot niya pero hindi ako kumbinsido dahil namumutla ito na tila ba hindi nakatulog ng ayos at panay pa ang hawak sa ulo niya..
Dahil nag-aalala ako sa kaniya naisipan ko na ipahatid siya sa apo kong si Kenneth. Pero tumanggi siya dahil kaya niya naman daw. Laking gulat ko na lang ng tumayo siya at bumagsak na para bang upos na kandila. Dahil sa pagkabigla napasigaw ako dahilan para maagaw ang attention ng mga kumakain at bumibili ng aking paninda.
"DIYOS KO PO!!!! TULUNGAN NINYO KAMI!!" Sigaw ko..
Binuhat nila agad si Charm at dinala sa bahay namin. Inutusan ko pa si Kenneth na tawagin ang Tita niya na nagtatrabaho sa health center na malapit lang sa amin para masuri si Charm. Nang dumating ito, agad tiningnan si Charm at sinabing over fatigue ang bata at kailangan ng pahinga. Nang magising siya hindi ko na muna pinauwi sa bahay niya. Baka mamaya bumagsak na naman ito kawawa naman, wala pa naman siyang kasama..
"Ano ba ang mabigat mong dahilan at ayaw mong bumalik sa pamilya mo?" Bulong ko habang pinagmamasdan siya..
BINABASA MO ANG
Goodbye
FanfictionTara magbasa at sama-sama tayong umiyak, magalit at kiligin. Sana magustuhan nyo...